Chapter 20.2

1243 Words
Continuation... "Girl, famous ka na kina Isabelle b***h!" bulong sa akin ni Liza pero 'di ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagsasagot. Nang matapos ang morning period ay agad ko nang niligpit ang mga gamit ko pero nabigla ako nang may humawak sa dalawang balikat ko. Si Khalil na halatang naka-plastar sa mukha ang galit. "A-Anong problema mo, Khalil? Nasasaktan ako!" giit ko dahil sa sakit ng pagkakahawak niya. He loosened up his touch a bit when he saw my reaction. "Binigay mo kay Laxus ang number mo pero sa kin, hindi? You're so unfair, Via!" Gulat akong napatingin sa kaniya. Nakinig din siya sa usapan namin kanina? He's really a stalker! "I'm not," saad ko. "He's my childhood friend, Khalil. Ang sabi ko sa 'yo kanina, binibigay ko lang sa mga kaibiga't ka-close ko ang number ko. I'm sorry." "Close friend, huh? Tsk," he said while gritting his teeth before turning his back. Hindi ko talaga siya maintindihan. I don't know why he still has the urge to bug me kahit na malinaw naman na sa kaniyang binasted ko talaga siya last year. Natatakot akong magiging grabe 'yang obsession niya, ewan ko na lang. "Hindi ka pa rin ba talaga tinitigilan ni Khalil, Eli?" pambungad na tanong ni Avy nang magsimula kaming kumain sa cafeteria. Kahit kasi hindi namin siya kaklase ay sabay-sabay pa rin kami. May schedule rin naman siya, bukas kasi sila Klein naman ang sabay mag-lunch. "Hindi pa rin talaga," umiiling na sagot ko habang nginunguya ang pagkain ko. "Hindi ko nga alam kung anong nakain o pinakain sa kaniya na hanggang ngayo'y umaasa pa rin sa akin kahit sinabihan ko na last year in a good way na wala talaga siyang pag-asa." "Girl, alam mo kung magkano ang gayuma?" Napangiwi ako sa itinanong ni Liza. "Hindi, bakit?" "Baka kasi afford mo 'tsaka ginayuma mo si Khalil!" Sabay na nagtawanan ang dalawa kaya naman una kong binatukan si Liza, sunod naman si Avy. "Gaga! Anong akala n'yo sa'kin?! Patay na patay sa kaniya? Eh, wala nga akong ni katiting na nararamdaman para sa kaniya," buong pusong depensa ko. Tinawanan lang ako nilang dalawa. Aba! Nagkibit-balikat si Avy. "Malay lang namin, eh." "Wala kang gusto kay Khalil kasi kay Bryle mo lang kuno?" Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Liza. Tangina 'tong babaeng 'to! Ang lakas ng boses jusko. Kita kong napalingon ang ilan sa mga estudyanteng malapit sa table namin. Tinakpan ko agad ang bibig niya dahil sa kaingayan. Nilakihan ko siya ng mata pero humagalpak lang ito ng tawa. "'Wag ka nga'ng maingay!" "May progression na ba relationship n'yo ng Bryle mo?" Sumunod naman ngayon sa kalokohan ni Liza si Avy. "Isa ka pa!" Pareho ko silang sinamaan ng tingin. "You know, Via, kilala ko na 'yang Bryle mo. Last year pa 'yan nag-transfer dito kasi raw galing ibang school 'yan sa Santa Dalia. Wala ka lang talagang paki noon sa mga lalaki kaya 'di mo siya kilala." Pareho lang kaming nakinig ni Liza sa kwento ni Avy. Sabay kaming tumayong tatlo nang matapos kaming kumain. Napatingin ako sa banda ng table nila ni Bryle at ng mga kaibigan niya. Napangiti ako nang kaunti nang tumawa siya pero nahagip nito ang tingin ko kaya iniwas ko agad sa kaniya ang tingin ko. Kumunot ang noo ko nang makitang may kasama na silang isang babae sa table nila. Natatawa pang kinausap ng babaeng iyon si Bryle while squeezing his left arm, tsumatsansing. "Kung makakapatay lang ang tingin, kanina pa sila nakahandusay riyan, Elianna," natatawang sabi ni Avy at hinigit na ako palayo roon. Nakita kong napasulyap pa sa akin si Bryle. Hindi ko mabasa ang reaksiyon niya. "Shut up, Avy." "Umamin ka na kasi! Ang hirap magka-crush sa isang sakristan 'no? Relate ako, e! Buti pa 'tong si Avy, nakabingwit na pala last year. 'Di man lang nagsabi. Sana all!" Kinurot agad ni Avy sa tagiliran si Liza. Ang ingay ba naman ng bibig. "Have you heard the rumors? Nag-confess daw 'yong si Zairah kay Laxus, 'yong top student din na classmate niya, and guess what? Ang sabi sa nakakita, Laxus smiled at her so maybe, that means na-crush back 'yon?" I heard someone said that from the group of the students here in the hallway of senior high. "Oo nga raw sabi ni Janna! But does that mean ba agad na crush din siya?" "O baka naman, hindi talaga?! He rejected her with a smile para ma-sugarcoat 'yong words?" "I dunno, baka nga in love pa rin 'yan sa ex niyang si ate Elaina na grade 12 rito dati, eh, dahil 'di pa rin nagkaka-girlfriend until now!" "Ah, basta! Hanap nalang ako ng ibang crush na sakristan the same as him na gwapo at maginoo! Ack, nakakakilig kaya 'yon! 'Di ba, Akisha?" Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko sa narinig. Mutual lang ba sila ng feelings ni Zairah? Or... he's still in love with his ex na misteryoso pa rin para sa akin? Hindi ko alam. Sumapit ulit ang Linggo, si Akemi naman ngayon ang kasama ko na nakapansin 'ata sa balisang mukha ko. After that day— realizing some things that either he likes Zairah too or he's still in love with his ex, ay inilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Iniisip kong those gestures that he had shown to me were just normal and friendly gestures for him, knowing that I was his childhood friend back then. Iyong interaksiyon namin sa simbahan bago pa man namin malaman ang katotohanan ay walang kahulugan 'yon para sa kaniya, 'yan ang iniisip ko dahil ayaw kong umasa. Iyong pagpayong niya sa akin noong naabutan ako ng ulan sa seaside ay nagpapahayag lang 'yong mabait siya. He's a sakristan, isa sa mga alagad ng simbahan, no wonder na mabait siya. 'Yong sa debut ko, where he joked that he is jealous to Khalil, wala lang din 'yon. He was just a jealous friend dahil na rin sa matagal naming pagkakalayo. Sa mga araw na iniiwasan ko siya, there's a hallow space in my heart. I miss him. Alam kong nakapansin na rin siya dahil sa tuwing lumalapit siya sa'kin, kumukunot ang noo niya na para bang may ideyang nahihinuha sa isip niya kapag nagsasabi ako ng excuses. Sinasakyan lang din ako ng mga kaibigan ko dahil alam nila ang nararamdaman ko ngayon. I also told them about our close interactions back then when we still don't know that we're childhood friend. May text siya sa akin pero 'di ko ni-reply-an. Bryle: Are you avoiding me? I still can hear Liza and Avy's voices. "Baka naman noong una pa lang, gusto ka na niya but he's just torpe to confess! Base sa kwento mong interactions niyo noon, parang in-denial lang siya though sinabi niya sa 'yong he still loves his ex a bit, parang ikaw na sa time na 'yon. You know, feelings fade anytime as we meet different people." "Liza's right, Eli. May isip din pala ang isang 'to! Anyway, it's up to you kung magka-confess ka ba o hindi, it's either rejection or the same feelings that you would surely get. Just remember na nandito lang kami, paiiyakin ka lalo. Kidding." I hope Liza's words are right. I really hope so. At least, for the first time naranasan ko ang ganito, ang mahulog... at magmahal. Dati hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kapag in love, ngayon lang... ganito pala 'yon. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD