CHAPTER 26
“Exam niyo ngayon hindi ba Shan?” tanong ni Daddy habang tahimik kaming nag-aagahan.
Tumango ako habang ngumunguya ng sandwhich ko.
Maaga akong papasok ngayon dahil mag rereview pa ako ng ilang minuto muna. Mahirap na at baka makalimutan ko ang mga tinuro ni Storm.
“Wag mo masyadong i-pressure ang sarili mo sa notes, baka ang ending niyan ay lalo mong makalimutan.” Ani Storm habang humihiwa ng bacon. Kasabay ko siyang mag agahan ngayon dahil maaga siyang pumapasok.
“Oo.” Nakangiting sagot ko.
“Good luck sa inyo.” Ani Dad nang magpaalam kami.
Wala ang driver namin ngayon kaya mag ba-bus kami ni Storm sa pagpasok. Hindi na rin kami nag-abalang magpahatid kay Dad dahil malapit lang naman ang university namin.
Ito ang first time na kasabay kong mag commute si Storm at naeexcite ako.
MAHIGPIT ang kapit ko sa strap ng bag ko habang nakasunod sa kanya sa paglalakad papuntang bus station. Nauuna siya sa’kin dahil nahihiya naman akong sabayan siya at baka ano pang isipin niya.
Baka isipin nito na patay na patay ako sa kanya. Tss.
“Aray!”
Sinapo ko ang noo ko dahil nauntog lang naman ako sa likuran niyang kasing tigas ata ng bato.
“Mauna ka,” walang emosyong saad niya.
Ngumuso ako at lihim siyang inirapan. “Bakit?”
“Masyadong maiksi ang legs mo, mukhang nahihirapan kang makahabol.”
Napaawang ang bibig ko. Ininsulto ba niya ako? Ang lalaking ‘to talaga! Kaasar.
Inis akong nauna sa kanya. Kala mo naman kung sino, edi siya na ang long legged.
Third Person’s POV
Nang maunang maglakad si Shan ay tinitigan ni Storm ang lalaking nakatago sa likod ng poste na tanging mahabang coat lang ang suot at mariing nakatitig kay Shan. Kanina niya pa napapansin ang lalaking ‘yun kaya tinitigan niya ‘yun ng masama ng magtama ang paningin nila.
“Anong kailangan mo?” maangas na tanong niya.
Agad na nanlaki ang mata ng lalaki at tumakbo. Ni hindi man lang sumagot.
Napapailing na sinundan siya ng tingin ni Storm at nagpatuloy na sa paglalakad.
“Good luck.” Ani Storm kay Shan ng maghiwalay sila ng daan patungo sa kanya kanyang class room. Natigilan naman ang babae dahil ito ang unang beses na narinig niya iyon kay Storm.
Good luck raw, Shan. Ayiee.
Masayang pumasok si Shan sa room niya at kahit nang ibuklat niya ang libro niya ay hindi nawawala ang ngiti niya.
Isa isang nagsidatingan ang klase ng last section at ang iba ay nakatuon agad ang atensyon sa kanya-kanyang libro, samantalang ang iilan ay mukhang walang pakialam sa gaganaping exam.
“Sana naman maipasa ko ‘to.” Ani Bri at pumikit ng mariin.
“Papasa tayo, galingan natin.” Si Drei habang seryoso ang mukha.
Hindi nagsalita si Shan dahil hindi naman niya naririnig ang dalawa. Matindi ang concentration niya sa binabasa niyang libro kaya kahit katabi niya lang ang dalawa ay hindi niya ito naririnig.
“Tingin ko si Shan ang magiging highest natin ngayon.” Komento ni Drei habang nakatitig sa seryosong kaibigan.
Tumango tango si Bri at ngumuso. “Sana all.”
Hindi na muling nakapag kwentuhan ang dalawa nang pumasok ang home room teacher nila at sinimulan ang pamimigay ng test papers. Sari-saring reaksyon at expression ng mukha ang makikita sa buong klase nang makita nila ang questionaires. Karamihan sa kanila ay napapakamot na lang ng ulo.
Good luck, Shan. Focus lang. bulong ni Shan sa sarili bago nagsimulang basahin ang tanong.
Tahimik at tanging ang ingay lang sa hallway ang maririnig dahil ang lahat ay seryoso sa kanilang exam. Si Shan ay kampante at tuloy tuloy lang ang pagsagot hanggang sa tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang oras para sa naunang subject.