Continuation... Tila nagulat siya at ganoon din ako. Kalaunan ay lumaki ang ngiti niya. "Chansing," bulong niya. Hindi ko agad naalis ang kamay ko sa katawan niya kaya naman naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinulupot ako ng mahigpit na yakap. Namula ako sa kahihiyan. "Sagutin mo tanong ko, ha?" diretsong sabi ko. Hindi muna ako magiging marupok. "You already asked." I made a face. "Wow, pilosopo ka pa rin talaga hanggang ngayon?" He chuckled. "I was just kidding. Sige, ano 'yon?" Na-trap na naman kami rito sa ulan... Naalala ko na naman ang time kung kailan ay na-trap kaming dalawa sa simbahan dahil umulan. Nagulat ako nang bigla siyang kumalas ng yakap sa 'kin at tila may naisip na parang nakalimutan. Nanlaki kasi ang mga mata niya na parang nakap

