Laxus Bryle
It was the first time that I saw her like this. Tensed and nervous. I don't know what's her reason. She's unreadable, but right now, I can sense and feel it... I just don't want to assume. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan at masaya ako sa kung ano mang sasabihin niya.
I admit it... I just woke up one day having feelings for her. I don't know. I really tried to avoid her because someone might get hurt. It's wrong, dahil alam kong balang araw ay magkakagulo.
But she's the war that I'm willing to enter and fight to stop the chaos.
"Since the very first time I saw you, cupid hits me unexpectedly. Ikaw pa lang ang unang lalaking nakakuha ng atensiyon ko, perhaps it's because I've already known you ever since before but I can't just remember. I admire every thing that you do. Watching you serving at the altar like you're serving God... napapangiti ako. I..." nakayukong aniya, nahihiya.
I am listening intently and served her words like a sublime music to my ears. God, Laxus! I promised to myself before that I won't like another girl again. But here I am, treasuring this moment... her confession that I want to be treasured at this moment. I bit my lower lip to avoid myself from smiling. I am in love again.
Via, how can you do this to me?
Humawak ako sa railings habang nakatitig pa rin sa kaniya. I really want to treasure this moment... but I remembered my passion, I promised before that I wouldn't like another girl again, pero bakit ganito?
"—like you, Bryle." There, she said it. I really love how she uttered my second name... it brings a new feeling.
"After this confession, you can avoid me or whatever dahil baka tingin mo, masisira ang friendship natin... and uh, I know that those gestures you had shown to me back then ay walang kahulugan 'yon sa'yo. You're just being friendly, right? So, I won't assume anymore... I know, you don't feel the same. Bye, Bryle."
Nagmamadali siyang maglakad pero agaran kong hinigit ang palapulsuhan niya at siya naman ngayon ang nasa puwesto ko kanina na nasa kaliwa, at ako naman ngayon ang nasa puwesto niya kanina.
"'Wag mo akong takasan. Hindi mo pa nga naririnig ang sagot ko, aalis ka na?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero agad ding nabalik sa dati ang malungkot na reaksiyon.
Those widened eyes which I used to laugh, but learned to love.
"Ano bang sagot mo? Baka parehas lang, eh! No thanks. Ayokong ma-reject na galing sa 'yo ang mga salita. Mas mabuti pang ako na lang mismo ang magsabi sa sarili ko," nakasimangot na aniya.
I chuckled. Advance?
"How can you convince yourself without hearing a real answer from me?"
Her gloomy eyes earlier scream innocence now. "Bakit? Ano ba ang totoo?"
Tumawa ako.
"Ayaw ko nang i-speech pa ang sagot ko because I always want to be straight to the point. I like you too, Via. And if you think I will avoid you just because of that, then think again," seryoso kong saad. I mean it.
Her eyes widened a bit, umawang din ang labi niya. Tumalikod siya na para bang pinapakalma ang sarili pagkatapos ay humarap sa akin.
"Joke lang ba 'yan? Kung oo, hindi ako tumatanggap ng biro."
I groaned in frustration but at the same time I chuckled. Mukha ba akong joker?
"Do you think I'd waste my precious time in throwing a joke, Via? Just like the previous things that we had talked about, I'm just saying the truth again."
Tinaas niya ang kamay niya, sumusuko. Buti na lang talaga. Hindi naman ako ganito noon, ngayon lang talaga.
"Okay! Okay! So, bakit ako?" Her mood lightened up now, sumigla na ulit ang boses. That... that's what I like. Napaupo siya sa baba kaya tumabi ako sa kaniya.
"I don't know. I don't want you to think na dahil childhood friend kita, hindi ganoon 'yon, okay? Wala rin akong mahagilap na rason. I just woke up one day that... it's you now," mahina kong pag-amin dahil ramdam ko ang pamumula ng tenga ko. Damn... I didn't expect myself to be like this. Kung ikokompara, hindi naman ako ganito kay Elaina noon.
"Uy, namumula!" she teased me at mas lalo pang lumaki ang ngiti.
Tinitigan ko ang maganda niyang ngiti. Angelic face and a jolly attitude, perhaps those werr also part of my unreadable reasons why I like her but it's not the main reason. I don't really care about the looks. Kung kanino ako mahuhulog, doon ako. She's also a church girl, pasok na rin sa standard at type ko.
Napaismid ako. "Ikaw nga 'tong pulang-pula, ikaw naman yata 'yong baliw na baliw sa akin, ah?"
Umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi kong iyon. Halata naman talaga 'yon. Based on her confession earlier, the first time she saw me, cupid hits her. Ang unang kita namin sa pangalawang pagkakataon ay 'yong muntik na siyang masagasaan but still remained calm. Titig na titig siya sa 'kin no'n na para akong kinikilatis sa isang titigan lang. I chuckled when I remembered that day.
"Alam mo, you're so full of yourself!" aniya sabay batok sa akin.
I just chuckled again.
"There's nothing wrong in being honest, Via." Sa sinabi kong 'yon ay natawa na lang din siya.
We shared and reminisced those moments that we're still strangers at hanggang sa magkaroon ng interaksiyon. We didn't notice the time, not until someone's footsteps echoed from the stairs. I was shocked when I saw Lloyd and Klein smirking at us.
"Uy, sinong kinakausap mo, Via? Wala namang tao riyan, ah?" Lloyd joked which made me frown.
"'Yong railings, Lloyd!" sarkastikong pasigaw na sagot ni Via at tumayo na, pero ramdam ko ang pagkailang niya.
"Witwiw, loverboy, nandito ka lang pala, palihim na lumalandi!" pang-aasar ni Klein. Tumayo ako at itinaboy na silang dalawa. Hindi sila nakakatulong! I am also shy knowing that I was in denial back then but here I am, having a conversation with Via here in the rooftop!
"Mabuti nga 'yan, Via! Magmahal ka ng sakristan dahil hindi ka sasaktan. Loyal kami!" pahabol pa ni Lloyd bago siya hinila ni Klein pababa na tumatawa.
"Hoy, dude! Hindi ka kumain, ah? Busog na ba sa pagmamahal?" Napasapo na lang ako sa noo ko nang marinig ulit ang pahabol ni Lloyd. Damn this friend!
Nilingon ko si Via na natatawa lang. I don't know but I just found myself smiling like an idiot after I witnessed how she smiled.
"Hindi ko namalayan ang oras. Gutom ka na ba?" tanong niya.
Umiling ako. Napahawak ako sa tiyan ko at tumunog iyon. Natatawa niya akong tinuro. Sinimangutan ko siya, pero kalaunan din ay tumunog ang tiyan niya kaya siya naman ngayon ang tinawanan ko. We ended up laughing together.
Sabay rin kaming bumaba. Nagtataka pa ako nang makita siyang nagmamadali. Natawa ako nang sinabi niyang baka buhatin ko na naman daw siya. As if. I can remember saying these words before, na as if I would like someone else again but I failed.
Momentarily, I don't wanna make a move. I just want us to stay like this for now. Ayoko siyang biglain dahil sabi niya'y hindi pa siya nakakaranas magka-boyfriend.
I pouted to stop myself from smiling while thinking about the word boyfriend and even... girlfriend.
Via Elianna's POV
Pakiramdam ko, para akong lumulutang sa hangin nang sabihin niyang gusto niya rin ako. Wait, totoo ba 'to?! Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi talaga ako makalma! Gusto kong sumigaw sa kilig at saya matapos kaming magpaalam sa isa't-isa pagkatapos naming bumaba galing rooftop.
So those days that I avoided him just went into futility?! Pero okay na rin, at least na-crushback ako.
Pero... totoo ba talaga? Am I not dreaming? Baka isa lang 'to sa mga naging panaginip ko tungkol sa amin tapos biglang magigising dahil tatapunan ako ng unan ni Akemi?!
"Akemi, pakurot nga," pabungad kong utos kay Akemi na nasa sala na nag-c-cellphone, ini-stalk na naman ang crush niya, pagdating ko sa bahay.
Nakatulala lang ako sa kawalan dahil hanggang ngayo'y 'di pa rin nag-sink in sa 'kin ang lahat. Did he just say earlier that he likes me too?! Mababaliw na nga siguro ako. Tumili ako nang pagkalakas-lakas dahilan para makaramdam ako ng isang unan na natapon sa 'kin!
"Jusko naman, Ate! Ang ingay-ingay mo! Kinurot na kita, ah, pero wala kang response tapos bigla kang titili nang ganoon kalakas! Tapos 'di pa kita nakasabay kanina, saan ka ba galing?! 'Wag mong sabihing nahawaan ka na ng baliw? Hay naku, shoooo!"
Natauhan ako dahil sa sunod-sunod na sigaw na iyon ni Akemi. Wow naman, paano ako makakapagsalita niyan?
"Hoy, Akemi! Hindi ako baliw, sa kaniya lang baliw na baliw!"
Ngumiwi ito. "Yuck, Ate. Kailan ka pa natuto niyan? Wala ka namang jowa, 'di ba? Don't tell me, b-in-oyfriend mo na si Kuya Laxus tapos pinilit mo—"
"Hoy, bruha! Hindi! Hindi ako ganoon. Pakurot nga ulit, feel ko nananaginip lang ako, eh!" sigaw ko. Para na kaming mga tanga na nagsisigawan dito. Napatingin tuloy sa amin ang mga kasambahay, ang iba ay natatawa.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong kinurot sa braso na pagkalakas-lakas kaya naman napasigaw ako sa sakit. Piste.
"Oh, ayan! Hindi na panaginip 'yan, Ate, ah!"
Sinamaan ko siya ng tingin pero dahil good mood ako ngayon, tinusok-tusok ko ang tagiliran niya, kaliwa't kanan. It's revenge time! Napahalakhak ako nang makita siyang halos mamatay na kakatawa at kakagulong sa sahig dahil sa kiliti.
"Masaya lang ako kasi c-in-rushback niya na ako, Akemi!" masayang ani ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Nakanguso na siya nang mahaba ngayon.
"Sus! Ilusyon pa, Ate!"
"Ba't ayaw mo maniwala? Inggit ka kasi 'di ka pinapansin ni Zachary!"
"Ba't mo dinadamay si Zachary laloves ko? Sure ka ba talaga riyan? Sana 'di na lang kita kinurot para malulong ka pa sa panaginip mo."
Tinawanan ko lang siya. Hindi ko alam kung kailan magwawakas ang kasiyahang 'to. Gusto ko lang i-treasure dahil baka dumating ang araw na mapapawi ito ng lungkot.
Dahil sabi nga nila, ang kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.
To be Continued...