Chapter 24

830 Words
TUTOK NA TUTOK ako sa binabasa ko habang nasa tabi ko si Storm na nagtatype ng kung ano sa computer ko. Nakasuot ako ng head band na may iilang reminders, maging ang harapan ng study table, sa banyo at sa may kama ko ay maraming sticky notes na nakadikit. Ang buong kwarto ko ay punong puno ng sticky notes na may mga lectures at codes na dinikit ni Storm. Ang sabi niya kasi ay effective raw iyon, na nakikita ko ang mga ‘yun para hindi ko makalimutan. “Ito na ang snacks niyo.” Inilapag ni Manang ang pagkain namin at tahimik kaming iniwan. Pati ang snacks namin ay pinakialaman ni Storm, binilin niya kay manang ang mga pagkaing dapat kong kainin habang nag-aaral na makakatulong raw sa’kin. Hinayaan ko lang siya dahil para rin naman sa’kin ang mga ‘yun. “Ito ‘yung sa isa mong subject. Intindihin mong mabuti ‘yan since puro calculations ang mga ‘yan.” Aniya matapos ilapag sa desk ko ang panibagong set ng mga papel. Hindi ako umangal at tanging tango lang ang binigay ko sa kanya habang seryosong nakatuon sa binabasa ko. Umupo siya sa tabi ko at pinanood ang ginagawa ko. Matapos ang ilang oras ay napahikab ako at nag unat ng bahagya. Natigilan ako ng makita ang natutulog na si Storm sa mesa ko. Masyado ko na ata siyang napapagod. Sabi niya noon ay hindi siya nag-aaral tuwing gabi kaya alam kong malaking effort rin sa kanya itong favor na hiningi ko. Bakit ang gwapo mo pa rin kahit tulog? Ibinaba ko ang ballpen ko at isinandal rin ang ulo ko sa desk habang nakaharap sa kanya. Mula sa buhok niya na makapal, sa kilay na makapal din, sa matangos na ilong at manipis na labi. Bakit halos perpekto ang mukha niya sa paningin ko? ‘Yung mata niyang paborito ko, na may pinakamatinding epekto sa akin at sa buong systema ko… na sa tuwing titig siya sa akin ay kinakabahan ako at bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit habang nakatitig ako sa kanya ay parang may mainit akong nararamdaman sa dibdib ko at maging ang sulok ng mata ko ay nag-iinit. Storm, magiging akin ka kaya? Sana kung hindi, ngayon pa lang ay sabihin mo na para maihanda ko na ang sarili ko… Ngayon lang ako nagkagusto sa ilang taon kong nabubuhay kaya alam kong kung sakaling hindi siya para sa akin ay masasaktan ako ng todo. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang sariling ipikit ang mga mata na mukha niya ang huling nakita.   Third Person’s POV Habang payapang natutulog sila Storm at Shan sa lamesa nito ay siyang pagkatok ni Mr. Borromeo sa kwarto ni Shan. “Shan?” Nang walang marinig na sagot ay dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok. Nanlaki ang mata niya at napangiti ng malapad nang makita ang itsura ng dalawa. Si Storm at Shan na magkaharap na natutulog, maraming libro at sticky notes sa buong paligid at parehong nakasuot ng head band na may notes. Dali dali siyang lumabas ng kwarto para kuhanin ang camera niya at nakangising kinuhanan ng litrato ang dalawa. “Bagay na bagay kayo.” Kinikilig na anito habang nakatitig sa litrato ng dalawa at pagkatapos ay dahan dahan nang lumabas ng kwarto ni Shan. Pumasok siya sa office niya at ipinrint ang litrato ng dalawa. “Wala akong ibang gusto sa anak ko kundi ang lalaking kagaya mo Storm.” Buong pusong aniya. Hindi niya alam kung bakit pero naluluha siya habang tinititigan ang litrato ng dalawa. Hindi man matampuhing anak si Shan pero ramdam na ramdam niya kung gaano kalaki ang pagkukulang niya sa anak. Hindi man ito nagsasabi pero alam niyang kahit kaunti ay nasasaktan rin ito sa tuwing mas inuuna niya ang orphanage kaysa sa kanya. Hindi nya alam kung bakit sobrang buting bata ni Shan at never niyang naramdaman na nagalit ito sa kanya, samantalang kung ibang bata ‘yun ay paniguradong malaki na ang sama ng loob sa kanya dahil sa orphanage. Hindi naman niya intension ang ganu’n pero malaking parte talaga ng healing niya sa yumaong asawa ang pagma-manage ng orphanage. Buhay na niya ang We Care, doon umiikot ang buhay niya kasama ang anak niya na si Shan, at hindi niya alam kung papaano niya ipapaunawa ‘yun sa anak ng lubusan kahit pa palagi nitong pinapakita sa kanya na naiintindihan nito siya. “Anak, itong mga tinutulungan ko ang mga taong tutulong rin sa’yo sa oras na mawala ako. Mahal na mahal kita anak.” Aniya habang pinupunasan ang luhang kanina pa pala dumadaloy. Nang maginhawaan ay muli siyang bumalik sa kwarto ni Shan at lihim na ipinasok sa libro ang litrato ng dalawa. Alam niyang gusto ni Shan si Storm, ramdam niya ‘yun kahit hindi sabihin ng anak. Kaya naman inilagay niya ang litrato sa libro para masiyahan ang anak.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD