Via Elianna Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero palagi ko nang napapansin na may problema si Bryle sa tuwing magkakasama kami. May problema kaya talaga siya? Tinatanong ko naman kung ayos lang ba siya pero sinasabi lang na ayos dahil nandito raw ako. Medyo kinilig ako. "Anyare sa 'yo? Natulala ka riyan?" Halos mapatalon ako nang marinig ang tanong na 'yon ni Avy. Linggo ngayon kaya nagsimba kami. Kaming dalawa lang ni Avy dahil masakit daw puson ni Liza kaya 'di makakasimba. "Napapansin ko na kasi these past few weeks na parang may problema si Bryle. Like, matutulala siya minsan. Ewan ko, nag-overthink agad ako, eh. Kilala mo naman ako, nag-o-overthink agad. Kumunot ang noo niya. "Ano naman kayang posibleng rason? Kailan siya nagsimulang maging gano'n?" Napaisip a

