“We're glad that you're already here, hijo!” Ang masayang wika ng ama ng binata. Mabilis na binawi ni Chanylle ang tingin sa nagtatanong na mga mata ng binata. “Have a seat at kailangan mong tabihan ang mapapangasawa mo!” Tila teenager na kinikilig na sabi ng sariling ina. Hindi malaman ni Chanylle ang gagawin. Nag-umpisa nang rumagasa ang kakaibang damdamin ng dalaga. Para siyang biglang naging pipi sa mga sandaling naramdaman niya na ang pag-upo ng binata sa kanyang tabi. “Why are you so shy?” Ang wika naman ng ama ni Chanylle. “Hijo, look at your future wife. She's really beautiful.” Tila nanunukso naman na wika ng ama ng binata. Narinig niya lang ang pagtikhim nito. Hindi naiwasang itanong ng dalaga. Sa dami ng lalaking dapat niyang pakasalan ay ito pa talaga? Paano nangyari

