Chapter 17.1

1771 Words
Via Elianna "Kanina pa po ba umalis sila Mommy, manang?" tanong ko kay sa aming mayordoma habang inaayos ang dressy flat sandals ko sa paa. Aligaga akong nag-ayos sa sarili dahil ala una na nang hapon ako nakabangon at alas tres daw ang misa! Ako namang tinamad pa bumangon, nanatili pa sa higaan ng isang oras! Pagtingin ko sa wall clock ay alas dos y media na. Bisperas pa naman ngayon at may prosisyon. Bukas na pala ang pista. "Oo, Via. Hindi ka na nila ginising kanina dahil alam nilang pagod ka." Oo nga pala, alas tres na ng madaling araw na siguro ako nakatulog kagabi. Wala na akong naalala matapos kong malasing. Pero bakit kasi hindi nila ako ginising? Sabay sana kami ngayong magsimba nila Mommy at ng buong family ko. 'Yon ang usapan, e. I feel betrayed tuloy. "As in silang lahat po?" tanong ko. Ang mga tito, tita, at mga pinsan ko'y kanina pa raw nakaalis. Tumango siya. "Sige po, aalis na ako." Kinawayan ko si manang bago lumabas. Unang araw pa naman ng pagiging eighteen ko tapos tanghali na bumangon. Hinandaan ako ni Mommy ng isang white dress na hanggang tuhod. Hindi sana ito ang susuotin ko dahil ayaw ko, pero nagbilin siya ng note na kapag 'di ko raw 'to susuotin, hindi na ako magkaka-jowa. Katakot naman kaya sige. Nagpatirintas ako kay manang sa buong buhok ko bago ako umalis. I decided na puntahan ang bahay ng mga kaibigan ko pero wala na rin sila. Sinabi rin nila sa 'kin kahapon na sabay-sabay raw silang magsisimba kasama ang pamilya nila. Sana all na lang. Ako kasi, iniwan. Nang makarating ay nagulat ako sa dami ng tao. May ibang taga Sitio rin kasi ang nagsimba rito dahil isasali rin sa posisyon mamaya ang kanilang mga patron. Ang sitio kasi namin ang pinaka-sentro dito at ang pinakamalaking simbahan din. Required kasing isali rin sa prosisyon dito ang kanilang mga patron. Sa labas ng simbahan ay marami nang bandera kaya sumisigaw na ito ng kapistahan. Nahihiya na akong maghanap kung saang lupalop ba ngayon sila Mommy. Sure kasi akong pinaglaanan nila ako ng space sa tuwing nahuhuli ako. Nang mahanap ko ay nagulat ako nang puno na pala sa p'westo nila ni... teka, si tita Lazel kasama niya at pati si Laxine! So, ibig sabihin... nandito rin si Bryle? Ay s'yempre, sakristan 'yon, eh, engot. "Mom, saan ako uupo?" pabulong kong tanong kay Mommy. Mabuti na lang at nasa dulo siya ng upuan. Nakangiti itong napalingon sa'kin. Luh, masaya ka pang wala na akong mauupuan, Mom? Nakita ko rin ang pamilyar na likod ni Akemi sa tabi niya pero wala si Astrid, baka sa mga kaibigan niya siya sumama. "Lumingon ka. Nasa likod mo ang naghahanda ng upuan para sa 'yo." Kunot-noo akong lumingon. Namilog ang mga mata ko nang makita si Bryle na t-in-ap ang p'westo sa tabi niya na parang pinapaupo na ako. Kaya siguro hindi ko man lang siya napansin kanina dahil naninibago ako sa suot niya. Nakasuot siya ng blue button down longsleeve polo at isang black na pantalon. Ang gwapo niya... Bagsak pa ang buhok na tumatama sa makakapal niyang kilay. Napalunok ako. "P-Pero, Mom—" angal ko. "No more buts, Via. Wala nang ibang upuan kaya you have no choice but to sit beside him," aniya dahilan para manguso ako. "Bakit muna nandito siya? Hindi ba siya mag-s-serve?" pahabol na tanong ko. "No. Lazel requested him na hindi muna. Minsan lang naman... ssaka gusto namin na magkatabi kayo, for you to fill another memories of him with you again." Huminga muna ako nang malalim bago maglakad papalapit kay Bryle at umupo. Halos hindi ako humihinga dahil sa malakas na kabog ng puso ko. Jusko. Hindi ako lumingon sa kaniya pero alam kong nakatingin siya sa 'kin. Mula noong nalaman ko na childhood friend ko pala siya ay hindi nagbago ang tratuhan namin sa isa't-isa, parang nito lang kami nagkakilala... dahil minsa'y ang awkward pa rin! Hindi ko nga maintindihan, minsan para kaming close na close, minsan din ay nang-aasar siya at minsan ay nagkakahiyaan. Ewan ko na lang. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kagabi— "So, how was your sleep last midnight?" Halos mapalundag pa ako dahil sa biglaang tanong niya. Namilog na naman ang mga mata ko sa kaniya. Natawa siya sa reaksiyon ko. Siya pala 'yong nakasalo sa 'kin! "U-Uhm... a-ayos lang," sagot ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. "Anong nangyari pagkatapos kong ma-knock out?" Natawa siya dahil sa itinanong ko. Dahil siguro sa term ko ng nahimatay o nakatulog. "Well, your Mom guided me to your room at inihiga kita sa kama mo—" nanlaki ang mga mata ko. "And then?!" "Easy! I'm not that kind of guy who takes advantage of a woman who's not sober. Hindi iyon magandang tingnan. May respeto ako. I have a mother and a sister and I respect them as well as you, I respect you as a girl and as a person," depensa niya. "Joke lang, eh. Alam ko naman 'yan. I trusted you, my... childhood friend," I said and averted my gaze at him. Nakakatunaw kasi ang titig niya. Ngumiti siya sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako kahit na parang may dumaan na pait doon sa boses ko dahil parang naiisip kong hanggang doon lang kami. Hays, 'wag na nga lang umasa. Magkaibigan kami dati, nagsabi siyang papakasalan daw niya ako paglaki pero mga bata pa kami no'n, wala pang muwang kung ano ang kahulugan ng salitang kasal at siguro hanggang ngayo'y ganoon pa rin. Wala naman na akong ibang bagay na hihilingin pa. Kuntento na rin naman ako sa ganito, kaysa naman sa wala, 'di ba? Magpapasalamat na lang ako sa Panginoon dahil nagkita kami ulit at naalala ang nakaraan. Tuturuan ko rin ang sarili kong maging kuntento sa ibinigay Niya. "Ating awitin ngayon ang mga salitang ibinigay sa atin ng Panginoon," wika ni Father, tinutukoy ang awit na Ama namin. Na-conscious ako dahil kailangang maghawak-kamay sa katabi. Katabi ko siya kaya nalilito ako at nahihiya. Nang itinaas ko na ang dalawang kamay ko ay gulat akong napalingon sa kaniya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. His brows furrowed pero kalaunan ay ngumiti, dahilan para mas lalong sumingkit ang mga mata niya. Ang lambot ng kamay niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay kong hinahawakan niya. Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko nang may maramdaman akong nakatitig sa amin. Nakita ko si Astrid na unti-unting sumilay ang ngiti nang makitang lumingon ako. I smiled back. She's with her girl friends. "Are you okay? Ang lamig ng kamay mo..." Bumaling ako sa nagsalitang si Bryle." "Uh... oo," sagot ko na lamang. Nakatulala lang ako sa harapan nang may magsalita sa likod namin. "Hija, tapos na ang Ama namin," sabi ng isang eleganteng matandang babae sa likod namin na pinipigilang matawa. Napaawang ang labi ko at umiwas ng tingin nang unti-unti kong binaba ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagngisi ni Bryle kaya naman napayuko ako dahil sa hiya. Jusko naman, Via! Another episode of your embarrassing moments in front of him na naman! Pagkatapos ng misa ay isa-isa nang naghanda ang mga in-charge at ang mga tao sa prosisyon. Inihanda na nila ang mga patron, lalong-lalo na ang patron naming si San Isidro rito sa Sitio de Alta. "Ate, kandila mo oh," saad ni Akemi habang inaabot sa akin ang dilaw na kandila na may maliit na karton sa gitna— proteksiyon sa mainit na tubig galing sa apoy ng kandila. Tinanggap ko ito. Hindi ko na nahagilap pa si Bryle kasi parang dumiretso ito sa mga kaibigan niya nang maglakad na ang dagat ng mga taong papalabas. "Oh, nasaan si Astrid?" tanong ko sa kaniya. Luminga-linga siya. "Hindi ko alam, Ate," sagot niya, pagkatapos ay tinitigan ako na parang may duling sa mukha. "Ate anong feeling mahawakan kamay ng crush mo?" nagtataka kunyari niyang tanong habang nakatingin sa malayo. Napatingin din ako sa kung saan siya nakatingin. Nakita ko ang isa sa mga pinsan ni Avy na ka-edad at ka-batch ko lang. "Anong crush?" tanong ko habang nakanguso. Naglalakad na kami palabas habang nakasunod sa kanila ni Mommy at tita Lazel. "Asus! Kunwari ka pa, eh! Alam kong si kuya Lax crush mo, eh!" aniya. Diniinan pa ang word na 'kuya'. Wow, ah. "Bakit ka nga pala nagtatanong kung anong feeling mahawakan kamay ng crush? Gusto mo rin ma-feel kay Zachary 'yon? Pasimple ka pa, ah," pang-aasar ko, iniba ang usapan. Namilog ang mga mata niya. "Via at Akemi! Sunod lang kayo sa amin, bibili tayo ng belo para sa inyo. Nasaan ang ate n'yo?" tanong ni Mommy nang nilingon kami sa likuran niya, galing pa 'ata sa pakikipagkuwentuhan at tawanan kay tita. "Hindi namin nakita, Mom. Baka sumabay sa mga kaibigan niya. Nakita ko siya kanina," sagot ko. Wait, kailangan pa talagang magbelo? Napanguso ako nang 'di mamataan si Bryle sa paglinga-linga. Gusto ko siyang makasabay sa paglalakad sa prusisyon... Huminto muna kami saglit sa isang lamesa ng nagtitinda ng mga puting belo at mga kandila sa labas ng simbahan. Nagulat ako nang makita ang matandang babaeng minsan na rin ako sinabihan ng mga weird na salita at babala. Nakabelo pa rin siya ng itim pero ibang disenyo na 'yon. Nag-iwas ako ng tingin nang tumama agad ang walang reaksiyon niyang mga mata sa akin. "Oh, Laxus! Saan ka ba galing, ha?" Napalingon ako sa gilid nang marinig ang pangalan ni Bryle. "I went to Lloyd and Klein. Tinanong kasi nila ako kung bakit hindi ako nag-serve kaya binihyan ko sila ng sagot," rinig kong sagot niya. "Dalawang belo po, lola," saad ni Mommy sa matandang babae. Doon ko na lang ipinukol ang tingin ko. Pero na-conscious din ako dahil kahit habang nagbibigay ng dalawang belo ang matandang babae kay Mommy ay nasa akin pa rin ang tingin niya. Jusko. "Mom, kailangan pa ba talagang magbelo?" tanong ko habang ang paningin ay nasa dagat ng mga taong naglalakad na para sa prusisyon. Balak 'ata nila Mommy na magpahuli. "Oo, Anak! Nakabelo rin halos lahat ng mga babae kaya magbelo rin kayo!" Mahaba ang belo na hanggang kalahati ata ng mahaba kong buhok. "Pero, Mom—" Naputol ang sasabihin ni Akemi nang bigla siyang suotan ni Mommy nito. Napabuntong-hininga na lang ako dahil ako na ang susunod. Wala kasi talagang makakapigil kay Mommy dahil 'lagi niyang panlaban ang quote na Mother knows best. Susuotan na sana ako ni Mommy ng belo pero nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang tali sa dulo ng buhok kong nakatirintas nang buo. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD