Continuation... Tiningnan niya ako at inilingan. "Hindi... Gusto kong sa Spain ako mag-isip. I'm still undecided as of now. I also want to have my grandfather on my side for a while. I want him to advise me. Alam na ito nila Mommy at Daddy, ang tungkol sa passion ko." Natigilan ako. S'yempre, sila Mama ang kinalakihan niyang mga magulang kaya posibleng alam na rin nila. Pero bakit hindi nila ako sinabihan? Ngayon unti-unti kong napagtanto kung bakit tingin ko noo'y malungkot ang ekspresiyon ni Mama sa tuwing inaasar kaming dalawa ni Bryle ng iba, ganoon din sa napansin nila Avy at Liza sa expression ni mama noong debut ko. Dahil pala alam na niyang aabot kami sa ganitong sitwasyon... sitwasyong walang kasiguraduhan. "Kailan ka aalis? Alam na rin ba 'to nila Mommy at Daddy? Ni Akemi?"

