Na gising ako ay nasa tabi ko na si Miguel. Tahimik lang ako at pilit na hindi siya tinatapunan ng tingin dahil hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isip ang mga nangyari kanina sa loob ng banyo kasama ang babae niya. I can’t believe— na may lakas pa siya ng loob na lumapit sa akin at kaya niya pang tumingin sa akin ng diretso hindi na siya na hiya. He didn’t respect me as his girlfriend kaya dapat sa kanya binabaon na sa lupa at kalimutan na lang basta.
“Mahal kumain ka na,” aya niya sa akin.
Hindi ako nag-abala na tingnan siya. Diring diri ako sa kanya pag nakikita ko siya ay ang mga senaryo nasaksihan ko kanina ay bumabalik sa akin isipan.
Umupo ako at lumayo mula sa kanya.
“Kumain ka na at baka gutom ka na.” ulit niyang aya sa akin.
“Stop acting like you seems to care!” pa angil kong sagot.
Galit na galit ako sa kanya sa ginawa niyang pang gagago sa akin ng ganun ganun na lang. Grabe ko siya pag tanggol sa mga magulang ko pero ganito lang ang gagawin niya sa akin. I gave everything to him then in return— ganito lang ang makukuha kong kapalit ng lahat. Mahal ko siya pero ngayon galit ang naramdaman ko.
“Sige na kumain ka na baka makasama sa bata ang hindi mo pagkain.” sabi pa niya na feeling concern sa akin at sa anak ko.
“Tangina mo! Dapat kanina mo pa naisip ‘yan!” malakas na singhal ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nasa bahay kami ng pinsan niya mas mabuti na marinig nito ang pag-aaway namin ni Miguel.
“Wag kang feeling na may pakialam ka sa amin ng anak ko!” dagdag ko pa at diniin ko sa kanya na anak KO lang ‘yon dahil mula ng pinili niyang patulan ang babae sa banyo wala na ang ama ng magiging anak ko. Gusto ko isampal sa mukha niya na hindi ko na siya kikilalanin na ama ng anak ko.
Hindi niya deserve tawaging ama.
“Sorry na tagalan akong bumalik pinauwi ko na kasi Jena sa bahay.” paliwanag niya.
Umiling na lang ako dahil hindi ako makapaniwala na ganito siya ka bobo at ka insensitive bakit kailangan niya pang banggitin ang babaemg ‘yon sa harapan ko.
“Alam mo Miguel kung ano sayo itikom mo na lang yang punyeta mong bibig kasi maraming pangit na salita ang lumalabas!” utos ko sa kanya.
Siguro ay naninibago siya sa paraan ng pakikipag usap ko sa kanya. Hindi niya alam na ganun magaspang ang ugali ko sa mga taong nang gago sa akin.
Kung pwede ko nga lang siyang saksakin na lang bigla ay ginawa ko na agad para naman tapos na ang problema ko at nakaganti na agad ako sa kanya.
Nakatingin lang siya na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya at narinig na mga salita na galing sa bibig ko.
“Wag mo akong tingnan kasi nandidiri ako sayo.” diretso kong sabi sa kanya.
Makapal na naman ang mukha niya kaya hindi na kailangan na mag filter ng salita sa kanya dahil deserve niya ang mga salitang ‘yon.
“Mahal sorry na.” pag hihingin niya ng tawag.
Tawa lang ako sa sinabi niya.
“Come on Miguel stop saying sorry kasi kahit ilang million pa ang sorry na sabihin mo hindi na magbabago ang desisyon ko... iwanan na kita at wag ka na umasa na makikita mo pa ako o ang anak ko dahil wala ka ng karapatan sa ANAK KO!” inidiin ko sa mukha niya ang mga salitang anak ko baka kasi hindi niya pa gets ang mga sinabi ko may pagal bano pa naman siya mas mabuti na ulitin ng ulitin hanggang sa tumatak sa kokote niya na wala na siyang mapapala mula sa akin.
“Alis nga dyan.” pag taboy ko sa kanya paalis sa ibabaw ng kama.
Kinuha ko ang pagkain na dala niya dahil para sa akin ng ‘yon. Wala akong pakialam sa kanya. Kailangan kong kumain para sa baby ko nagugutom na.
Kumain lang ako ng tahimik at si Miguel ay nandoon lang nakamasid sa akin habang kumakain.
“Anong tinitingin tingin mo dyan lumayas ka sa harapan ko kung wala kang plano na pauwi ako!” singkal ko sa kanya.
Inubos ko lahat ng pagkain na nakalagay sa plato.
Mabilis akong na tapos kumain dahil sa gutom na gutom ako.
“Ayan na ilabas mo na ‘yan pati ikaw lumayas na at wag ng bumalik baka hindi na ako makapag pigil ay masaktan kita.” maangas na banta ko sa kanya.
Naka tingin lang siya sa akin habang nag sa salita ako.
“Alis!” sigaw ko pa ulit.
Kinuha niya naman na ang kinainan ko tsaka ‘yon dinala at lumakad palabas ng kwarto.
“Wag ka ng bumalik!”
Ayoko ng stress pero nandito ako kaya mas lalo akong na stress kay Miguel. Feeling niya maayos pa ang lahat dahil lang sa putang*nang sorry niya mali siya maling mali dahil ayoko na at buo na nag desisyon ko na iwanan niya. Grabe na ang sakit na ginawa niya sa akin.
Naiisip ko na baka mag mukhang sama ng loob ang anak ko pag labas niya dahil sa stress na binigay ni Miguel sa akin.
Wag naman sana kasi ayoko ng sa tuwing makikita ko ang anak ko si Miguel ang maalala ko dahil siya ang may sala kung bakit naging mukhang sama ng loob ang itsura ng baby ko.
Masamang tingin ang binigay ko kay Miguel ng muli siya pumasok sa loob ng kwarto.
“Diba ang sabi ko wag ka na bumalik ay bakit nandito ka na naman!” panay ako sigaw kasi naman bobo na nga bingi pa ata ang lalaking ito.
“Mahal sorry na please bigyan mo ako ng isa pang chance promise maniwala ka gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyo ng anak nat— hindi ko na siya hinayaan na tapusin pa ang sasabihin. “Anak ko aba masyado na atang makapal ang mukha mo para sabihin pa sa akin na anak mo ang dinadala ko samantalang may iba ka ng kasama gumawa ng bata kaya wag mong sasabihin na anak mo ang dinadala ko kasi anak ko lang ito!”
“Please naman mahal hindi ko kaya na mawala kayo... bigyan natin ng buong pamilya ang anak natin.”
Natatawa ako sa mga pinagsasabi niya ngayon.
“Stop being nonsense Miguel kasi kahit ano nga ang gawin mo ay hindi mo na mababago ang isip ko.” sagot ko sa kanya then I gave my most sweetest smile to him.
“Mahal wag ka namang ganyan please... please.”
Shocks— gulat ako may luha.
I clapped my hands. “Wow pwede ka na mag artista!” I make my voice amaze.
“Wag na Miguel tama na kasi tapos na ang lahat kaya pauwiin mo na ako sa bahay namin kasi wala ka ng mapapala pa mula sa akin.” sabi ko sa kanya.
Pa ulit ulit lang kami pero gusto niya ‘yan kaya go lang.
Sa bahay nila Cheska ay alang ala na ang kanyang magulang dahil umaga pa lang ng magising ang buong pamilya ay hinahanap na nila ito pero hindi nila alam kung nasaan siya dahil hindi naman ito nag paalam na lalabas ko sa kung saan man siya pupunta. Halos lahat ng kaibigan ni Cheska ay tinawagan ng ina para tanungin kung nakita ba nila ito o naka usap man lang para alam nila na nasa maayos ang kalagayan pero ni isa sa mga ito ay walang binigay na sagot. Hindi nila alam at walang nakakaalam kung nasaan si Cheska nag punta.
Mas doble ang pag-aalala ng magulang niya dahil sa nagdadalang tao ito na baka mapahamak ang batang nasa sinapupunan niya.
Umiiyak na ang mama ni Cheska hindi na nito alam kung ano ang dapat gawin sa kung saan ba hahanapin ang anak niya. Tanghali na pero wala pa rin text o balita kung saan naroon si Cheska hindi kasi sila pwede mag report agad dahil wala pang 24 hours na nawawala si Cheska.
“Wag ka na umiyak makikita rin natin ang anak natin tahan na.” alo ng asawa niya.
“Nag-aalala ako na baka kung mapa-ano siya at ang apo natin hindi ko alam kung akong magagawa ko pag ganun ang nangyari.” umiiyak pa rin ito.
Gumabi na ng dumating na rin isa-isa ang mga kaibigan ni Cheska para makibalita na sa lagay kung nasaan na ba si Cheska.
“Tita good evening po.” bati ni Osang isa sa mga malapit na kaibigan ni Cheska. “May balita na po ba?” tanong ni Niem. Kahit na sino ay walang maibigay na sagot sa biglaang dahilan ng pagkawala ni Cheska. “Hindi po ba nag paalam sa inyo?” tanong ni Angel. Umiling ang ina ni Cheska bilang sagot.
Naisip ni Osang na hindi ganun si Cheska dahil nag papaalam siya kahit pa hindi siya payagan nagsasabi siya kung saan at ano ang gagawin niya kaya imposible na umalis lang siya. “Dala niya po ang phone niya hindi po ba?” tanong ni Mola.
“Oo at kanina pa rin namin sinubukan na tawagan pero naka patay na ‘yon kay mas lalo akong natatakot para sa anak ko at sa magiging apo namin.” bakas na bakas ang pag-alala nila kay Cheska. Her friends don’t know what to do kasi biglaan ang mga pangyayari. “Pag talaga nakabalik na ang bruha na ‘yon sa sabunutan ko talaga siya ng bongga!” sabi ni Cess. Lahat kasi sila natatakot at nag-aalala syempre kaibigan nila ‘yon, All of them trying to aski Cheska’s classmates baka kasi nakita nila o nakausap para malaman kung nasaan ba ito, Pero gaya rin nila ay wala kahit isa ang makausap si Cheska ng araw na ‘yon.
“Mag hintay po tayo mag 24 hours then mag report na po tayo sa barangay na nawawala si Cheska.” sabi ni Osang. Mas mabuting gawin nila ‘yon para mapadali ang paghahanap. Sumagi na sa isip ni Osang na baka pinuntahan ni Cheska si Miguel na baka nandoon ito. Matigas din kasi ang ulo ng babseng ‘yon. Ayoko naman ni Osang na idiin si Miguel dahil kahit na ayaw niya rito para sa kaibigan— she respect Cheska decisions. Malaki na ang kaibigan niya kaya na nga gumawa ng bata kaya imposibleng hindi makaka isip ng paraan si Cheska na makatakas at umuwi. She loves her family more. I pray to god na nasa maayos silang kalagayan ng magiging anak niya. Matapang si Cheska kaya naniniwala akong makakaalis siya roon. Na awa ang mga kaibigan ni Cheska sa mama niya dahil grabe dahil hindi talaga nito alam ang gagawin sa kung paano nila makikita ang anak. Late na nag-uwian ang mga ito na ngako na babalik at tutulong sa paghahanap kay Cheska. “Mag-ingat kayo balitaan niyo kami pag may nalaman kayo.” sabi ng papa ni Cheska. “Opo sige po tito wag po kayong mag-alala dahil mahahanap po na siya agad.” tugon ni Niem. “Babalik naman kami bukas po kaso gabi po sana bukas nakauwi na po siya.” sabi ni Osang. Umalis na ang mga ito at umuwi na sa kanya kanyang bahay. Sa loob ng bahay nila Cheska dama pa rin ang matinding katahimikan dahil nga lahat doon ay nag-aalala kay Cheska. “Paano kung hindi pa siya bumalik?” nanghihina na tanong ng mama ni Cheska sa ama nito. “Jusko wag kang mag isip ng kung ano-ano!” pigil nito sa asawa. “Hindi ko mapigilan dahil ang hirap!” bakas sa boses nito na hirap siya dahil sa mga nangyari sa pamilya nila. Buong gabi na nag hintay ang pamilya ni Cheska sa pag-uwi niya ngunit sumapit ulit ang umaga ay wala pa rin ito.