Continuation...
"Mom! Ba't mo tinanggal?" histerikal kong tanong. Nag-effort pa si manang na tirintasan ako tapos taganggalin niya lang? Napasimangot ako. Nakita ko si Bryle na napasulyap sa akin habang nakikinig sa ipinapabiling pagkain ni Laxine.
Binuhaghag ni Mommy ang buhok ko. Halatang-halata rito na galing sa tirintas dahil naging kulot ito.
"Bagay kasi na nakalugay ang buhok kapag nilalagyan ng belo," ani Mommy.
"Via, hija! Bagay sa'yo. You're so gorgeous!" Namula ako sa papuri ni tita. Nakangiti rin si Laxine sa akin ngayon.
Finally, ilalagay na ni Mommy ang belo, pero—
"Ako na po, tita."
Gulat akong napatingin kay Bryle dahil sa sinabi nita. Huli na nang natanto kong sinusuot na niya sa akin ang belo. Tumama ang kulay kahel na galing sa paglubog ng araw sa singkit niyang mga mata. Nakatitig lang ako sa kaniya. His touch on my hair screams gentleness na para bang isang babasaging bagay na kung hindi iingatang hawakan ay mababasag.
"Okay na, bagay sa'yo," kaswal na aniya. Abot-abot ang tahip ng aking puso dahil sa ginawa't sinabi niya. Ewan ko nga kung humihinga pa rin ba ako.
Nakita kong nakatingin sa aming dalawa ang classmate kong napadaan kaya naman nahiya ako.
"Uy! Sa ganiyan din nagsimula ang lolo't lola ko!" biglaang sigaw nito, dahilan para mas lalo akong mamula ang pisngi ko.
Nakita ko sila Mommy at tita na nakangiti sa amin, pero hindi ko alam o namamalikmata lang ako nang makita kong naging malungkot sandali ang ekspresiyon ni tita.
"N-Nahuli na 'ata tayo sa prusisyon," ani ko kaya naman natauhan sila. Nakita ko si Akemi na ngumingisi sa'kin, kaya naman inirapan ko siya. Umiwas ng tingin si Bryle at saka naglakad papalapit kay tita.
"Wait! Picture muna kayo!" pagpigil ni tita at hinanda ang cellphone niya. Itinulak niya si Bryle patungo sa 'kin kaya naman nagbundulan mga balikat namin. Tumabi na siya sa akin. Tumingala pa ako sa kaniya dahil ang tangkad niya kahit magka-edad lang naman kami! Gosh, so unfair.
Ready na akong ngumiti dahil naka-ready na ang camera pero biglang nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanang balikat ko nang maramdaman ang kanang kamay niyang naka-akbay sa akin. Napatingala ako sa kaniya at nagulat akong nakatingin din pala siya sa akin na nakataas ang isang kilay.
Ang ending, ang pangit ng mukha ko sa picture dahil nakaawang ang labi at namimilog ang mga mata. Ang unfair lang kasi ang pogi niya pa rin sa picture kahit parang stolen!
"Mommy, nahuhuli na tayo! Mamaya na 'yan, naiinggit ako!" biglang singit ni Akemi. Kinurot ko siya sa tagiliran. Aba, aba!
"Anong inggit? Kay bata-bata mo pa!" suway ko sa kaniya.
Nauna nang maglakad sila tita, Bryle at Laxine, kami naman ang nasa likuran nila. Ako kasi, nakatingin pa rin sa cellphone ni Mommy dahil naiinis ako sa pagka-unfair ng mundo.
"Tama na 'yan, Via. Baka matunaw si Laxus d'yan, ah," pang-aasar ni Mommy dahilan para mapanguso ako.
"Mommy naman! Ang pangit ko sa pic, eh! Pwede naman sanang mag-take two!"
"Hay naku, ate! P-in-roblema mo 'yon? Eh pangit ka naman talaga," natatawang ani Akemi kaya naman kinurot ko agad siya sa tagiliran. Inakbayan ko siya nang napakahigpit at handa na ring yakapin siya sa leeg nang mahigpit. Napadaing siya.
"Ikaw rin, ang pangit mo kaya hindi ka magugustuhan ni Zachary," palihim kong bulong sa kaniya dahil malapit lang kami kay mommy.
Umirap siya. "Eh ikaw, sure ka bang crush ka ni kuya Laxus? O nagmamagandang loob kang siya sa 'yo dahil childhood friend ka niya?"
It hits me, kaya naman natigilan ako.
"Stop that, sweeties! Sindihan niyo na kandila n'yo," saway ni Mommy sa amin dahil ang ingay namin.
Sabay naming sinindihan ni Akemi ang kandila namin sa pamamagitan nang pagkuha ng apoy galing sa kandila niya.
Tuloy-tuloy ang prusisyon. Maganda ring tingnan ang mga taong naglalakad sa gitna ng magandang paglubog ng araw. Nakita kong napalingon si Bryle sa banda ko pero 'di ko siya nilingon nang maiisip na totoo ang sinabi ni Akemi. Kahit tanggap ko naman at kuntento ako sa kung anong meron kami ngayon, 'di ko pa rin maiwasang masaktan.
Malaki ang Santa Dalia kaya alam kong matagal pang matapos ang prusisyon. Naalala ko tuloy ang kasabihan na bakit pa pahahabain ang prosisyon kung sa simbahan lang din naman ang tuloy. Pero s'yempre, alam kong may mas malalim pang kahulugan 'yon.
Hindi ako sumasabay sa kanta ng prusisyon. Nakayuko lang ako all the time habang nakatingin sa kandila kong patuloy na umaagos ang mainit na tubig galing sa apoy patungo sa karton na nilagay rito.
Napasulyap ako sa nakakahalinang sunset at naalala ang time na pinayungan ako ni Bryle sa seaside dahil naabutan ako ng ulan. Wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa sunset, inaalala ang tagpo naming iyon.
"Why are you smiling?" Napatalon ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.
Napahawak tuloy ako sa tapat ng aking puso dahil sa hindi na naman normal na pagtibok nito. Everytime na magugulat talaga ako ay ganito ang nagiging reaksiyon ng puso ko.
Nagtataka akong napatingin kay Bryle dahil bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. 'Di ba, nasa harap siya kanina lang? Ah oo nga pala, ang galing niyang manggulat.
"H-Ha? Wala! May naalala lang," nauutal na sagot ko habang nakatingin sa kandilang kalahati na ngayon.
Teka... napatingin ako sa kandila ni Bryle na hindi pa napanghalatian. Wala pa kami sa kalahati ng Santa Dalia, hindi pa masiyadong matagal ang prosisyon kaya bakit malaki na ang bawas sa akin? Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon.
"May problema ba?" tanong niya.
"Ah, wala. Bakit ka nga pala nandito? 'Di ba nasa unahan ka?" tanong ko. Luminga-linga ako. Wala na si Akemi sa kaliwang side ko! Si Mommy rin ay katabi na si tita sa unahan. Ganoon na ba talaga ako katulala kanina?
"Parang wala ka kasi sa sarili kanina, and then, I just saw smiling while looking at the sunset. Iniisip ko na baka baliw ka na—" natatawang aniya na pinutol ko agad.
"Ano?" kunot-noong tanong ko. Woah, I didn't expect him to be like this. Marunong din pala siyang mag-joke.
Tumawa pa siya lalo, kaya naman napatitig ako sa ngiti niya. Mas lalo siyang g-um-wapo 'pag nakangiti. Smiling with his white and aligned teeth, pang TV commercial na ng toothpaste.
"Kidding, Miss."
"Wow, miss! Kakakilala pa ba natin?" Tumawa ako. Naalala ko kasi noong ilang araw pang nakararaan na bago pa kaming nagkakilala, ganoon din ang ini-address niya sa 'kin.
"Hindi. So, bakit nga nakangiti ka kanina? Did you see your ex-suitor swimming at the sea?"
Umawang ang labi ko sa itinanong niya. Bakit niya kailangang isali si Khalil? Tsk. May naisip na naman ako pero ayaw ko namang mag-assume. Assuming things might lead me to death. Char!
"Hindi! May naalala nga lang, eh!" depensa ko. Seloso siya. Sakristan na seloso.
"Ano ba ang naalala mo? Did you remember your moment and conversation with your ex-suitor there?" Salubong na salubong ang kilay niya nang itanong 'yon.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla ko na lang isinukbit ang kaliwang braso ko sa braso niya. Hala! Nagulat din 'ata siya sa ginawa ko dahil umawang ang labi niya. Buti na lang at kami ang pinakahuli sa linya ng prosisyon kaya walang nakakita sa ginawa ko. Sa kaliwang kamay niya naman hinawakan ang kandila kaya hindi ito nahulog kung sa kanan dahil sa marahas kong ginawa.
"Aminin mo nga, nagseselos ka ba?" Bigla nalang 'yon lumabas sa bibig ko. Wala akong naramdamang hiya dahil napaka-territorial na niya sa lagay na 'yon. I want him to be straightforward.
His eyes widened in fraction pero bumalik din sa normal habang nakatingin sa braso kong nakalagay sa braso niya. I don't know o namamalikmata lang ako but I saw his expression brightened.
"I-I was just confronting you as your c-childhood friend! Yes, that's it," aniya. Immune na nga siguro ako dahil ni katiting na sakit ay wala akong naramdaman dulot sa sinabi niya.
"Oo nga no? Assuming lang ba ako? Haha, joke lang naman 'yon." Tumawa ako. Natawa lang din siya pero ramdam ko ang alinlangan.
Inalis ko na ang braso ko at ipinukol ang tingin sa nakalubog nang araw ngayon. Dumidilim na ang langit, kitang kita na rin ang buwan at mga bituin kaya naman magandang tingnan ang mga kandilang nag-aapoy na dala-dala namin.
Katahimikan ulit ang namayani sa aming dalawa. Hanggang sa ako ang bumasag nito.
"Masaya ka bang nagkita tayong muli?" I asked. Kita kong napasulyap siya sa akin pero ang paningin ko'y nasa kandila ko lang na papaupos na pero hindi katulad ng kataasan sa kandila ni Bryle at sa mga tao rito. Malapit na rin kaming dumating ulit sa simbahan.
"So much, that I want to spend my every day with you just to fill those days na dapat sana ay nakakalaro pa tayo kung 'di lang namatay ang lolo ko."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig iyon. Napatitig ako sa mga mata niyang na-repleksiyonan sa liwanag ng kandila. He's not smiling but his eyes were sparkling as if saying that he's happy deep inside.
Paliko na kami ngayon patungo sa b****a ng simbahan. Naglakad kami patungo sa gilid, ang ibang tao rin upang bigyan ng daan ang mga patrong tinutulak papasok. Maraming nag-take ng pictures sa mga patrong nilalagyan ng disenyo sa gilid dahil maganda talaga tingnan.
"T-Talaga?" utal kong tanong.
Before he could say anything, narinig ko ang malakas na pagsabog patungo sa langit. Napasigaw ako at nabitawan ko ang kandilang dala na kanina pa pala naupos. Napatakip ako sa aking tenga at tila maiiyak. Hindi rin naging maayos ang paghinga ko dahil sa kilabot na tila bumalot sa akin.
Pagtingala ko sa kalangitan ay fireworks pala 'yon! Pero hindi ko alam kung bakit iba ang kutob ko. Para iyong putok ng baril na patungo sa 'kin dahil naramdaman ko rin ang mainit na tubig ng kandila sa kamay ko na tila pinapaso ang kaluluwa ko.
"Via, okay ka lang?" biglaang tanong ni Bryle pero 'di ko siya nasagot dahil nakita ko ang matandang babae kanina na nakatingin sa 'kin nang diretso at nabasa ko ang sinasabi ng bibig niya.
"Magsisimula na."