Nakahinga ng maluwang si Chanylle pagkatapos niyang yakapin ang kaibigang si Reyn.
“I'm sorry for what happened.”
“It's okay.” Tugon nito.
Pagkatapos ng pang-aapi ng pamilya ni Chanylle sa kaibigan ay napagdesisyunan nitong bumalik na muna ito sa Canada kung saan naroroon ang mga kapatid nito. Wala nang mga magulang si Reyn at lingid sa kaalaman ng mga kapatid nito ang lahat ng nangyari dito.
“Thank you for being my very good friend. I'll treasure you in my heart,” umiiyak na niyakap ni Chanylle ang kaibigan.
Naging emosyonal sila pareho. Wala siyang naging kaibigang matalik simula pa noon. Ito ang naging sumbungan niya sa lahat ng problemang pinagdadaanan niya. Kapwa wala rin karanasan pagdating sa pag-ibig. Parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa kaya masakit para sa kanya ang paglayo nito.
Pag-uwi niya ng bahay napansin niyang tahimik. Nakita niya si aling Nadia, ang kanilang kusinera kaya mabilis niyang nilapitan ito.
“Si mommy at daddy?”
“Kakaalis lang, ma'am. May mahalaga silang lakad ngayon, narinig ko kanina kakausapin nila ang pamilya ni Roger tungkol sa kasal ninyong dalawa.”
Parang nalaglag ang panga ni Chanylle dahil sa narinig. Bagsak ang mga balikat na tinungo ang sariling kwarto.
Talagang desidido ang mga magulang niya na ipakasal siya sa lalaking iyon. Hindi pa naman siya gurang para madaliin siyang makapag-asawa.
Ipinagpahinga na lamang niya ang kanyang isipan. Nai-stress lamang siya sa kaiisip ng tungkol sa bagay na iyon. Humiga siya sa ibabaw ng kama. Hanggang sa nakatulog na nga siya.
Upon waking up, she quickly searched her cellphone and checked the time. It was already four o'clock in the afternoon. She swiftly got up and prepared herself. She went downstairs, she searched for her mom and dad, but according to their maid they still hadn't arrived. She was puzzled, but secretly pleased. She returned to her room when suddenly her cellphone, resting on her bed, rang.
Tumatawag ang kanyang mommy. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba ang tawag. Pero sa bandang huli ay sinagot niya ito dahil naisip niyang sermon nanaman ang aabutin niya mamaya.
“Mom.”
“Get dressed. Be beautiful and sexy this night!” Ang masiglang boses na wika ng kanyang mommy. Napakunot-noo lamang siya. Bakit kailangan niyang maging seksi at maganda ngayon? Para saan?
“But why, mom? Tinatamad po ako.”
“My god, Chanylle! Puwede bang sumunod ka na lang?”
Napakamot naman ng ulo ang dalaga at pasimpleng nagmaktol.
“Do not be stubborn, or else!” Boses naman ng kanyang daddy na may pagbabanta ang narinig niya.
“Or else what? I had enough!”
Hindi siya nagsalita pa.
“Chanylle? Are you listening ? Are you still there?”
“I'm all ears.” Tinatamad pa rin niyang wika. Alam niya ang pagkainis ng ina kahit hindi niya naman ito nakikita.
“I will text you the address para puntahan mo. Be here exactly six. Understood?”
“Yes.” Pagkawika niyon ay mabilis niyang in-end ang call.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang ipinapagawa ng kanyang butihing ina.
Nagpasama siya sa kanilang driver.
“Mang Ed, saan tayo pupunta sa tingin mo?”
Bumaling sa kanya ang driver mula sa rearview mirror. Nasa backset siya nakaupo.
“Sa address na nakalagay po sa cellphone niyo.” Pilosopong sagot nito.
Nainis ang dalaga pero hindi siya nagpahalata. Gusto pa rin niya respetuhin ito dahil mas nakakatanda ito sa kanya.
“Sa tingin niyo po, ano ang pupuntahan natin?” Muli niyang tanong sa matanda.
“Sa tingin ko po isang dinner.” Sa pagkakataong iyon ay magalang na tugon ng matanda.
“Isang dinner lang?” Dismayadong tanong ni Chanylle sabay suri at hagod sa sariling tila pupunta sa isang party. Tinamad kasi siyang mamili ng damit na susuutin kanina. Basta ang alam niya lang ay kailangan niyang maging maganda at seksi sa gabing iyon. “Do I look good, manong? Do I look a party girl?” nag-aalalang tanong ng dalaga.
Kagyat siyang sinulyapan ng matanda at tila nag-isip.
“Okay naman po ang hitsura niyo. Palagi naman po kayong maganda at seksi. Pero kung ako ang tatanungin, kung dinner lang naman ang pupuntahan mo ay dapat mas simple ang sout mo. Para sa akin lang po 'yon. Okay lang po yan, ganyan naman talaga kayong mayayaman, kahit nasa bahay nga lang parang papuntang pasyalan,” natatawang tugon nito.
Her outfit is a bit daring now, which is okay if she wants to, but she has never worn such daring clothes in front of food. That's disrespectful of her.
“Huwag na po kayong mag-alala, malay niyo po party naman pala ang pupuntahan niyo.” Pampalubag-loob nitong wika.
She was reassured because of what she heard. She had been wanting to ask her mom where she was really going since earlier, but she knew her mom had a volcanic temper, kaya hindi niya na itinuloy pa.
Paglipas ng ilang oras ay narating na nila ang patutunguhan. Nasa tapat sila ng isang mataas at malaking gate. Pinagbuksan sila ng isa sa mga katulong ng malaki at magandang bahay.
Lahat ng mga katulong na nakakasalubong niya ay binabati siya.
“Ang ganda naman pala ni ma'am. Tiyak na agad na mai-inlab si sir kapag nakita niya na ito.”
Kagyat na natigilan ang dalaga dahil sa narinig subalit mabilis siyang humakbang. Inalalayan siya ng mga katulong papasok sa loob ng bahay.
Malalapad na mga ngiti ang sumalubong sa paningin ng dalaga nang sa wakas ay narating na nila ang sala kung saan naroroon ang kanyang mommy at daddy habang kausap ang isang maganda at guwapong lalaki marahil ay mag-asawa ang dalawa. At parang hindi lang nagkakalayo ang edad ng dalawa sa edad ng kanyang mommy at daddy na may singkwenta años at singkwenta y singko años
Mabilis na tumayo ang kanyang mommy at hinila papalapit sa mga ito.
Hindi niya maiwasang mahiya nang tila paikot-ikutin siya sa harapan nito na tila iisang modelo.
“Look at her, very beautiful! Isn't she?” Her mommy proudly said.
Nakita niyang tumayo ang kaninay babae.
Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa mga labi nito.
“She has the beauty of Virgin Mary!” Namamanghang wika nito.
Hindi malaman ng dalaga kung ano ba talaga ang totoong pakay ng kanyang ina. Pinapunta lamang ba siya nito dito upang ipagmalaki sa iba? Masyado naman mababaw na dahilan. Ang layo kaya ng pinanggalingan niya para sa walang saysay na bagay.
“Ofcourse! Ganyan talaga kaganda ang lahi namin.” Mayabang naman na wika ng kanyang ina.
“Maybe she can sit now.” Ang boses ng kaninang lalaki ang pumutol sa usapan ng dalawang babae.
Natatawa naman na inalalayang makaupo si Chanylle.
“I'm sorry, masyado lang akong na-carried away sa kagandahan mo. Anyway, maybe we can start the dinner!” Ang masiglang saad ng babae. “Siya nga pala, my name is Rita. Muntik ko ng makalimutan.” nakangising saad nito. Tumango lamang si Chanylle bilang tugon. Wala rin siyang planong ipakilala ang sarili dito dahil alam niyang kanina pa siya ipinakilala ng kanyang parents sa mga ito.
“And I am, Vergel.” Biglang sabat ng lalaki kanina. Muli siyang ngumiti at tumango.
“We are the parents of Roger, And Roger is your future husband!”
Chanylle was secretly surprised. If that's the case, they are apparently Roger's parents whom they are forcibly associating with her. She forgot what their maid mentioned earlier, that the two went to visit Roger's parents to discuss their wedding. Chanylle secretly felt nervous. If that's the case, she would finally see Roger, the man she is going to marry. What if he doesn't like her? Or what if she doesn't like him? Various "what ifs" are playing in the mind of Chanylle right now.
Hindi naman siguro require na magustuhan nila ang isa't-isa dahil nga sa pagtanaw ng utang na loob lamang ng kanyang parents sa pamilya ni Roger.
But they would talk about marriage, which means she would spend her lifetime with Roger, and it's impossible for her to not like him. Chanylle is confused.
“Alam niyo ba, ayaw naman sana naming magkita kayo ni Roger in person, we still believe the superstitious belief, alam mo na, ayon sa mga matatanda, dapat ay hindi mo muna makita ang groom mo habang hindi pa kayo ikinakasal,” seryosong saad ng ina ni Roger.
“That's not true!” biglang saad naman ng mommy ni Chanylle.
“But I believe that, may posibilidad daw kasi na at the end, magkakahiwalay ang mga ikinasal!” muling dugtong ng mommy ni Roger.
Lihim naman na iinikot ni Chanylle ang mga mata dahil sa irita. Para sa dalaga, wala siyang pakialam kung magkahiwalay man sila ng Roger na iyon pagdating ng panahon. Masasaya pa kako siya kapag nangyari iyon.
Nang sa wakas ay nasa dining hall na sila, nagtaka ang dalaga. Wala pang Roger na dumarating. Lihim at pasimple siyang lumingon lingon.
"Roger will be late. I apologize. Roger is a very busy person. You know, his mind is filled with business matters. And that's good for someone planning to get married. A man should have enough money to support and build a family." - Roger's dad's words.
“I agree. And he needs more money to earn, kasi maluho itong mapapangasawa niya.”
Muntik nang maibuga ni Chanylle ang tubig na iniinom niya nang marinig ang tinuran ng kanyang ina. Hindi naman siya maluho katulad ng iba. Aminado siya na may mga pagkakataon na gusto niyang bilhin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya pero hindi naman umaabot doon sa isang mamahaling bagay na pang house and lot na ang presyo.
Ipinapahiya yata siya ng kanyang mommy.
“That's true! Honestly, pangarap niyang bilhin ang pinaka latest na sports car worth billion. But because ayaw niyang magtrabaho at gusto niya lang humilata sa bahay, hindi niya mabibili iyon! At estudyante pa siya, wala pa siyang kakayahan when it comes to business to earn money." Wika ng kanyang ina sabay halakhak.
Naghalakhakan sila maliban kay Chanylle at ang mommy ni Roger.
Hindi totoo ang sinasabi nila. Kailan pa siya nahilig sa sports car? Ni hindi nga siya marunong magmaneho niyon. Kung aalis siya ng bahay ay kailangan niya palagi si mang Ed. At hindi rin totoo na ayaw niyang magtrabaho, sadyang hindi lang siya pinapayagan dahil palaging sinasabi ng mga ito na wala siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Hindi pa nga niya nasusubukan ay hinuhusgahan na siya ng mga ito na walang alam at walang magandang kinabukasan dahil palagi siyang walang alam. Kahit pa nasa gitna siya ng pag-aaral ay naiisip niya rin ang magtayo ng sariling negosyo. Sa katunayan nga ay kumuha siya ng kursong business management. Balang araw matutupad niya rin ang pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo.
“Don't worry, malaki ang savings ni Roger. He can buy the sports car you want,” mahinang wika ng ina ni Roger. Alam niyang nadismaya ang babae ngunit pinipilit pa rin ngumiti. Marahil nga naniwala ito na talagang maluho siya. Siguro iniisip ng mag-asawa na ako ang makakapagpahirap sa anak nila. Na baka mamulubi si Roger.
Gustong maiyak ni Chanylle sa inis at galit ngunit pinigilan niya ang sarili.
Mas mabuti na siguro iyon para makaisip pa ang mag-asawa na huwag na lang ituloy ang kasal nila ni Roger.
“Anyway, malapit na raw si Roger and we are happy. Makikita niyo na rin ang isa't-isa!” Ang wika ng ina ni Roger.
“Nakakahiya naman sa mga bisita natin, pinaghintay pa ni Roger.” Ang wika naman ng ama ng binata.
“It's okay,” magkapanabayan pang wika ng mommy at daddy ni Chanylle.
Kinakabahan at hindi maintindihan ni Chanylle ang sarili. Ano kaya ang hitsura ng Roger na iyon? Paano kung pangit ito? Pero imposible, dahil ang ganda at gwapo ng mommy at daddy ng binata.
Tila huminto ang mundo ng dalaga nang sa wakas ay marinig niya na ang mga yabag ng kung sinong taong papalapit sa kinaroroonan nila. Ayaw niyang lumingon dahil kabang-kaba ang dalaga
“Hi, good evening everyone, I'm sorry for being late!”
Tila sirang plaka na paulit ulit sa pandinig ng dalaga ang boses ng lalaking nagsalita.
Sobrang pamilyar ng boses na iyon. Upang malaman ay dahan-dahan siyang lumingon dito. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Maging ang lalaki ay gulat na gulat rin habang nakatitig sa kanyang mga mata.
R. Drebb found himself standing in disbelief as he gazed upon the beautiful girl.
Her presence stirred memories of a chance encounter during his stay in Baguio City, a rendezvous that had ended in an unexpected intimacy. Little did he know then that this fleeting connection would resurface in such a surprising and significant way.
As he looked into her eyes, he couldn't help but recall the vivid details of their initial meeting—the dimlit of his room, and the innocent beautiful lady, while sleeping that had led to a night of passion. However, the circumstances had taken an unexpected turn. The girl who was once a fleeting moment in his past had now become a central figure in his future.