Continuation...
"Ate, okay ka lang?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Akemi. Concern is evident in her eyes pero kalauna'y naging maloko.
"Broken ka 'no? Sus, 'lam ko na mga galawang ganiyan! Grade 7 pa lang kami ng mga tropa ko no'n, itong si Bella, iyak-iyak dahil hiniwalayan ng jowa na para bang end of the world na 'tsaka di naman nakagawa ng assignment!" pagtukoy niya sa kaibigan niya. Aba, nama-mlastik.
"Akemi, nasa simbahan ka! Ikaw ha, kaibigan mo 'yon tas ganiyan ka, 'wag mo na ulit sabihin 'yan lalo na't nasa simbahan ka," sermon ko. Halos matawa ako nang makitang nanlalaki ang singkit niyang mga mata.
"H-Hindi naman, Ate. Natural lang naman sa amin ang mag-gantuhan ng kaibigan ko, eh," mahinang aniya habang nakanguso. Nag-puppy eyes pa, 'di naman bagay. Tinawanan ko lang siya at kinurot ang pisngi.
Nang magsimula ang misa ay binalik ko agad sa pagiging walang reaksiyon ang mukha ko habang nakatingin sa harap. Kumalabog ang puso ko nang makita si Bryle na seryosong nakatitig sa gawi ko. Nararamdaman ko iyon pero hindi ko siya nilingon. Kaya ako nagkakagusto sa isang sakristan, dahil hindi nag-fo-focus sa sinasabi ni Father, eh.
Nang naramdamang hindi na siya nakatitig ay ako naman ngayon ang lumingon. Marupok, eh. Isa-isa ko na namang tiningnan ang mga perpektong parte ng kaniyang mukha at nagtatagal iyon sa kaniyang mga mata... ang mga mata niyang una kong minahal.
Dahil sa pagfo-focus ko sa mata niya, hindi ko namalayang tumingin na rin pala siya ulit sa gawi ko! Tumaas ang isang kilay niya at nakitaan ko rin ng kaunting ngiti ang kaniyang labi.
Ayon tuloy, pagkatapos ng misa ay nakayuko lang ako all the time dahil sa kahihiyan nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya. Baka iniisip na niyang mukha akong asong naglalaway.
Dahil medyo siksikan, nakabangga ko tuloy sa gilid ang isang sakristan dito sa Sitio namin kaya humingi agad ako ng sorry.
"Via!" Napapikit ako sa inis dahil sa tawag na 'yon ni Lloyd.
Nakakainis talaga! Bakit ngayon pa?!
Nilingon ko ito. "B-Bakit?" kinakabahan kong tanong nang masalubong ang titig ni Bryle sa tabi ni Lloyd.
"Wala lang! Hehehe," parang tangang sagot ni Lloyd at napa-peace sign pa ang loko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nakakatulong!
Humakbang na ako patalikod dahil nga gusto kong iwasan si Bryle, pero napatigil ako nang marinig ang pag-uusap nilang dalawa.
"Tara na, dude!"
"Susunod ako. I'll just fix some things," malamig na sagot nito sa kaibigan. Kumalabog naman ang dibdib ko nang marinig 'yon.
Wala nang masiyadong tao dahil umuwi na. Hindi ko na rin nahagilap si Akemi, hindi ko alam kung bakit dahil bigla na lang siyang nawala sa tabi ko dahil sa dami ng tao kanina. Dali-dali na akong naglakad patungo sa right side ng simbahan dahil ayaw ko siyang makasalubong sa center.
Nakarinig ako ng yapak sa likuran kaya naman binilisan ko ang lakad ko. Alam kong siya 'yon, nararamdaman ko. Malaki ang simbahan kaya matagal akong makakarating nito sa small gate rito sa right side, nasa harapan kasi ang malaking gate... ayaw ko roon dahil makikita niya ako.
Bago pa ako makarating sa maliit na gate ay naramdaman ko na ang paghigit ng taong iniiwasan ko sa palapulsuhan ko at tagumpay niya akong naiharap sa kaniya. Seryoso at malamig na titig niya agad ang sumalubong sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagpanggap na interesado sa mga punong tiningnan sa likuran niya. Ilang dahon kaya meron ang isang puno?
Nagulat ako nang hawakan niya ang baba ko at agad na iniharap sa kaniya. s**t, para akong isang kriminal na ayaw tingnan ang mata ng prosecutor.
"Iniiwasan mo ba ako, Via?" malamig na tanong niya kaya naman napalunok ako.
Umiling ako agad. "S-Syempre, hindi! Ano ka ba..." I faked a laugh.
"Stop fooling me. You can't fool me." Mas lalo pa siyang naging seryoso.
"A-Ah, hahanapin ko pa p-pala
ang k-kapatid ko, baka nasaan na 'yon," palusot ko pero mas lalo lang akong napalunok nang makitang hindi man lang nagbago ang ekspresiyon niya.
"Stop excusing. I saw your sister with her friends earlier. Now, you will answer me or else..."
Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay bigla akong nakawala sa hawak niya at tatakbo na sana pero nanlaki ang mga mata ko nang...
Binuhat niya ako! Pang bridal style!
"H-Hoy, ibaba mo ako!" natataranta kong sabi. Mabuti na lang at walang nakakita sa amin.
"No way. Mag-uusap tayo!" suplado niyang tugon. Mabuti na lang at naka-jeans ako ngayon at hindi naka-saya o dress.
Inakyat niya 'yong hagdanan bitbit ako rito sa right side, patungo ito sa rooftop ng simbahan. Nagpumiglas ako pero wala akong magawa dahil malakas siya at maliit lang din ako kompara sa kaniya.
"Laxus Bryle! Ibaba mo ako sabi, eh! Mabigat ako!" nagmamakaawang sigaw ko dahil hindi siya natitinag sa pagpupumiglas ko. Mabuti na lang talaga at wala nang tao banda rito kundi panibagong issue na naman.
"You're not heavy. Given to your petite body, sobrang gaan mo lang," nakangising aniya. Nakakainis 'tong sakristan na 'to!
"Aba, nanlalait ka pa riyan, ah!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Truth really hurts. I'm just saying again the truth." He chuckled. At least... he's now laughing.
Sa wakas ay nakawala na ako! Pinakawalan na ako, eh.
"Truth mo mukha mo!" sigaw ko sabay suntok nang mahina sa tiyan niya. Napa 'ouch' pa ito kahit mahina lang naman. Ang OA.
Napansin ko ang bigla niyang pagtahimik. Bumalik din sa pagiging seryoso ang mukha niya, pero... nakanguso na ito. Ang cute, ah.
"Hoy." I nudged his elbow.
"I forgot that I'm upset, ba't ako tumatawa?"
Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Napansin ko nga 'yon. Ayan, tawa pa!
"Ewan ko sa 'yo, hindi naman ako ikaw." I rolled my eyes.
Napatingin ako sa baba ng rooftop at namangha nang makitang ang layo pala namin sa baba, so it means mataas iyong inakyat namin? Hindi pa ako nakakaakyat dito kailanman dahil diretsong uwi naman kami noon pagkatapos ng misa.
Matatanaw rito ang dagat at ang mga mahihinang hampas ng alon nitong dinig na dinig pa rin hanggang dito ang tunog ng paghampas. Kita rin ang mga kabahayan dito sa Santa Dalia. Hindi masiyadong masakit sa balat ang sinag ng araw, pero kitang-kita sa ulap ang nagbabadyang ulan.
Patay! Wala pa naman akong dalang payong 'tsaka 'di ko napaghandaan ang pagkarga sa'kin nitong sakristang ito!
I saw him typing something on his phone. Bakit niya naman ako dinala rito? Ano naman sa kaniya kung iniiwasan ko siya? Right, we're friends... friends shouldn't avoid each other.
Abot abot ang tahip ng puso ko nang bigla siyang tumingin ulit sa akin nang seryoso at inangkin niya ang distansiyang namamagitan sa amin.
"W-What? B-Baka hinahanap na nga nila ako Mommy-"
"I already texted your mother. Now tell me, why are you avoiding me?"
Halos matunaw ako sa seryoso at lamig ng titig niya. He looks more... attracted when he's like this! You still have the guts to praise him when you are already caught in the act, Via?
Hindi ko pa siya nakikitang ganito sa akin...
I looked away. "I'm not avoiding you."
Sarkastiko siyang tumawa. "Talaga? I'm not stupid not to notice your treatment to me these past few days. So, I'll be straight to the point, why are you avoiding me?"
Right, he's not dumb or stupid because he's smart. Maybe... it's time to confess? I don't care about the rejection that I would surely get later... Gusto ko lang talaga ipalabas 'tong nararamdaman ko sa kaniya for the past months at hanggang ngayon. Baka ito na rin 'yong time? I don't know how to make excuses now anymore dahil ang alam ko lang, blanko ang utak ko ngayon.
Tumikhim ako, tinatapalan ang kabang nararamdaman. He's looking at me intently like he is really waiting for my answer.
You can do it, Via! Ito na talaga? Sure na? Wala nang atrasan?
"D-Dahil..."
"Dahil?" His brows furrowed, naghihintay sa sasabihin ko.
Napapikit ako. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Never have I thought to feel nervous like this.
"I k-know that what I'm gonna say will force you to avoid me, dahil... ahm, basta tatanggapin ko naman. I just want to burst it all." Naiiyak ako nang sabihin iyon. Wala pa nga ako sa kalahati, parang sasabog na ako!
God, help me.
Tinitigan lang niya ako at hindi siya nagsalita.
Bahala na...