Chapter 16.2

1261 Words
Continuation... Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hala, gano'n ba talaga ako kahalata? Napalunok ako at ramdam ko ang pamamawis ng aking noo. "A-Anong sinabi mo?" "Do I need to repeat it?" Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. "H-Hoy! Hindi, ah, ang kapal mo talaga!" Nagulat ako nang tumawa siya. Kanit naiinis ay namamangha pa rin ako sa paraan ng pagtawa niya. Pantay-pantay ang mapuputing ngipin at mas lalong sumingkit ang mga matang singkit na unang hinangaan ko. Why do you have to be that perfect in my eyes? Bigla ko tuloy nakalimutan ang pagiging childhood friend naming dalawa. Iniisip ko ang kasalukuyang nangyayari na para bang bago pa lang kaming nagkita. "I'm just joking but you're so defensive." Tinaasan ko lang siya ng kilay para takpan ang parang natalo kong mukha. Bago natapos ang sayaw ay may binulong pa siya na palagi niyang binubulong sa akin. "I'm just saying the truth again, Via." Pagkatapos ng cotillion ay nagdasal muna bago kumain. Dumiretso agad ako sa upuang para sa 'kin sa table kung nasaan ang mga pinsan, kaibigan at mga kapatid ko nakaupo. Pero wrong timing kasi kabilang table rin pala sila Bryle! Nasulyapan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya habang kumakain. Parang gusto ko na ring lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan doon sa sinabi niya. Baka nakakahalata na talaga siya kahit sabihin pa niyang joke lang. "Vally, kanina ka pa pa-sulyap-sulyap sa kabilang table, ah?" pang-aasar na tanong ni Amira kay Vally. Pati tuloy kaming lahat sa table ay napalingon sa kabilang table. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ulit ang paningin namin ni Bryle! Damn it, ano ba 'yan! Kaming girls ang nag-uusap ngayon dahil may mga sari-sariling mundo ang mga boys. "Marami kasing pogi roon, mir! 'Wag ka na magtaka!" Si Chasehid sabay tawa. "Naku, mga ate! Sakristan lahat 'yan, uy! Magpapari ang mga 'yan!" wika ni Akemi habang nakasalpak pa ang fried chicken sa bibig. Napasulyap pa siya sa akin, parang pinaparinggan ako ng gaga kong kapatid. "May kilala akong magpapari diyan," sabat ni Astrid na nagpakuha ng atensiyon ko. Pati rin pala ang iba kaya napalingon kami sa kaniya. "Sino?" "Astrid, sabihin mo raw sabi ni Vally kasi para ready siya ma-hurt—" Tinakpan agad ni Vally ang bibig ni Amira nang sabihin iyon. Napailing si Astrid at napangisi. "Secret." "Ay, ang KJ! Para naman alam namin kung sino ang bawal landiin!" si Safirra. Ang babaeng 'to talaga. Nakisabat ako sa kanila at nakipagtawanan din. Kahit hindi kami mas'yadong nakaka-bonding na magpipinsan ay ganito kami ka-close. May groupchat din kasi kami sa messenger. Ilang sandali pa'y tapos na rin ang kainan. Balik ulit ako sa upuang para sa akin sa harap. Ang sumunod na parte ay ang 18 candles ng mga kaibigan at mga pinsan kong babae, pati na rin ang ibang friends kong schoolmates na babae. Sinabi nila sa akin kung ano ang wish nila at pagkatapos ay hinihipan ang isa sa mga 18 na kandila sa cake ko. "Happy birthday, Via, my little sister! Ay, 'di na pala little, you're now eighteen! Wish ko for you is sana magka-lovelife ka na! You're still NBSB, bakit ka nga ba mailap sa mga lalaki? Kaya hindi ka rin nagkakajowa, eh!" Tumawa si Astrid. Natawa rin ako at ang mga tao. "Hindi ako nag-iisa, Ast! Ikaw rin!" singit ko sa speech niya. Bigla siyang natigilan pero nagpatuloy rin naman at ngumiti. She blew one of the candles. "Wish ko for you, Eli, is sana 'di ka na late bumangon. Magbago ka rin sana 'pag may time, kidding. You're pretty, matalino ay mabait din naman, haha. You're one of my ideal friend and a definition of a best friend. Kung kailan lang magkaibigan pa tayo, ang bata-bata mo pa and then now, dalagang-dalaga na! May crush na rin 'to, eh, after ilang years!" Tumawa si Avy sa last words niya na ikinasimangot ko pero ikinangiti kalaunan. Naging emotional na naman ako. Si Liza ang kasunod, napaluha na ako dahil masiyadong touching ang message niya. Well, she's Liza. Ganiyan siya. I'm very lucky for having these two and true friends of mine. Kasunod no'n ay ang mga babaeng pinsan ko na. Ang sunod na parte ay ang 18 roses na. Si Daddy ang first dance ko, mga lalaking pinsan ko ang kasunod sa mother and father sides kaya marami. "You're now eighteen, Via. Hindi ka na namin matatawag na baby ng Mommy mo," emosyonal ngunit nakangiting saad ni Dad sa'kin nang magsimula kaming sumayaw. Napangiti ako nang malaki. "You can still, Dad! Pero sa isip n'yo lang o sa convo n'yo ni Mommy, I won't let you anymore because I'm a woman now!" nakangiti kong giit. He reminisced again those moments mula pagkabata ko hanggang ngayon kaya 'di ko mapigilang maging emosyonal ulit. "Happy birthday, Via. You really looked gorgeous tonight," sabi ni Aaron kaya napangiti ako nang tinanggap ko ang rose na bigay niya. Magkakatulad lang ang sinabi ng mga pinsan kong lalaki. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang umabot na kami sa ika-17 na roses. Si Bryle na ang susunod! Nagulat ako nang makita ang nakangiting si Khalil habang inilalahad ang dala niyang rose. I didn't expect him to be one of my eighteen roses. Naalala kong halos sila Astrid at Akemi pala ang naglista ng mga pangalan kaya baka si Astrid ang naglista ng pangalan niya. Boto kasi siya kay Khalil para sa ',kin noon at siguro na rin hanggang ngayon... but I can't feel the same. "You really look gorgeous, Via... lalo na rin pala sa malapitan," aniya habang sumasayaw kami. I just smiled to hide the uneasiness. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang tila mariing titig ni Bryle. Napalingon ako saglit at nakita siyang nakakunot ang noong napatingin kay Khalil pero nang mapatingin siya sa 'kin ay naging malambot ang ekspresyon niya. Parang nababagot na siya dahil ang tagal namin ni Khalil. Selos ka? Char. "Thank you, Khalil," I replied. Ilang sandali pa'y tinawag na ng host ang pangalan ni Bryle kaya wala nang nagawa si Khalil kundi bitawan ako. Ngumiti muna siya bago umalis. Nagulat ako nang halos lahat ng tao ay naghiyawan. Nakita ko sila tita at Mommy na ngumingiti, nag-apiran pa ang dalawa na parang mga teenager pa rin. Nakita ko si Astrid na tila may sinusundan sa labas kaya lumabas ito. Naglahad na pala ng isang pulang rosas si Bryle sa harapan ko na ikinapula ng pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti. He's looking at me intently, nakanguso ito sa 'di ko malamang dahilan. Nang tinanggap ko ang rose ay siya ring pag-iba ng kanta. [Photograph by Ed Sheeran played] Dahan-dahan na niyang hinawakan ang bewang ko. Inilagay ko na rin ang mga kamay ko sa balikat niyang malapit sa leeg. Loving can hurt, Loving can hurt sometimes, But it's the only thing that I know, When it gets hard, You know it can get hard sometimes, It is the only thing thay makes us feel alive... Nakatitig lang kami sa isa't-isa habang sinasabayan ang kantang sumayaw. "Manliligaw mo ba 'yong kanina? Ang pangit," biglang aniya dahilan para matigilan ako. Kaya ba siya nakasimangot kanina? "Huh? Oo, before. Hindi siya pangit, he's good looking kaya!" giit ko nang iniliko niya ako. Totoo naman, gwapo si Khalil, a bit muscular... pero 'di ko maipagkakailang mas gwapo itong nasa harapan ko. He's a also muscular, mas lamang kay Khalil... ibang-iba sa edad niya. Pero, bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? I heard him clicking his tongue. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD