Chapter 2

1208 Words
"Inay, hindi pa ho ba kayo titigil sa pagta-trabaho diyan sa malaking bahay? Parang palagi na kayong may dinadamdam sa katawan ninyo ah." Tanong niya sa ina. Nasa bahay na sila noon at habang nagsusulat siya sa lamesang nasa sulok ng kanilang silid ay nakikita naman niyang nagpapahid ng liniment ang ina sa iba't-ibang parte ng katawan nito partikular na ang mga balikat at likod. "Kaya ko pa." Muli ay ngumiti ito sa kanya. Ginaya niya ang ngiti nito at nilapitan ito. Kinuha niya mula dito ang bote ng liniment at pinatakan ang kanyang palad saka iyon ipinahid sa likod ng ina na hindi nito maabot-abot kanina at bahagyang minasahe ang parteng iyon. Singkwentahin lang ang Inay niya. Bakas pa rin ang magandang mukha nito na kung biruin sila ng ibang kasama nito sa malaking bahay ay parang nakatatandang kapatid niya lang daw. "Kapag nakatapos na ako Inay, huwag na kayong magtrabaho ha. Kaunting-kaunti na lang po ang titiisin ninyo." Mahinang ungol ang pinakawalan nito. Pang-huling taon na niya sa kolehiyo. Humigit kumulang apat na buwan na lang ay ga-gradweyt na siya sa kurso niyang business management. Matapos lang siya ay kaagad niyang papatigilin ang ina sa pagta-trabaho nito at siya naman ang magsusustento dito. "Inay, siya nga pala, bakit hindi ko po nakita si Sir Augusto ngayon? Umalis po ba siya?" "Nandiyan siya." Nagtaka siya dahil sa tuwing pumupunta siya sa malaking bahay ay madalas niya itong nakikita at nakikipag-kwentuhan sa kanya. "Hindi ba at sabi ko ay may bisita sila kahapon. Hindi mo lang nakita, siguro ay nagpapahinga yun kanina noong naroon ka." Tumango siya at tinapos ang pagmamasahe sa ina. "Tatapusin ko na po yung ginagawa ko Inay. Matulog na kayo." "Mabuti pa nga. Huwag ka ng magtagal diyan at matulog ka na rin." "Opo, Inay." Bumalik na siya sa pinaka-study table niya at ang Inay naman niya'y nahiga na rin. Upang hindi ito ma-istorbo ay pinatay na rin niya ang ilaw sa kwarto nila. Tanging ang katamtamang liwanag na nanggagaling sa luma nilang table lamp ang umiilaw sa binabasa niya. Lumang gamit iyon na galing sa malaking bahay na sa halip na itapon ay hiningi ng Inay niya upang magamit pa nila at kung tutuusin ay halos lahat ng kagamitan nila sa maliit nilang bahay ay mga lumang gamit sa bahay nila Virgil. Ang bahay nila ay nasa loob pa ng property nila Mr. Augusto De Vera, wala pang dalawang daang metro ang layo mula sa bahay ng mga ito. May-ari ito ng ilang ektaryang farm land na tanging mga hayop ang nananahan. Mula sa mga baka, kambing, baboy, manok, may alaga rin ang mga itong kabayo na siyang pinakamahal sa mga alaga sa farm na iyon kaya hindi iyon basta-bastang napapasok lang ng kahit na sino. Siya mismo ay hindi pa nakikita ang kulungan ng mga kabayo. Nalaman niya lang na totoo iyon dahil nakikita niyang sakay niyon si Virgil paminsan-minsan. Sa lahat ng kamalig para sa mga hayop ay tanging kamalig ng baka pa lamang ang napuntahan niya. Iyon ay noong kailanganin ng veterinaryo nila ng magdadala ng ilang medical supplies ng minsang manganak ang isang inahin. Hindi nga lang siya nagtagal roon dahil nang makita ni Virgil na naroon siya ay kagya't siya nitong inutusang gumawa ng assignment nito. Dahil doon ay bumalik siya sa malaking bahay ng hindi nalalaman kung ilan ang anak ng inahing baka. Simula ng magkaisip siya ay doon na sila naninirahan ng Inay niya sa maliit na bahay na iyon. Hindi iyon masasabing kubo dahil gawa iyon sa bato at semento. Tiled din ang sahig nila at bagaman at nag-iisa lang ang silid nila ay kumpleto naman iyon sa gamit katulad ng kama, may malaking kabinet ng mga damit na pinaghahatian nila ng kanyang Inay, at electric fan na hindi naman nila madalas magamit dahil malamig naman dahil sa dami ng puno sa paligid. Sa kusina nila ay kumpleto rin ang mga gamit. May pridyider sila, mayroon din silang gas stove, at may maliit pa silang oven. Ang salas naman nila ay halos kompleto rin ng gamit. May T.V, may component, at may maliit na sofa. Kung hindi nga lang niya alam na lahat ng mga iyon ay mga lumang gamit mula sa malaking bahay ay iisipin niyang hindi naman sila ganoon ka-hirap lalo na at ang gastusin naman niya sa kanyang pag-aaral ay galing sa pondong inilalaan ni Mr. Augusto para sa mga mahihirap na estudyanteng inilalagak nito sa bangko buwan-buwan. Hindi rin naman sila masyadong gumagastos ng Inay niya sa pagkain dahil madalas ay sa malaking bahay na ito kumakain at kung uuwi naman ay dinadalhan din siya nito kung hindi lang din naman siya nito nakakasabay roon sa pagkain. Ano pa at parating may laman ang pridyider nila. Wala siyang nakilalang ama. Kung mayroon man siyang nararamdamang kahungkagan, iyon ay ang kaalamang wala siyang amang nakilala. Iyon ang parating pang-asar sa kanya ng mga kaklase niya noong kabataan siya, ang pagiging 'anak niya raw sa buho.' Itinanong niya iyon sa Inay niya noong unang beses niya iyong narinig at nang malaman niya ang ibig sabihin ay parati na siyang umiiyak kapag inaasar siya gamit ang mga salitang iyon. Madalas siyang umuuwing luhaan noon at dahil wala ang Inay niya sa bahay nila ay pupuntahan niya ito sa malaking bahay kung saan naman ay nakakasalubong niya si Mr. Augusto. Mabait ito sa kanya. Nang malaman nga nito ang dahilan ng kanyang pag-iyak ay kinausap nito ang mga guro niya upang mapagsabihan ang mga nang-aaway sa kanya na hindi naman nabigo dahil pagkatapos niyon ay dumalang na ng dumalang ang pang-aasar sa kanya hanggang sa tuluyang nawala iyon. Isang beses ay naitanong niya sa kanyang Inay kung bakit wala siyang tatay. Ang sabi nito ay iniwanan raw ito ng lalaking nakabuntis dito dahil may pakakasalan na pa lang iba. Hindi naman ito nagtanim ng galit sa lalaking nakabuntis dito bagkus ay ipinaintindi pa nga nito sa kanya na minahal sila ng ama niya. Wala lang raw magawa ang tatay niya sa ipinag-uutos ng mga magulang nitong magpakasal ito sa babaeng ipinalit sa kanyang Inay dahil sa maimpluwensiyang pamilya ng babaeng yaon. Minsan ay hindi niya alam kung mabait lang ba ang Inay niya o talagang naloko ito ng lalaking nakabuntis rito dahil kung sa kanya siguro nangyari ang nangyari dito ay siguradong magagalit siya ng sobra sa lalaking mang-iiwan sa kanya. Hindi na niya muling inungkat sa kanyang Inay ang bagay tungkol sa ama niya. Noong nasa elementarya siya at kailangang may pumuntang ama para sa kanilang mga estudyante para sa mga programa ay ang Inay niya ang pumupunta. Noong una ay nahihiya siya pero kalaunan ay natanggap niya na rin na ang kanyang Inay ang tumayo niya ring ama. Ngayong matanda na siya ay tanggap na niyang may mga bagay talagang nangyayari na hindi inaasahan at ginugusto gayunpaman ay nagaganap pa rin sa buhay natin. Ang gusto niya na lang ay kahit papaano ay makagawa siya ng mga bagay na pwede pang magpabago sa mga nangyari at nangyayari na lalo na sa trabaho ng ina. Dahil sa liit ng tingin sa kanila ni Virgil ay gusto niyang baguhin ang sitwasyon nila at alam niyang kaya niya. Kailangan niya lang makapagtapos ng kanyang pag-aaral... .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD