Via Elianna
"Oh, Via, isabay mo na si Akemi sa enrollment mamaya, ha?" wika ni Mommy habang hinihiwa ang beef stick niya.
Tatlong araw na ang nakalipas mula noong mangyari ang prosisyon. Tapos na rin ang fiesta at naki-fiesta rin sila tita Lazel dito sa amin. May mga shows na ginanap sa gabi noong fiesta pero hindi ako sumama sa kanila ni Avy dahil pakiramdam ko ay mangyayari ulit ang nangyari sa akin noong prosisyon.
Grabeng kaba ang naramdaman ko noon na hindi ko talaga maintindihan, dahil kahit walang masamang nangyari ay feeling ko... meron.
First time kong magka-ganoon sa tunog ng fire works. Eh, kung dati nga ay masaya ako sa tuwing may fireworks pero noong gabing 'yon ay nag-iba. Dagdagan pa sa biglaang pagpapakita nang sadya sa akin ng matandang babaeng 'yon tapos ang weird pa ng sinabi.
"Opo, Mom. Si Astrid po, 'di ba sa Maynila siya magkaka-college?" tanong ko. Nasa hapag kaming apat ngayon. Si Dad kasi ay maagang umalis para sa trabaho.
Plano kasi ni Astrid na mag-aral sa UST dahil dream school niya 'yon ever since. Our parents supported her dahil mayroon naman silang pampaaral sa kaniya. Kahit na may college naman dito sa probinsiya namin, gusto talaga ng kapatid ko na ma-achieve ang pangarap niyang makapag-aral doon.
"Oo, Via. Nakapasa rin kasi ako sa entrance exam doon kaya nag-submit na rin ako ng enrollment form noong May 7 pa. Maaga kasi roon, hindi katulad dito, kaya," sagot ni Astrid at nagkibit-balikat.
I nodded.
She's right. Today is May 20, 2nd day of enrollment. Ngayon kasi ang plano namin ni Akemi dahil nagkaroon ako ng hang-over kahapon. Uminom din kasi ako noong gabi ng fiesta kaya ayon, ang sakit ng ulo ko pagkabangon.
Nang matapos kaming kumain ay siya ring pagdating nila Avy at Liza sabay kasi kaming magpapa-enroll ngayong araw.
"Mag-iingat kayo, ha?" paalala ni Mommy. Tumango kami. Hinalikan namin ni Akemi si Mommy sa pisngi bago umalis.
"Hay, pasukan na naman! Ang dali-dali lang talagang lumipas ng panahon," reklamo ni Liza nang nasa daan na kami. She was wearing a black off-shoulder at denim skirt. Ang babaeng 'to, enrollment lang naman ang sadya pero 'kala mo party ang pupuntahan!
Nakasuot lang ako ng isang simpleng yellow t-shirt at isang maong short na hanggang tuhod at p-in-artner ko naman ay sneakers.
"Tamad ka lang talaga pumasok," walang ganang sagot ni Avy. Nagtawanan kami, pero pansin ko ang pagkabalisa ni Akemi.
Pinitik ko siya sa noo. "Hoy, Akemi Elyse! Ba't ganiyan mukha mo?"
Sinimangutan niya ako. "Epal ka, Ate! Nag-iisip ako rito, e."
"Ay, meron ka pa lang isip?"
"Saya mo ngayon, ate, ah? Sana all kasi nandito pa rin ang crush," aniya sabay irap. Naningkit ang mga mata ko. Naintindihan ko na kung bakit siya nagkaganito.
"Miss mo ba agad si Zachary? Sabi ni Avy, sandali lang naman daw siya sa Cebu, saka dito rin siya mag-aaral."
Umirap ulit siya. "Hindi ako nagtanong, Ate."
Tumawa lang ako. Nang makarating kami sa school ay pumunta agad kami sa may pila sa Grade 12. Si Akemi naman ay pumila sa linya ng mga Grade 9. Mabuti pa siya, malapit na sa school registrar, kaming tatlo ni Avy, ang haba pa ng pila.
Malaki ang school dito. Ito kasi ang malaking paaralan dito sa Santa Dalia, Elementary to College. Last year, pagkapasok ko sa Senior High ay HUMSS (Humanities and Social Sciences) ang kinuha ko. I want to take education course kapag nakarating na ako sa college.
Si Liza ay HUMSS din, si Avy naman ay STEM kaya hindi na kami magkaklase since last school year. Kami lang ni Liza.
Pagkatapos naming mag-fill up ng form for enrollment ay napagdesisyonan naming kumain muna sa cafeteria. Puno ang cafeteria ng mga estudyante kaya nahirapan kaming makisiksik.
"Liz, nakita n'yo ba si Akemi?" tanong ko kay Liza nang ma-realize na hindi namin siya kasama. Napanguso siya sa malayo kaya naman napalingon ako sa bandang inginuso niya.
Ngunit imbes na ang kapatid ko ang unang mamataan... si Bryle pa kasama ang dalawang kaibigan! Nakatingin siya sa pagkaing nasa harapan niya habang nakikinig sa kwento ng mga kaibigan. His lips protruded a bit dahilan para matulala ako. He's handsome even with his simple gray shirt... Pansin ko rin ang ilang babaeng nakatingin sa kaniya na nagbubulungan.
Hanggang tingin lang kayo! Char. Umirap ako nang palihim.
Pero bago ko pa maiwas ang tingin ko ay tumama agad ang paningin niya sa akin nang maiangat niya ang kaniyang ulo. Nagtaas siya ng kilay at ngumiti. Umiwas ako ng tingin at sumimangot pagkatapos nang mamataan ang dati kong kaklase na si Isabelle na mayabang na ngumiti sa kaibigan sa pag-aakalang siya ang tiningnan ni Bryle.
Pag-aari ko ang titig na 'yon, eh.
"Hoy, Eli! Pwede akin na lang 'yang spag mo? Para ka namang nandidiri diyan dahil sa tingin mo, eh."
Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang litanya ni Liza. Napatingin ako sa spaghetti kong parang minu-murder na ng gamit kong tinidor. Hayst! Naiinis pa rin kasi ako sa assuming na Isabel na 'yon. Pero ano bang karapatan ko?
"She's probably jealous," bulong ni Avy kay Liza pero rinig na rinig ko. Kumunot ang noo ko.
"Anong selos? Sino namang pagseselosan ko?"
"Tss. Ayaw mo pang aminin, ano? You have a crush on that sakristan guy."
Sinimulan ko nang kainin ang spag para mapansin nilang busy ako at walang planong sagutin ang tanong niya.
"What? Sinong sakristan 'yan, Via? Baka mag-karibal tayo, ha!" histerikal na saad ni Liza. Akala niya siguro si Lloyd. Mali siya, ayaw kong magka-crush sa isang abnoy.
"Nope. Not your crush, Lizareign," napapangiwing sagot ni Avy sa kaniya.
"Ah! Alam ko na, umamin ka na kasi, Via. Crush mo si Klein, 'no?" ngumingising tanong ni Liza dahilan para mabilaukan ako. Si Avy rin ay nasamid sa tubig na ininom at pansin kong tumalim ang titig nito kay Liza.
"Alam mo, Liz ang slow mo! Hindi siya! Kay Avy lang 'yon!" Tumawa ako nang sinabi 'yon. Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Avy sa narinig. Mukha ng isang guilty.
"T-Tsk, tigilan n'yo 'ko."
Napasulyap ako sa banda nila Akemi na kumakain ngayon kasama ang mga kaibigan niya na ka-grade niya lang din. Kay Akemi lang, ha! Hindi sa— paiwas kong binilog ang mga mata ko nang makitang napasulyap ulit si Bryle sa akin.
"Iyong childhood friend mo ba noon na sakristan? Si Laxus ba?" pangungulit ni Liza. Dahan-dahan akong tumango, ang paningin ay nasa pagkain kong malapit nang maubos. Tumili nang mahina si Liza kaya naman sinamaan ko siya ng tingin dahil napapatingin sa banda namin ang ibang estudyante.
Nagdaan ang ilang araw, naging excited ako sa paparating na pasukan. June 5, 2020 will be the opening of classes. Miss ko na mga classmates at ibang kaibigan ko, though I already have Avy and Liza as my best friends, may mga naging kaibigan din naman akong iba pero hindi ganoon ka-close.
"Eli, mag-se-serve pa rin kaya sila Lloyd?" biglaang tanong ni Liza habang naglalakad kaming tatlo sa kahabaan ng Sitio namin patungo sa simbahan. Linggo ngayon at bukas na ang pasukan.
"Oo raw," sagot ko. Pareho silang napalingon sa 'kin. Nakatulala lang ako sa daan dahil occupied ako masiyado. Iniisip ko na naman kasi siya.
"Paano mo naman nalaman?" tanong ni Avy. Umangat ang ulo ko.
Ngumiti ako. "Sinabi niya sa akin."
"Wow! Baliw na baliw kaya pinilit mong sagutin niya 'yon!" pang-aasar ni Liza habang sinundot-sundot ang tagiliran ko. Tinawanan ko lang siya.
"Hoy! Hindi ako ganoon ka-obsess para mamilit, 'no! Tinanong ko lang, ha? Tapos sinagot niya. Baka naman ikaw ang tinutukoy mo riyan?" pambawi ko sa pang-aasar niya.
Tumaas ang isang kilay niya. "Dati lang 'yon 'no."
"Kanino ba, Liz? Sa ex mo?"
Pagkatanong na pagkatanong ni Avy kay Liza no'n ay nagbago bigla ang eskpresiyon niya. I know that his ex still has an effect on her.
"'Wag na nating pag-usapan ang gagong 'yon," aniya. Natahimik na lang kami ni Avy. Her ex boyfriend cheated on her. Siya pa mismo ang nakasaksi sa panggagagong ginawa ng ex niya. We were there for her before and had witnessed her greatest downfall.
Mangilan-ngilang tao na ang nandoon sa simbahan nang makarating kami. Napatigil ako sandali sa labas ng simbahan nang maalala kong sa mismong tinatapakan ko ngayon, dito ako muntik nang mahulugan ng isang delikadong bagay na tila sinadya ng kung sino man. I sighed and walked inside. Nag-sign of the Cross ako.
"OMG, nandito nga sila!" kinikilig na sabi ni Liza.
Mabuti na lang at bumalik siya sa kaniyang usual self. Hindi katulad kaninang halos hindi kami kausapin ni Avy dahil pinaalala ang ex nito.
To be Continued...