bc

Virgil: My Possessive Man

book_age18+
32
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
mystery
like
intro-logo
Blurb

Virgil is a rich man's son. What he wants, he will definitely gets. He is a snob, rude and dangerous.

Sophia's mother works as one of the maids in Virgil's dad's mansion. Dahil sa uri ng trabaho ng ina ay dala-dala ni Sophia ang titulong 'katulong' na hindi naman din niya ikinakaila. Nakapag-aral siya sa magandang eskwelahan dahil sa pera ng amo ng kanyang ina kaya bilang pagtanaw ng utang na loob ay tumutulong din siya sa mga gawain sa malaking bahay na iyon.

Bilang anak ng amo nila si Virgil ay itinuturing itong nakatataas ni Sophia and Virgil thinks he is entitled to it. Aside from that, he treats Sophia as one of those people below the food chain. Kahit matalino ito ay alam niyang may itinatago itong itim ng budhi na gusto niyang mapatunayan.

Why?

Because, she is too young to be his step mother at gagawin niya ang lahat upang maalis lang ito sa landas ng kanyang ama.

chap-preview
Free preview
Ilang taon na ang nakakalipas...
Masaya pero nakakaramdam na ng inis ang diyes anyos na batang si Virgil kay Sophia- anak ng isa sa kanilang mga kasambahay. Mas bata lamang ito ng isang taon sa kanya at dahil wala namang ibang bata sa bahay nila ay ito ang madalas niyang niyayakag na makipaglaro ng habulan sa labas. Hindi niya alam kung dahil ba sa anak siya ng pinagta-trabahuan ng nanay nito pero napapansin niyang ito ang parating taya sa kanilang laro. Kapag nataya siya nito ay hindi ito tumatakbo ng mabilis para hindi niya maabutan at kapag itataya niya rin ito ay parang sinasadya nitong bagalan ang pagtakbo upang maabutan niya na ngayon ay ikinababagot niya. "Ayoko na nga!" Pabagsak siyang naupo sa isang ugat ng malaking puno na isa sa kanilang tambayan. Nasa likod lamang iyon ng malaki nilang bahay at nalililiman ng mayayabong na sanga ng puno. "Hindi ka naman naglalaro ng maayos eh." "Anong hindi? Lagi nga ako ang taya sa ating dalawa eh." Reklamo din ni Sophia na pawisan ang mukha at hindi lumalapit sa kanya. Nanatili itong nakatayo tatlong metro mula sa kanyang kinauupuan at may dahon na nilalaro sa kamay. Nasanay na siyang ganoon. Hindi niya alam kung mayroon ba siyang nakakahawang sakit at parati itong naka-distansya. Naglalaro man sila o nasa loob lamang ng kanilang bahay. "Natatakot ka ba sa akin?" Nang hindi makatiis ay tanong niya. Wala siyang ibang nakakausap roon sa bahay nilang nasa dulo yata ng kabihasnan pero kahit ito ay tila mailap rin sa kanya. Umiling ito. "Hindi naman. Bakit?" "Kasi palagi kang malayo sa akin eh." Ngumiti ito at pinaikot-ikot sa kamay ang bitbit na dahon. "Dahil anak ka ng amo ni Nanay. Ang sabi ni Nanay ay huwag akong lumapit sa iyo dahil hindi ka katulad namin." "Bakit hindi? Tao naman tayo pareho ah?" "Tama ka. Pero ikaw, anak ng amo namin, ako anak ng katulong niyo." Tumahimik siya at iniiwas ang mga mata. Ang maging mayaman pala ay may kamalasang dala... ....Walang may gusto sa kanya...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.2K
bc

The Real About My Husband

read
35.5K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.9K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
11.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
28.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook