Via Elianna
"Via, can I get your number?"
Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Khalil at tinanong iyon. Nandito kami sa classroom namin ngayon. Tatlong araw na ang nakalipas mula nang naging representative ako sa aming section sa singing contest.
Khalil didn't stop bugging me again since the first day of school. Last year ko pa siyang pinaalalahanan na tigilan na ako dahil binasted ko na siya pero hindi natinag. Hindi na talaga ako natutuwa.
"Hindi pwede. Binibigay ko lang ang number ko sa mga close kong kaibigan. Can you please stop bugging me, Khalil? Tigilan mo na ako, please. Sinabihan na kita last year na tigilan ako pero ayaw mong makinig," inis na sabi ko habang nagsusulat ng notes sa isang subject na hindi ko nasulat kahapon.
I heard him sigh. "Wala na ba talaga akong pag-asa? O baka naman may boyfriend ka na kaya ayaw mong guluhin kita. Sabihin mo, boyfriend mo ba 'yong STEM student na si Laxus?"
Nagsalubong ang mga kilay ko.
"Sino bang nagpakalat niyan? Hindi kami, okay? At 'wag mong ipilit na ang dahilan ay may boyfriend ako dahil hindi 'yan ang dahilan."
"Via, calm down," rinig kong sabi ni Liza na lumapit sa akin. Nilingon ko siya at huminga nang malalim.
Naging masama ang tingin ni Khalil sa akin pero 'di ko na lang siya pinansin. Nanatili pa rin siya sa tabi ko at tinitigan ako nang mabuti kaya nailang ako at the same time nainis dahil sa paraan ng pagtitig niya. Iniwas ko na lang ang aking tingin at inabala ang sarili sa kasalukuyang ginagawa.
"Via," tawag sa akin ulit ni Liza habang kinakalabit ako. Nagtatakang tingin ang iginawad ko sa kaniya.
"Bakit?"
"Nakita ko kayo ni Laxus kahapon, ang sweet! Sana all talaga," bulong niya sa akin dahil baka maging issue na naman sa iba kung marinig nila. Nginiwian ko siya. Wow, stalker at chismosa.
"Friendly lang 'yon dahil alam niyang childhood friend niya ako. Alam mo namang masakit umasa, 'di ba?"
"Oo, alam ko 'no! 'Di ka ika-crushback n'yan, pupusta pa ako!" parang siguradong aniya habang tinataas pa ang isang kilay.
"Sige, pustahan tayo! 'Di ka rin naman crush ni Lloyd, 'di ba?" pang-aasar ko sa kaniya na naging dahilan upang mapanguso siya.
"You're so bad! Wish ko na wala kang magiging asawa soon! Charot."
Binatukan ko siya nang mahina. Grabe 'to, ayaw kong tumandang dalaga!
"I wish mo na lahat, 'wag lang 'yan! Palibhasa 'di na pinapansin ni Lloyd, eh. May ibang nagugustuhan na siguro."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ako 'yon! 'Wag kang panira riyan."
Tinawanan ko lang siya. Na-miss ko tuloy si Avy maging kaklase. Baka tinulungan na niya akong mang-asar ngayon.
"Good morning, everyone. May monthly meeting ngayon ang mga professor. Miss Alvarez met me at the hallway recently, pinahatid sa akin ang lesson plan activities for this period dito sa room ninyo. Who's the classroom secretary here? Pinapasulat ni Miss Alvarez ang specific activity rito."
Bahagya akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Naririnig ko rin ang bulong-bulungan ng mga kaklase kong babae at mga mahihinang tili.
"Elianna, bebe labs mo," biglaang bulong sa 'kin ni Liza kaya gulat akong napatingin sa harap. Bryle with his usual uniform. Naninibago pa rin talaga ako sa suot niya dahil sanay akong makita siyang naka white t-shirt at black slacks. He looks so... handsome.
Seryoso itong nag-e-explain sa harap. Pansin ko ang malamig na titig nito sa tuwing napapadako sa akin. Anong problema nito?
Napalingon ako sa kanang tabi ko at nakita si Khalil na seryosong nakatitig sa'kin, like anytime susunggaban niya ako. Ang creepy. Umiwas ako ng tingin.
"OMG, ang pogi niya talaga, sis!"
"Oo nga! Ang swerte naman ni Jianne na secretary oh, nakalapit!"
"Urgh! I'm envious!"
Halos umirap ako nang marinig ang bulungan nila Kristine sa likuran ko. No wonder na maraming nagkaka-crush kay Bryle dahil gwapo naman talaga siya, 'tsaka top of the class daw, narinig ko sa mga babaeng nag-uusap-usap na mga classmates niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya napapansin noon, eh sa parehong school lang naman kami nag-aaral pero naalala kong mailap ako sa mga lalaki noon maliban sa kaniya ngayon.
Nakatingin ako kay Jianne na kinikilig habang tinuturo ni Bryle kung alin ba sa lesson plan na dala niya ang isusulat. Mahigpit akong napahawak sa ballpen ko at halos mabutas ang papel na sinusulatan ko. Ang selosa mo, Via!
Pinunit ko ang bahagi ng notebook na nabutas at agad na naglakad patungo sa trashcan. Sakto ring natapos na si Bryle sa pagbibigay ng direction kay Jianne kaya halos magkabangga kami dahil nang pabalik na sana ako sa loob ay siya ring paglabas niya. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya dahil malapit akong matumba paatras. Gulat na gulat ko siyang tiningnan.
"U-Uh, Bryle... sorry, p-pasok na ako—" Hindi na ako natapos pa nang hinigit niya ang palapulsuhan ko at dinala ako sa unahan ng hallway na walang tao. Nanlaki ang mga mata ko.
Malamig na titig niya agad ang sumalubong sa akin. Pakurap-kurap at inosente lang akong nakatingin sa kaniya.
"Did you give your number to your seatmate?" malamig na tanong niya.
So, 'yon ang dahilan kung bakit ang lamig ng titig niya sa akin kanina hanggang ngayon? Mapait akong ngumiti. Hindi naman siguro siya nagseselos, 'di ba? I don't want to assume because I know that this is just a friendly gesture... that he's just a jealous friend.
"Kung binigay ko, ano naman sa 'yo 'yon?" diretsong tanong ko na hindi nilulubayan ang titig niya. Diniretso ko na siya dahil ayaw kong mag-assume.
Ginulo niya ang kaniyang buhok at mas lalong nagsalubong ang kilay niya, 'yong nguso niya rin, humahaba. Ano ngayon, ha? Nagagalit tapos puro mixed signals
"So, binigay mo nga?" mariing tanong niya.
Umiling ako. "Hindi. Binibigay ko lang ang number ko sa mga close friend ko."
"Then I can get your number," he surely said dahilan para lumakas ang kabog ng dibdib ko. "I'm your childhood friend, kaya pwede? Via..."
He stared at me with his manipulative eyes... na-manipula na naman ako kaya dahan-dahan akong tumango. Pwede naman siguro. I do trust him.
Ngumiti na siya ngayon kaya naman ngumiti rin ako nang dahan-dahan. Iba talaga ang epekto niya sa akin. He handed his phone to me. Namangha ako nang makita ang wallpaper niyang naka sutana at surplice sa tabi ng imahe ni Mama Mary. Nakakatuwang ma-in love sa isang maginoo. Tinipa ko agad ang numero ko at agad na ibinigay ang phone sa kaniya.
Nanginig ang kamay ko pagkabigay nito sa kanuya dahil naiilang ako sa titig niya. Para yata akong matutunaw na rito.
"Ganito ka ba sa ibang kaibigan mong babae?" I asked that question with a hint of bitterness. Ayaw ko kasing mag-conclude agad dahil wala namang kasiguraduhan. Baka ganito rin siya sa iba, 'di ba? Who knows.
"I don't have close friends that are girls, so I'm not, sa 'yo lang."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa malakas na kabog ng puso ko. Calm down, Via... this is just a friendly gesture, okay?
"Okay. P-Pasok na ako sa room, ha? Ikaw rin pasok ka na," paalam ko.
He smiled — a victory smile like he just won a contest. "Okay."
Naglakad na ako pabalik sa room. Nasimula na silang magsagot sa isinulat ni Jianne sa board kaya dali-dali kong kinuha sa bag ang kakailanganin.
"Oh, well, mag-de-deny pa ba 'tong si Via na hindi niya boyfriend si Laxus? Kasi sa galawan nila, wala na 'atang mai-de-deny pa," sarkastikong sabi ni Isabelle ang makaupo na ako sa upuan ko.
Napapikit ako sa inis at pinigilan ang sariling labanan siya. Ayoko kasi ng gulo. Palagi kong tinatago sa sarili ko ang inis at galit ko sa isang tao dahil ayaw kong sinasabihan ako ng sunod-sunod na mga masasakit na salita dahil alam kong mag-br-breakdown agad ako dahil mahina ako sa mga ganoon.
I can't fight with my words, and I know that I can't win an argument. Nevertheless I know one thing to do for me to win without arguing back... it is to be silent. We can win without saying anything.
To be Continued...