Continuation...
"Okay, but I'm good looking, too. Crush mo ako, 'di ba?" biglaang tanong niya, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Ito na naman siya, tapos sasabihing joke kaya hindi na ako magpapadala. Calm down, Via...
"Kapal. Ikaw nga 'tong nangako pagkabata na papakasalan ako, e." Gusto kong kainin ako ng lupa sa hiya ngayon dahil sa nasabi ko! Gosh, nakakahiya! Pwede bang bawiin? Siya kasi 'yong nangunguna, eh! Bakit ba nagmamaktol ako na parang bata? Ato 'to, healing my inner child na hindi siya nakasama nang matagal noon?
Pero nagulat akong muli sa sinabi niya, "Oo nga. Kaya nga ako pa ang nauna kaysa roon sa pangit mong manliligaw, 'di ba?"
Napalunok ako nang paulit-ulit. Why is he saying this to me? Sus, Via, joke lang 'yan. Guato kong mapatili! I know that this is just a joke but... he's too good. He's like convincing me that he meant his words and the word 'joke' isn't included in his vocabulary.
Humalakhak ako para ipakita sa kaniyang hindi ako tensiyunado. "What? Are you jealous?" Ako naman ngayon ang nang-aasar.
"So, what if I am?"
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Nanghina ang tuhod ko. s**t. Ganoon din siya, parang nagulat sa sinabi kaya napaiwas ito ng tingin.
"Weh?" ani ko habang tumatawa kahit na sa loob-loob ko'y gusto nang sumabog talaga. Deep inside as well... I was hoping that he really meant it.
"I... w-was just joking," nakangiting aniya dahilan para mabasag bigla ang kung ano mang gustong sumabog kanina sa puso ko.
Sabing joke, e... assuming ka kasi. Pinilit ko nalang ngumiti hanggang sa matapos kami. Naging matamlay ako pagkatapos dahil... ang kapal naman ng mukha niyang landi-landiin ako tapos joke lang pala? Kinalma ko ang sarili dahil hindi ko alam kung bakit ako naiiyak.
Pagkatapos ng 18 roses ay nagpalit na ako ng gown. Blue elegant night gown naman ang sinuot ko ngayon. Ngayon pa nila ako kinantahan ng 'happy birthday'. Naglalakad na ako ngayon papunta sa 4 layers kong cake, mixed with yellow and blue ang kulay. Isang kandilang nasa gitna na lang ang may sindi dahil hinipan na ng mga 18 candles ko kanina. I wished before blowing the candle. Masigabong palakpakan ulit ng mga guests ang narinig ko matapos 'yon. Hiniwa na rin ang cake ko at s-in-erve ito sa mga tao.
Ang sumunod na parte ay ang 18 treasures naman. Iba't-ibang regalo ang natanggap ko na siyang ikinatuwa ko talaga.
Binigay ng host sa akin ang mike for my speech as a debutant. Nagsalita ako, of course I sincerely said thank you, lalo na sa parents ko at sa iba pang nag-effort para manyari ang enggrandeng debut ko. Naging emosyonal ulit ako nang ipahayag ang mga salita ko.
Pagkatapos no'n ay party na! May sayawan sa gitna at iba pa. Ang iba naman ay nagpaalam nang umalis dahil siguro, inaantok na or pinapauwi na ng mga magulang especially my schoolmates. Halos kalahati sa guest ang umalis na at nagpasalamat. Kalahati naman ay nakisali sa sayawan, inuman at iba pa. Pero bago pa pala ang party ay kinuhanan ako ng picture, solo, kasama ang parents ko, kaibigan at mga pinsan at kami ni... Bryle.
Pagod na ang katawan ko pero pinilit ako ng mga pinsan at mga kaibigan ko na sumayaw at uminom muna. Mananatili pala ang mga pinsan ko sa guestrooms namin ngayong gabi dahil bukas ng umaga pa sila uuwi.
Sumunod na lang ako sa kanila dahil excited na rin akong makatikim sa lasa ng alak. First time ko pa 'to dahil hindi ako pinapainom ng parents ko before dahil wala pa raw ako sa legal age. Napansin kong wala si Astrid dito sa grupo namin pero binalewala ko na lang 'yon.
"Mga taong wasak ang puso riyan, it's your time to drink!" tumatawang saad ni Vesper at winagayway pa ang bote ng whiskey at tequila. Nagtawanan kami.
Umalingawngaw rin ang tawanan ng kabilang table kung saan nandoon sila Bryle. Nakita kong nakatingin siya sa 'kin ngayon. May ibinulong si Lloyd sa kaniya dahilan para samaan niya ito ng tingin. Napahalakhak lang ang gagong si Lloyd. Nandoon pa rin ang iba nilang kasamahan. Katulad namin ay nag-iinuman din sila.
Hindi ko namalayang dire-diretso na pala ang lagok ko ng tequila. Napangiwi ako sa pait, nanuot kasi ito agad sa lalamunan ko pero kalaunan ay nasanay na. Naalala ko na naman ang joke niya kanina na akala ko'y totoo. Anong klaseng joke ba 'yon? Hindi naman nakakatawa. He was making me build my hopes up!
"Oh, dahan-dahan lang, Via! Napaghahalataan kang broken, eh!" si Chasehid. Ngumisi lang ako at pinagpatuloy ang pag-inom. Ramdam kong nahihilo na ako. Ganito pala malasing? Napatawa ako.
Nakisabay rin ako sa tawanan ng mga pinsan ko. Lagok lang ako nang lagok.
"Hoy, parang lasing na si ate, oh! Sobrang pula na ng mukha!" Tumawa si Akemi. Orange juice lang ang kaniya ngayon kasi bawal pa siyang uminom. She's only fourteen!
"Lasing na ang maganda mong ate!" ani ko habang tumatawa. Inaasar na ako ng mga pinsan ko, anila'y ang weak ko raw dahil tatlong baso pa ay lasing na.
"Aba s'yempre, first time ko 'to, 'no! Anong akala n'yo sa 'kin? Benteng bote pa ng alak ang inumin bago malasing? Weh? Gaga pala kayo, eh! Common sense, guys!" tumatawang sabi ko. Halos hindi ko na nga rin alam kung anong mga pinagsasabinko. Lumagok ulit ako ng pang-anim na ngayon mula kanina.
"Wala na, lasing na!"
Nagpaalam akong lalabas muna para magpahangin. Ang init-init na sa loob, eh. Dulot na rin siguro ng alak na ininom ko. Patuloy pa rin ang tawanan ng mga pinsan ko, ganoon din ang kabilang table. Halos kami na lang ang natira. Nag-inuman din ang parents ko at sila tito at tita.
Napadaan ako sa table nila Bryle kaya pilit kong ginawang normal ang lakad kahit paika-ika na dahil sa kalasingan. Halos napatingin silang lahat sa akin, lalong lalo na si Bryle pero wala akong pakialam at hindi man lang ako nakaramdam ng hiya dahil ang gusto ko lang ay makalanghap ng hangin! Jusko, ang init na rito, eh! Hindi naman makakatulong 'yang gwapo niyang pagmumukha para pawiin ang init na nararamdaman ko.
"Via, aalalayan ka raw ni Laxus Bryle!" Boses ni Lloyd 'yon. Narinig ko rin ang pang-aasar ng mga kasamahan niya.
"Shut up, Lloyd!"
Hindi ko sila pinansin. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa malarating sa labas. Rinig ko ang mga yapak sa likuran ko pero hindi ako lumingon.
"You like her, right? So, we're gonna help each other para hindi sila mapunta sa isa't-isa. I won't let that happen because I really love him." I heard a voice of a woman.
"Alright. At kung hindi man natin sila matitibag—" boses ng isang lalaking 'yon.
"We're gonna do the illegal way."
Hindi ko alam pero kahit papaano'y biglang nagising ang diwa ko sa narinig. I was about to step but I stiffened when someone's hand snaked my waist.
"Watch out!" he shouted. Lasing na lasing na ako pero nakita ko pa rin ang parang galit na mukha ni Bryle.
"Elaina..." sambit niya. Lilingon na sana ako para makita kung sino ang binanggit niya pero bigla akong natumba dahil sa kalasingan.
Kahit nasalo man ako ni Bryle, ang mga mata niya'y nakatutok lang sa harapan.
Ang sakit. 'Yong Elaina siguro ang tinutukoy niyang ex niyang mahal niya pa rin.