Chapter 19.2

1364 Words
Continuation... Umaambon na ngayon at malalaki ang patak ng ulan kaya alam kong magiging malakas ang ulan. Patungo kami sa malaking simbahan dito sa Sitio de Alta dahil iyon lang ang malapit na lugar na masisilungan namin. Sa simbahan na kung saan kami unang nagkita sa pangalawang pagkakataon... Sa simbahan na kung saan nangyari ang iilang interaksiyon namin. Nakakatuwa lang na sa simbahan din kami dinala ng ulan ngayon. Pagdating namin ay nagkatinginan kaming dalawa 'tsaka sabay na natawa. Pareho pa rin kasi kaming basa kahit gaano pa kalakas 'yong takbo naming dalawa. Sabay kaming napa-sign of the Cross dahil nandito kami sa sagradong lugar. Naupo kami sa usual bench na inupuan din namin noong inabutan kami ng ulan dito. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa gaya ng dati kapag nauubusan kami ng salita. Pareho lang kaming nakatulala at nakatitig sa bawat patak ng ulan. Nilingon ko siya, hindi niya ako nilingon dahil naka-focus pa rin ang mga mata niya sa ulan. Nabigyan tuloy ako ng pagkakataon na matitigan ulit ang perpekto niyang mukha na hindi siya nakatingin. Bagsak niyang itim na buhok na tumatama sa makakapal niyang kilay, singkit niyang mga mata na siyang unang nagpahulog sa akin, ang perpekto at matangos niyang ilong at ang manipis niyang labi na may kurbang perpekto. Ang gwapo. Nakaawang pa talaga ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. Puberty really hits him dahil ibang-iba pa ang mukha niya pagkabata namin. "I am melting, Via." Naputol ang titig ko sa sinabi niya. Yumuko ako dahil sa kahihiyan. "Ang gwapo mo kasing instik ka!" sabi ko at tumawa. I don't know where did I get the confidence to say those words. God! Sumabay na rin siya sa tawa kaya naman mas lalo akong nahiya. "I'm sorry for being handsome, then." Tinawanan ko lang siya kahit gusto ko na talagang ngumiwi sa sarili ko. Namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa dahil hindi na ako sumagot pero nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig siya sa akin. "Do you like someone now?" Natigilan ako sa tanong niya. Ganito kasi ang linyahan ng mga lalaking manliligaw. Assuming ka talaga! "Oo." His brows furrowed. "Sino?" "Secret! Baka makaabot pa sa kaniya 'no." Baka makaabot pa sa sarili mo... Hindi siya sumagot at nakasimangot lang ito. "Hoy! Galit ka? Eh, ikaw, meron ba? Si Bianca o si Isabelle?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "None of the choices. Yes, I like someone. I really do. I am trying to avoid her for two reasons but I just can't stop myself from walking near her. I can't..." Medyo nasaktan ako nang maisip na ang swerte naman ng babaeng 'yon kung ganoon. Yumuko nalang ako at ngumiti nang pilit. "Ang swerte niya," ani ko. Natigilan ako nang makita ang seryoso niyang titig sa akin. "Elianna! Ikaw raw representative sa section natin para sa singing contest mamayang hapon sa program!" Ito agad ang bungad ni Liza sa akin umagang-umaga pagkapasok ko pa lang sa room namin. Nutrition month program kasi ang ang gaganapin mamayang hapon at may singing contest each section. "Ano?! Ayaw ko, Liza!" gulat na gulat kong depensa dahil ayaw ko talagang mag-perform o sumali sa mga ganito sa harap ng maraming tao kahit marunong naman akong kumanta. "Si Isabelle naglista sa pangalan mo at naipasa na sa in-charge! That b***h!" Napasapo na lang ako sa aking noo dahil 'di alam ang gagawin. Alam kong 'di na mababawi 'yon dahil naipasa na pero susubukan ko! Hindi dapat niya pinapakialaman ang mga bagay na ayokong gawin. Nilapitan ko agad si Isabelle. "Isabelle, ba't mo agad nilista ang pangalan ko sa contest, eh, hindi mo naman alam kung payag ba ako?" Nairita ako nang ngumiti lang siya sa akin. Letche! Ayaw ko talaga 'pag pinapangunahan ako, eh. Sarap niyang ingudngod sa putikan. "Okay lang 'yan, Via. Magaling ka namang kumanta, 'di ba?" Kinunutan ko siya ng noo. "Kahit na! At least let me know dahil pinapangunahan mo ako!" 'Di ko na talaga napigilan ang inis ko. "Hindi kita kita pinapangunahan, Via. As a president here, you should respect and support my decision, and you as the vice president." Hindi na ako nakaapila pa nang ginamit niya ang posisyon niya rito sa classroom. Ano 'to, dictatorship? Napabuntong-hininga na lang ako nang tulong-tulong akong tirintasaan ng dalawa kong kaklase na babae para daw presentable at maganda akong tingnan. Alas dos na ng hapon at naghahanda na ang lahat para sa iba't-ibang parte ng programa. Nakasuot ako ng isang off shoulder plain yellow dress hanggang tuhod at isang flat sandal sa paa. Sinabihan din nila akong maglagay ng liptint dahil medyo maputla raw ako. Hindi ako pumayag, pero... "Ang KJ mo naman, Via! Sige na, kahit kunti lang!" pamimilit ni Mariel. Wala na akong nagawa pa kundi maglagay. Hindi na ako naglagay ng pulbos dahil masiyado nang maputi ang mukha ko. Nakapaghanda na rin ako ng kakantahin mamaya kahit biglaan. A thousand years iyon dahil memorized ko lahat ng lyrics. Pinag-practice nga ako nila kanina, they said that I'm good kaya okay na siguro. Bahala na. Basta isinusumpa ko pa rin si Isabelle. Tinawanan pa nga ako ni Avy kanina dahil 'di raw siya sanay na mag-pe-perform ako, baka raw pumiyok ako dahil naalala niya 'yong time na nagkantahan kami sa video key sa kanila. Pumiyok ako no'n kaya hiyang-hiya ako, nandoon din ang mga pinsan niya sa time na 'yon. Birthday niya kasi. "From Grade 12 Shakespeare, a HUMSS student, Via Elianna Altarejos. A round of applause, please!" masiglang anunsiyo ng emcee kaya naman sobrang bilis ng kalabog ng puso ko. Parang gusto kong umurong, pero... ito na, eh... wala na akong magagawa dahil sa lintek na Isabelle na 'yon. Kabadong-kabado na talaga pagpunta sa harap dahil ang daming estudyanteng nag-aabang na kumanta ako. Wait lang kayo, kabado pa ang ate n'yo Nagsimulang tumugtog ang tono ng A thousand years na walang kumakanta. Bago ako magsimula ay nahagip ng mga mata ko si Bryle na nakatitig sa 'kin, 'yong titig na para bang inaalam ang buong pagkatao ko sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata ko. "Heart beats fast, colors and promises, how to be brave, how could I love when I'm afraid to fall, But watching you stand alone. All of my doubt, suddenly went away somehow..." Masigabong palakpakan agad ang narinig ko nang magsimula akong kumanta. While singing those lyrics, I suddenly remember my debut party cotillion na partner ko si Bryle, ito 'yong music no'n! Naalala ko ang munting asaran namin habang sumasayaw, parang ayoko na nga'ng matapos ang araw na 'yon, eh. "One step closer..." Pagdilat ng mga mata ko ay nahagip ko agad ang mga mata ni Bryle sa malayo. Titig na titig ito sa 'kin, ganoon din ako sa kaniya. Just like the lyrics, my heart beats fast and faster, hindi sa kaba na naririto ako ngayon sa entablado, kung hindi dahil sa mga mata niya because I admit that... I am manipulated again. "I have died everyday waiting for you, darling don't be afraid, I had love you for a thousand years, I love you for a thousand more. All along I believed die will find you..." "Ang galing mo, Via!" "Woah!" "Go, Via! Go, Via! Go, Via!" "Kantahan mo rin ako!" Cheer ng mga kaklase ko. Nginitian ko silang lahat kahit kabadong-kabado ako. Ang huling nag-cheer ay si Khalil. Pansin ko ang iritadong sulyap ni Bryle sa banda ng mga kaklase ko. Sa huli kong pagkanta ng liriko ay nakita ko ang tinatagong ngiti ni Bryle habang nakahawak sa cellphone niyang pinipicturan 'ata ako. Nilakihan ko siya ng mata pero tumawa lang ito. Nakakahiya. Pero napangiti nalang ako kalaunan nang may ma-realize... Maybe... I was already falling in love with him. I just couldn't recognize it before because I thought it was just an attraction that will fade away very soon. I fell hard now that I don't know how to save myself from falling. Those ten days of novena mass was a test for me to fall in love with a sakristan like him. Childhood friend or not, alam kong nahulog ako. I fell in love with a sakristan. I am in love with Laxus Bryle Vilmonte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD