Chapter 16.1

1208 Words
Via Elianna If this is a real dream... I don't want to wake up anymore. I just want to cherish this moment. If destiny has really crossed our paths again, then I just wanna cherish this moment walking with him... this close. I still can't believe that this was gonna happen. I still can't believe that this ain't really a dream. It's surreal. "You look... beautiful, Via." Nang sabibin niya 'yon ay para akong lumulutang. I can feel the butterflies inside my stomach. Malikot ang mga galaw na parang may pinag-aagawan... basta ang alam ko lang, masarap sa pakiramdam. God, bakit nagkaganito na ako sa lalaking 'to? He. Is. Really. My. Childhood. Friend. Ayaw tanggapin agad ng puso't isipan ko pero nang maalala ang nakaraan, tanggap kong gano'n nga. Did he just promise before that he will marry me? Nah... nakakahiyang isipin 'yon lalo na ngayong naalala na rin niya. Natatakot akong marinig niya ang kabog ng puso ko ngayong malapit lang kami sa isa't-isa... I admit it, kahit bata pa ako noon, I felt something towards him... a puppy love, I guess? I can't believe that I fell in love with my first love on the second time around. Kaya pala, ganoon na lang ako ka-komportable sa kaniya noong una naming pag-uusap pa lamang hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Sobrang lakas talaga ng t***k ng puso ko. Sabayan pa ng background music na mas lalong nagpapalakas nito. Napatingin ako sa dagat ng mga taong nagpalakpakan. Napangiti ako nang makita ang mga kaibigan, schoolmates, other friends at ang mga pinsan kong nakangiti rin sa 'kin pati na ang mga tito at tita ko. Nasa 50-60 ang guests. Nandito rin ang iilang mga kaibigan ni Mommy at Daddy, business partners, at iba pa. Nang makarating sa may stage, binitawan na ako ni Bryle at nakangiti itong umalis. Katabi na ako ng babaeng host na ang ganda rin ng ngiti sa akin. "Wow, so blooming and gorgeous, indeed! Of course, saan ba nagmana? Edi kay Mommy at Daddy!" masiglang wika ng host at sinulyapan sila Mommy at Daddy na tumayo na rin papalapit sa akin. Dad gave me a bouquet of flowers. I accepted it. Niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa pisngi. Pinaupo na ako ng host sa isang color yellow na couch na para sa akin. May malaking projector sa right side katabi ng nilagyan ng pangalan at edad ko. Astrid who also looked gorgeous tonight with her blue night gown prepared something in the laptop at inayos ang pagmumulan ng liwanag sa projector. And there, something showed when Mom started to talk. It was a picture of me since birth, noong mag-iisang taon ako, kasali rin 'yong picture naming dalawa ni Bryle, noong elementary pa ako kasama sina Avy at Liza na naging kaibigan ko noong bagong lipat pa namin dito sa probinsiya at noong high school na ako. Naiyak pa ako dahil sa heart touching na message ni Mommy sa 'kin. Aniya'y kung kailan lang ay nasa tiyan pa niya ako tapos ngayon, dalagang-dalaga na raw ako. Pinalis ko ang mga luha ko gamit ang index finger ko. Nakita kong ngumiti si Astrid sa akin, nginitian ko siya pabalik. Naalala niya rin siguro ang debut niya last year. Sunod namang nagsalita sa microphone ay si Daddy. Katulad lang din kay Mommy ang message niya pero mas naging emotional ako sa sinabi niya. "You're a woman now, Via. You'll probably find a man na gaya na lang ng pinapangarap mong lalaki na katulad sa librong binabasa mo. But please, my daughter, can you just consider that man someday as your prince? 'Coz I want to be your king forever, my daughter, my princess..." Para na akong tangang ngumingiti habang umiiyak nang marinig 'yon. "Of course, Dad," ani ko habang emosyonal pa rin ang mukha. Nahagip ng mga mata ko si Bryle na nakatitig sa 'kin kahit kinakausap siya ng mga kasama niya. Sa mga kaibigan at kapwa sakristan niya siya tumabi, though his family's table was just beside to their table. Nginitian ko rin sila tito Lucas at tita Lazel, gano'n din si Laxine na nakatingin sa 'kin gamit ang namamanghang mga mata. "Oh! Those were heart touching messages coming from Daddy and Mommy! Naiiyak din tuloy ako," wika ng host at kunyari pang nagpupunas ng luha na siyang ikinatawa namin. "Okay, the next part of the program will be the grand cotillion dance!" Tumayo agad ako. Nag-dim ang lights hudyat na maghanda na kami. Nanatili pa rin ang titig ni Bryle sa 'kin nang naglakad ito papalapit sa 'kin para alalayan ako dahil sa malaking gown ko. Kumabog agad nang malakad ang dibdib ko nang magtama ang paningin namin. 'Yong mga mata talaga niya... nakakakaba. I felt tensed at ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Childhood friend nga kami at masaya kaming magkita muli... There shouldn't be awkwardness pero kasi... we're grown up now. And the fact na crush ko na talaga siya. Nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko ay para akong kinukuryente. My heart fluttered again. The butterflies in my stomach moved wildly like they just claimed their victory. "Hoy, insan, happy birthday!" sabay-sabay na bati ng mga pinsan ko. Bumati rin ang mga kaibigan ko pero 'di talaga papahuli ang madaldal kong kapatid na si Akemi na ang tagal matapos sa pagbati sa akin at may kasama pang pang-aasar. "Ate, haba ng hair mo, ah! Alam mo, bagay na bagay kayo! Siya pala 'yong shi-ni-ship ko sa'yo, 'te, kung 'di mo alam," bulong niya. Nagulat ako roon! So, itong si Bryle pala ang tinutukoy niya? Nakalinya na kami ngayon dito sa labas. Nang binuksan ang sinauna naming pintuan ay naglakad na sila nang dahan-dahan sa unahan patungo sa ibaba ng stage kung saan kami mag-p-perform. Kami ang pinakahuli ni Bryle. Classical music ang pinatugtog sa paglalakad na namin. Nagpalakpakan naman ang mga tao. [A thousand years by Christina Perri played] Nagsimula na kaming sumayaw. Ako talaga ang pumili ng kanta sa cotillion dahil ako naman talaga ang pinapili. Habang sumasayaw, nakatitig lang ako sa mga mata ni Bryle, ganoon din siya sa akin. Parang may pumipigil sa aking huminga. Ayan na naman ang mga mata niyang namamanipula ako tuwing tinititigan ko. "Am I really that handsome for you? You're deeply staring at me," nakangising aniya dahilan para taasan ko siya ng kilay. Nagpanggap akong matapang dahil ayaw kong makita niya ang tunay na nararamdaman ko ngayon. "A-Ang kapal mo! Alam mo, mula pa lang noong... ah ewan kung kailan 'yon, kumakapal na mukha mo!" Pinaglaruan niya ang kaniyang labi dahilan para mapatingin ako rito. Damn. Ano ba 'yan! "Because you gave me a reason to do so, at s'yempre, makapal naman talaga ang mukha, Via." Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ang pilosopo niyang sagot, na ikinatawa niya lang. Ang pilosopo niya talaga! Pero sa lagay na ito, alam kong tinatapalan niya lang din ang awkwardness na nararamdaman through being sarcastic to me. "Anong rason naman 'yan?" naniningkit ang mga matang tanong ko. Kung singkit lang talaga ako katulad ng mga kapatid ko, siguradong mas sumingkit o tila wala akong nakikita ngayon dahil sa paniningkit. Pero hindi, eh. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "That you like me." To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD