Chapter 19.1

1467 Words
Via Elianna Parehong cleaners sila Avy at Liza ngayong hapon kaya naman ako lang ang mag-isang uuwi ngayon. Hihintayin ko pa dapat sila pero sabi nila baka maumay lang ako dahil matatagalan pa sila. Isang linggo na ang nakararaan mula nang malaman naming in a relationship sila Avy at Klein na one year na pala! s**t talaga. Medyo nagtampo kami ni Liza dahil pinaglihiman niya kami ng isang taon kaya nag-sorry siya at naging okay rin naman kalaunan. Nakasimangot ako habang naglalakad sa kahabaan ng hallway. Kaninang umaga pa ako badtrip dahil nakita ko si Bryle at 'yong kaklase niyang babae na si Bianca na kausap at katawanan niya kanina sa classroom nila. Nakaaway ko 'yon last year dahil sabihan ba naman ako ng below the belt na mga salita dahil lang nagseselos siya sa 'kin dahil niligawan ako ng lalaking gusto niya. Inutusan kasi ako ng adviser namin na ihatid ko raw 'yong pinirmahan niyang bond paper kanina para sa lahat ng advisers dito sa school. Hindi man lang ako nakita ni Bryle dahil busy siya kakatawa nang palihim sa joke 'ata ni Bianca. E'di sila na. Wala naman akong karapatang magalit, eh. Ang hirap ng ganito, 'yong tinatago mo lang ang nararamdaman mo kasi natatakot ka sa matatanggap mo. It's either rejection or mutual feelings. Napabuntong-hininga ako at ibinaling na lang ang atensiyon sa sunset na ang sinag ay tumatama rito sa paaralan. I smiled. Napapikit ako nang humangin. Dinama ko ito habang nililipad nito ang iilang hibla ng mahabang buhok ko. Pagkamulat pa lang ng mga mata ko ay may tila bumagsak sa harapan ko. Nagulat ako nang makita ang dilaw kong skateboard. Bakit 'to nandito?! Napalingon ako sa aking tabi. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakangising si Bryle dala-dala ang isang kulay itim na skateboard sa kanang kamay. "Your expression is asking me a question. Yes, I was the one who brought that here," sagot niya sa katanungan ng expression ko sa mukha. Bakit niya naman ginawa 'to? "Sa bahay mo kinuha?" He nodded. "Bakit naman? Anong gagawin ko riyan?" tanong ko habang ang paningin ay nasa skateboard ko. Tumaas ang isang kilay niya. "Seriously, Via? You don't know what to do with your skateboard?" Ang pilosopo! "S'yempre alam ko! What I mean is, bakit mo naman dinala 'yan dito nang biglaan? Hindi ba nagtaka sila Mommy?" Ginulo niya niya ang kaniyang buhok na mas lalong nagpatingkad sa gwapo niyang mukha. "Gusto kitang makasamang mag-skateboard. Marunong ka, right? And your Mom was not there, 'yong yaya niyo lang ang pinakuha ko." Napangiti ako roon pero bigla ring naglaho nang maalalang nagtatampo pala ako sa kaniya. Ang rupok ko, ah! "Then, let's go. Tingnan natin sinong mauuna," nakangising hamon ko. Sumakay na ako sa skateboard ko at dahan-dahan itong pinaandar— teasing him to move now. Halos lahat ng estudyante sa paligid ay nakatingin sa anin pero wala akong pakialam. I saw Isabelle's dagger looks from afar as well as her friends, ganoon din si Bianca na kulang nalang ay sabunutan niya ako ngayon. Hay, ang hirap pala maka-close at magkagusto sa gwapo. Ang daming threat. Kasalanan ko bang maganda talaga ako? I was shocked at his quick movement. Nilagpasan niya ako with his own skateboard effortlessly. Hindi pa ako nahimasmasan at gulat pa rin sa ginawa niya. He glanced at me with his usual smirk. "I can't wait to win this race. Let's go," mayabang na aniya. Dali-dali kong pinaandar ang skateboard ko kaya ngayon ay magkapantay na kami. I showed my boastful smile at nilagpasan na siya ngayon. Nakatulala kasi siya saglit sa mukha ko, and it's not being delusional dahil pansin na pansin ko. Walang tampo-tampo basta skateboarding na ang pinag-uusapan. Kailangan ko siyang talunin. Nakasuot ako ng saya kaya medyo nahirapan ako dahil nililipad ito ng hangin. Nakakahiya namang malipad ito kahit na nakasuot man ako ng mahabang short sa ilalim. Naka school shoes din ako ngayon pero ayos lang. "By the way, Via, I was just joking that it is a race! Gusto lang kitang makasabay!" I heard him shout. Nilingon ko siya at tinawanan. Nasa likod ko siya. "Bakit mo ako gustong makasabay? Bakit hindi ka na lang makipagtawanan at makipag-usap kay Bianca this time?" Hindi ko inaasahang lumabas iyon sa bibig ko kaya tinakpan ko agad ito. Jusko naman! Tunog pait pa naman 'yon! Nagulat ako nang pumantay na siya sa bilis ko at nasa kanan ko na siya ngayon. Nakangisi ito na para bang may na-achieve siya. Tsk! Eh, s'yempre napag-usapan namin 'yong babae niya. "I never thought that you're a jealous girl." He chuckled. "Anong selos? Assuming ka!" depensa ko kaagad at napaiwas pa ng tingin dahil naramdaman kong namumula ang pisngi ko. "Let's just say na ayaw ko siyang kausap. Gusto ko rito, eh," pag-iiba niya sa usapan. I can feel the butterflies inside my stomach. Wala naman 'ata 'yong kahulugan para sa kaniya 'cuz he's just doing his part as a friend of mine, pero sa'kin, malaki na ang epekto no'n. Hindi ako na lamang ako sumagot dahil ayoko talagang mag-assume. Bahala siya riyan. Pareho kaming tumigil sa tabing dagat. Kulay kahel na ang araw kaya magandang tingnan. May nakita akong mga nagtitinda ng street foods kaya naman natakam ako. Hindi ko namalayang hinila ko pala ang kamay ni Bryle papunta roon kaya huli ko nang napagtanto na nakakahiya 'yong ginawa ko! Ngumiti ako na parang natatae. "U-Uh, sorry!" Tumaas ang gilid ng kaniyang labi na parang na-a-amuse, kalaunan ay tumawa siya. Nakakahiya ka na naman, Via! "Ayos lang." Napatingin ako sa kabilang tindahan ng mga street foods dahil naalala ko 'yong time na nakita ko si Bryle roon kasama ang pamilyar na babae na 'di ko pa rin matukoy kung sino. Probably, her... ex-girlfriend. Ang gandang pumili, ah. Halatang maganda at may class. Namili na kami ng mga kakainin at bibilhin. 'Yong kwek-kwek agad ang kinuha ko at suka ang ginawa kong sauce. Ganoon din ang kay Bryle kaya naman napangiti ako nang palihim. Same favorite street food, huh? Napaisip din ako na marunong din pala siyang mag-skateboard katulad ko. "Bakit suka ang sauce mo, Via? Pwede namang ito," tanong niya habang nakaturo pa sa isang sauce ng kwek-kwek. "Gusto ko 'to, eh. Bakit? May problema ba?" Biglaan siyang napatingin sa labi ko kaya naman nailang ako. Ano namang meron sa labi ko? Does he want to... kiss me? Hindi pa ako handa pero... okay lang din naman basta smack lang sana. Hindi sana 'yong hindi halos hindi na ako makahinga. "Mas lalo kang puputla," sagot niya at inalis na ang tingin sa labi ko. Eh? Gaga ka, Via! Kung anu-anong bagay pa naman ang pumasok sa isipan ko pero 'yon pala ang sasabihin niya. Ako ang nahiya sa sarili kong pag-iisip. Napakagat ako sa pang-ibabang labi dahil ramdam ko ang panginginit ng mukha. Napanguso ako. "Ganoon ba talaga ako kaputla, Bryle?" Nandito na kami ngayon nakaupo sa isang pa-square na semento sa tabing dagat habang tinatanaw ang paglubog ng araw. May naalala tuloy akong nasabi ko sa sarili ko noon. Kung sino man ang unang lalaking makakasama ko sa pagtanaw sa paglubog ng araw ay ang lalaking gusto kong makasama habang buhay... 'yong may ganitong closeness. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami ni Bryle. Sabi niya noon na pakakasalan niya ako paglaki. Mangyayari kaya 'yon? Ayaw ko namang umasa dahil alam kong ginagawa niya lang ang mga bagay na ito dahil mabait siya... and he thinks that I am only a jealous friend. Why am I thinking about marriage when we're still in our senior high years? "Bryle... I'm not used to be called in that way, pero sasanayin ko na dahil alam kong iyon ang tawag mo sa 'kin." Napaiwas ako ng tingin para ipalabas ang tinatago kong ngiti. Parang kamatis na siguro ang mukha ko ngayon... nakalimutan kong nagtatampo pa rin ako sa kaniya. Pero... marupok nga 'ata ako. Bumibigay agad ang ngiti pagdating sa kaniya. "May lagnat ka ba? Your whole face is red," biglaang tanong niya at itinapat pa ang likod ng palad niya sa noo ko. Napapikit ako nang maramdaman ang palad niya. It feels like home by just feeling his gentle touch... I memorized it all, lalo na noong dumilat ako at mata niya agad ang sumalubong sa mga mata ko. His eyes. Manipulative eyes. It's the first time that I want to be manipulated if it's him... if it's his eyes. "W-Wala." Napatingin ako sa ulap at nakitang nagbabadya ang ulan. Hindi, parang babagsak na yata! "Bryle, uulan na yata!" natataranta kong sigaw sa kaniya. Nagulat siya dahil sumigaw ako. Napatingin din siya sa kalangitan. Bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko na siyang ikinagulat ko pero agad ding na-gets ang gusto niyang mangyari. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD