TAHIMIK akong nakasunod kay Storm palabas ng bahay. Wala pa rin ang driver namin at mukhang matatagalan pa bago siya bumalik dahil kasalukuyan itong nasa probinsya, kaya naman pansamantalang mag co-commute kami ni Storm. Hindi naman ako na-trauma masyado sa nangyari sa akin kagabi, pero may kaunting kaba syempre. Minabuti ko na rin na hindi ipaalam kay Dad, ayokong mag alala siya sa bagay na nangyari naman na. Buti nga at hindi madaldal itong si Storm at hindi naikwento kay Dad kanina habang nagbi-breakfast.
“Samabay ka sa’kin pauwi.” Aniya na nakatalikod pa rin sa akin.
Tumakbo ako at sumabay sa kanya. “Talaga? Sige.”
Hindi na siya umimik kaya nanahimik na lang ulit ako pero may mga lihim na ngiti sa aking labi. Ewan ko ba, pakiramdam ko nag-aalala siya sa akin at natutuwa ako sa isiping iyon.
Talaga ba, Shan? Paasahin mo ang sarili mo, sige.
Parang kailan lang ay gusto ko nang mag move on sa feelings ko sa kanya, tapos eto ako ngayon at kinikilig. Adik lang diba.
“Parang good mood ka na naman ngayon ah.” Usisa ni Brin ang makaupo ako sa pwesto ko.
“Ano na naman ba, Bri? Lagi ka na lang may napapansin sa’kin.” Kunwari ay naiinis na saad ko.
“Eh talaga namang may kapansin pansin sa’yo bruha ka.”
Inirapan ko lang siya at umaayos na ng upon ang pumasok ang home room professor namin na may dala-dalang papers.
This is it. Result time.
Huminga ako ng malalim at lihim na napalunok. Kinakabahan ako, todo todo. Hindi lang para sa akin itong score ko kundi para na rin kay Storm na napuyat ng ilang araw dahil sa’kin. Nakakahiya kung sa lahat ng tinuro niya ay hindi man lang magbubunga ng maganda ‘di ba?
“Well…” unti-unting lumapad ang ngiti ni Ms. Gozon na nagbigay ng pansamantalang ginhawa sa bawat isa. “May good news ako. Sobrang good news!” pumalakpak pa siya at halatang excited.
“Nangbibitin ka naman, Miss.” Reklamo ng isang nasa unahan na ikinatawa ni Ms. Gozon.
“Okay sasabihin ko na.” ngumiti siya sandali at tumingin sa akin. “Lahat kayo ay nakapasa sa finals.”
Nang marinig iyon ay agad na nagsigawan at nagtayuan ang mga kaklase ko. Sobrang saya naming lahat, lalo na ako na nanganganib ang grades. Sobrang nakakatuwa na nagbunga ang pag-aaral ko ng ilang araw.
Isa isa nang pinamigay ni Ms. Gozon ang papers namin at ang lahat ay malalapad ang ngiti habang lumalapit sa kanya para kuhanin ang papel.
“Shan.”
Agad akong tumayo at lumapit kay Ms. Gozon.
“Congratulations, but there’s more for you… Mas matutuwa ka.” Kinindatan niya pa ako kaya lalong kumabog ang dibdib ko.
Kampante naman ako dahil ang sabi niya ay matutuwa raw ako, meaning good news ‘yon tama?
Mabagal akong bumalik sa pwesto ko at ibinaba ang tingin ko sa hawak na papel.
“Hala!”
Wala sa sariling napasigaw ako at biglaang napatayo na may nanlalaking mga mata nang makita ko at mag sink in sa akin ang score ko.
Totoo ba ‘to?
PInisil pisil ko ang pisngi ko habang nakatitig sa papel.
Oh my god. Nananaginip ba ‘ko?
Seryoso ba ‘to?
“Bakit?” mabilis na lumapit sa akin sila Bri at Drei at sinilip ang hawak kong papel.
“Oh my god, Shan! Congrats!” sigaw ni Brin ang makita ang score ko.
Niyakap ako ni Drei at binulungan, “Ayan na ang nilaga mo, tyaga mo kasi. Congrats.”
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang ay excited akong ipakita ito kay Dad at kay Storm. Para akong iiyak na ewan.
“Yes, Shan. You got a perfect score, congratulations.” Ngiting ani Ms. Gozon.
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase ko.
Sobrang saya ko ngayon. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya.
At dahil ‘yun kay Storm…
Excited akong malaman niya. Na hindi sayang ang effort niya. Na nagawa ko.
Niyakap at binati ako nila Bri at Drei na agad ko namang sinuklian.
Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Nakaka proud.
NANDITO kami nila Bri at Drei sa bench sa may hallway. Wala masyadong ginawa ngayon sa mga subjects kundi ang ipamigay ang mga test papers at ang results. Happy kami dahil so far ay wala kaming bagsak at naipasa naman namin ang lahat ng subjects.
“Grabe, ang saya ko ngayon.” Nakangiting ani Bri. “Akala ko sa kangkungan na ako pupulutin eh.” Tumawa siya ng mahina at ganu’n din kami ni Drei.
“Ngayon, ang college entrance exam naman ang paghahandaan natin.” Bumuntong hininga siya.
Tingin ko naman ay meron kaming maipapasa sa mga universities. Sana.
“Teka, ngayon ipapaskil ‘yung sa top students ‘di ba?”
Nanlumo ako kahit hindi ko pa nasisilip ang list. “Aasa pa ba ako ro’n?”
Hnampas ni Drei ang balikat ko at hinila ako patayo.
“Tara na, wala naman masamang tumingin.”
Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanila dahil wala naman akong choice. Maraming estudyante ang nagkukumpulan roon kaya sumingit pa kami hanggang sa makarating sa unahan. Bumungad sa akin ang nangungunang pangalan ni Storm.
Sabi na eh.
Napangiti ako at dahan dahang umalis roon.
Expected naman na siya pa rin ang top 1. Though, nalulungkot ako ng kaunti para kay Gab.
“Congrats.”
Napahinto ako nang marinig ang boses ni Storm.
“Thank you.” Tipid ang ngiti ko, alam kong ang exam ang tinutukoy niya, nakakapagtaka lang kung paano niya nalamang wala akong bagsak pero hindi ko na siguro itatanong. “Wala akong bagsak ngayon, salamat sa’yo.”
“Mukhang hindi mo pa nakikita.” Tumawa siya ng mahina at tinuro ang bulletin.
Lumingon ako roon at matamlay na tumingin sa kanya. “Alam kong nangunguna ka, congrats.”
Talaga bang gusto niyang ipagmalaki sa’kin na top one siya? Mayabang rin ng kaunti ang isang ‘to. Tss.
“Kasali ka.” Mahinang aniya.
“Ha?”
“Kasali ka kako.”
“Ah, oo nga nakapasa nga—” Napahinto ako ng marealize ko ang tinutukoy niya. “Ako? K-kasali ako?”
Tinuro ko pa ang sarili ko para kumpirmahin.
Tumango siya at nginuso ulit ang bulletin.
Agad akong tumakbo palapit sa bulletin, at halos hawiin ko ang mga estudyanteng naroon. Sinipat ko ang nasa listahan at halos maubusan ako ng hininga ng makita ang pangalan ko.
50. Shan Ysabelle Borromeo
Oh. My. God.
Sa pangalawang pagkakataon… Totoo ba ‘to?
Nakaawang ang bibig ko at dahan dahang humarap kay Storm na nakapamulsang nakatayo sa di kalayuan at nakangisi sa akin.
“Oh my god! Kasali ako! Kasali ako!” hindi ko napigilan ang magsisisigaw at mabilis na lumapit kay Storm na ngayon ay natatawa na sa akin. Kahit ang mga estudyanteng naroon ay nakikitawa at bumabati na rin.
“Congratulations.” Maiksing aniya.
Hindi ako makapaniwala.
Dalawang himala ang naranasan ko ngayon.
Himalang kagagawan ng lalaking nasa harapan ko na may tipid na ngiti habang nakatingin sa akin.
Dahil sa ngiti niyang ‘yun, lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Wala akong ibang nakikita ngayon kundi ang ngiti niya na kahit hindi umaabot sa mata ay nagbibigay ng matinding epekto sa akin.
Nahulog ako.
At ngayon ay hulog na hulog na ako sa kanya.
Hindi na ata ako makakaahon pa.
Lord, ibigay mo sana sa akin ang lalaking nakangiti sa harap ko.