Chapter 18.2

1466 Words
Continuation... Bigla akong napatingin sa mga sakristang nagmamadaling naglalakad patungo sa harap. Totoo nga ang sinabi ni Bryle na silang tatlo lang ng kaibigan niya ang isinama ni Father. Nasa unang row kami sa kaliwa nakaupo sa ikalawang mahabang upuan kaya kitang-kita mula rito ang mga sakristan. Nang magsimula ang misa ay napatingin ako sa banda niya saglit. Seryoso lang siyang nakikinig, just like before. Halos mapatalon ako nang sinalubong niya ang titig ko. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang makita ang munting ngiti niya nang umiwas siya ng tingin. Hindi na ako lumingon pang muli sa banda niya at nakinig na lang sa homily ni Father. The mass ended. Lumabas na kaming tatlo ng mga kaibigan ko. May mga lumapit na schoolmates ko, kaya naman nakipagbatian muna kami sa kanila. "Hey, girls! Mas lalo kayong gumanda!" Isabelle complimented. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kaniya. She was our classmate since grade 4, hindi ko siya nagustuhan noon pa man dahil masiyado siyang mayabang. Hindi ko lang talaga gusto ang mga taong mayayabang. "Oo naman, 'no! Ikaw rin, belle." Si Liza ang sumagot sa kaniya. I flashed a smile. Kasama niya ang kaniyang circle of friends mix with boys and girls. Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. He was once of my suitors before. Si Reo. I'm not comfortable kaya dahan-dahan kong tinanggal ang akbay niya. Kay Bryle at nila Lloyd lang talaga ako komportable pagdating sa mga lalaki, knowing na Bryle was my childhood friend kaya ganoon na ako ka-komportable sa kaniya una pa man, at kaibigan niya naman si Lloyd. "U-Uh, Reo, ikaw pala 'yan!" I faked a smile. I can feel dagger stares from afar. Hinanap ko ito, natagpuan ko ang walang buhay na mga mata ni Bryle. "Nanliligaw pa rin ba 'yang si Reo?" tanong ni Avy sa tabi ko na tahimik lang na nagmamasid. Umiling ako. "Binasted ko na rati, 'di ba?" Nakawala na rin kami roon sa wakas. Dami pa kasing napag-usapan, like excited na raw sila para bukas. I still can hear Isabelle's words. "You all know that I'll be nominated as a classroom president again, right? I'm sure na ako agad ang mananalo!" Sabayan pa ng sabi niyang ang gwapo raw na sakristan si Bryle, her other friends agreed. Nagpapalamangan pa kung sino ang mas gwapo kina Bryle, Lloyd, at Klein. Tsk. Kinabukasan, pasukan na. Nandoon na si Astrid sa Manila kahapon pa. Maaga kaming pareho ni Akemi dahil sabi niya'y excited na raw siya as Grade 9. Nakarinig ako ng katok habang sinusuot ko ang aking yellow na wrist watch. Isinuot ko na ang backpack ko sa likod. "Ate, alas syete na! Bilisan mo!" sigaw ni Akemi. Sobrang excited talaga. "Oo na! Maghintay ka!" sigaw ko pabalik. Napangiwi ako nang makitang ang blooming niya ngayon. Naglagay ng hair clip sa buhok, naka-liptint at naka-pulbo. Samantalang ako, ang dugyot. Wala man lang kaalam-alam sa mga liptint d'yan. "Ano 'yang liptint? Ang bata mo pa, Akemi!" sermon ko. "Dalaga na ako, Ate! Okay na ako mag-ganito kasi gumagamit na rin ang mga kaibigan ko nito." Napailing na lang ako. Nalamangan na ang ate niya. Na-miss ko tuloy 'yong baby Akemi. Inakbayan ko na lang siya pababa sa hagdan. "Alam kong crush mo si Zachary, isa rin ba siya sa dahilan niyan?" tanong ko. Zachary is Avy's cousin sa ama, ka batch ko lang. Bigla siyang namula at napaiwas ng tingin. Sabi ko na nga ba! "Oo, Ate, pero 'di naman ako mapapansin no'n," malungkot na aniya. She's right. Zachary has a cold personality. Hindi ko isasalang ang kapatid ko dahil hindi sila magka-edad! Ang bata pa ni Akemi para sa kaniya. "Alam ko, kaya bakit ka pa umaasa? Tumigil ka na, infatuation lang 'yan, 'tsaka masasaktan ka lang. He likes someone on his age probably. Ayokong masaktan ka." "Echos, ate! Naks, first time 'yan, ah? Nag-a-advice ka rin ba sa sarili mo?" nakangisi niyang pang-aasar. Agad siyang tumakbo dahil alam niyang mababatukan ko siya. Tsk, sa hindi kasi ka-edad nagkagusto kaya ayan! First day of school ngayon kaya madami na agad ang mga estudyante sa school kahit maaga pa lang. Maaga talaga 'pag first day kasi excited pero sa kalagitnaan tatamarin na kaya roon na papasok ang mga late comers. Napag-usapan namin ng mga kaibigan ko na rito nalang sa school magkita-kita kaya naman hinanap ko sila. Mahangin kaya naman nilipad ng hangin ang iilang hibla ng buhok ko na agad kong inilagay sa kaliwang tenga ko. "You're so early." Napatalon ako nang marinig ang boses ni Bryle sa tabi ko. "Nanggugulat ka naman diyan!" He chuckled. "I'm sorry. Sinong hinahanap mo? 'Yong umakbay ba sa 'yo kahapon sa simbahan?" Now, his expression turned serious. "Hindi! Ang mga kaibigan ko ang hinahanap ko," pang-aapila ko kaagad. Wow, Bryle, iyon agad? "I thought, that guy," aniya. Inirapan ko lang siya. "Anong strand mo?" tanong ko. Sabay kaming naglalakad ngayon sa hallway ng Senior High— naghahanap na sa rooms namin. Nakahawak ako sa strap ng backpack ko habang nakatingin sa kaniya. Pareho kaming tumigil sa gitna ng daan. "STEM," tipid na aniya. Nanghihinayang ako dahil akala ko HUMSS ang kinuha niya noong grade 11 pa lang. Akala ko magiging kaklase ko siya. "Ah." I fakely smiled. Napansin niya siguro 'yon kaya naman tiningnan niya ako nang mabuti. Ayan na naman ang mga mata niyang minamanipula na naman ako. "Ikaw? Anong strand ka?" he asked. "HUMSS, gusto ko kasing kunin 'yong education course 'pag college na ako." "I know. Sinabi mo rin 'yan noong mga bata pa tayo," aniya. Nagulat ako roon. Hindi ko kasi maalaang nasabi ko 'yon sa kaniya noon. Napangiti nalang ako nang mapagtantong... parang naalala niya lahat. "Hindi ko naalala—" hindi na natapos pa ang sasabihin ko sana nang may sumigaw sa likuran namin. "Hay naku! Sa hallway pa talaga maglalandian?! Maawa kayo sa mga walang jowa, mga bhie!" Isa pala sa mga batchmates ko ang sumigaw, si Leona, a joker. Nagkatinginan kami ni Bryle at sabay na natawa. They thought it wrong. It was a fine morning. Classmate ko si Liza, si Avy hindi dahil nga STEM siya. Pagkatapos ng morning class ay lunch na. Hindi ko alam kung bakit kanina pa ako pinagtitinginan ng mga classmates kong babae. Curious looks. "Liz, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko kay Liza habang nagliligpit ng gamit. Kumunot ang noo niya. "Wala naman. Ang napansin ko lang ay mas maganda ako sa 'yo. Inirapan ko siya dahil ang hangin masiyado. Kahit kailan talaga! "Hi, Via! May tanong lang sana ako," biglaang tawag sa'kin ni Isabelle. Kaklase ko siya, at tama nga siya, she was elected as a classroom president. Ako naman ang vice. "Ano 'yon?" "Boyfriend mo ba si Laxus?" tanong niya na ikinagulat ko. Nakita niya kaya kami kanina na magkasama? Umiling ako. "Hindi, friend lang. Bakit?" "Good!" She smiled. Nairita ako sa ngiti niya kaya naman inaya ko na si Liza na umalis na at 'wag nang patulan 'yon. Umamba kasi siyang patulan ito dahil ayaw niyang masaktan ang feelings ko. "Alam mo, nakakairita 'yong Isabelle na 'yon! Yabang-yabang! Lalo na kanina, tsk!" naiinis na litanya ni Liza. Tinawanan ko lang siya kahit gusto ko na rin siyang sang-ayunan at magrambulan kaming dalawa kung sino ang mas naiinis sa kaniya, pero ayoko. Ayoko, baka may makarinig pa sa amin na magdudulot ng gulo. Dumiretso na kami sa cafeteria dahil sabi ng isang classmate ni Avy na nakababa na raw siya roon sa cafeteria. May sumundo raw na lalaki. Lalaki? First time 'to, ah. Wala naman siyang nababanggit na boyfriend o manliligaw man lang sa amin. Humihikab ako nang makapasok sa cafeteria dahil inaantok talaga ako lalo na kanina sa klase. Nanlaki ang mga mata ko at parang nawala ang antok ko nang mamataan si Avy sa iisang lamesa katabi si... Klein! May nakatalikod pang dalawang lalaki na hula ko'y sila Lloyd at Bryle. "Ang daya mo, dude. Bakit ngayon mo pa lang sinabi na itong kaibigan ni Via pala ang girlfriend mo, ha?" rinig kos utas ni Lloyd na ipinagtaka ko. Ano raw? "Your relationship is more than a year now, and then now, we will witness your jaw dropping twist, Klein?" si Bryle naman ngayon ang nagsalita. Sa kuryusidad, pareho kaming lumapit ni Liza sa kanila. Girlfriend nino? Ni Klein? "Hoy, gaga! Ano 'to?" pabulong kong tanong kay Avy. Ngumisi siya. "I'm sorry if I lied na wala akong boyfriend." Napaawang ang labi ko. "Ano, kamo?" Si Liza naman ngayon. "Boyfriend ko si Klein," aniya na ikinagulat ko lalo. What the hell?! All this time?! Nakita kong tumawa sila Lloyd at Bryle sa naging reaksiyon namin. "Bakit hindi mo sinabi sa amin?" mariin kong tanong. "We wanted to keep it a secret." My life is a lie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD