Continuation...
"Are you sure about that, Eli?" tanong ni Avy.
Kinuwento ko sa kanila ang usapan namin ni Bryle kanina sa rooftop ng simbahan maliban sa binuhat ako ni Bryle dahil baka asarin lang ako ng mga 'to. Nandito sila ngayon sa bahay namin, mag-go-group study kasi kami for recitation bukas sa specialized subject na Politics sa aming dalawa ni Liza. Si Avy naman, may recitation din daw sila bukas sa isang specialized subject nila sa STEM.
"Baka ilusyon lang 'yan, ha?" Si Liza naman ngayon.
Tamad ko silang tinapunan ng tingin. Hindi ba talaga kapani-paniwala basta ako ang nagsasabi?
Nagkuwentuhan muna kami dahil pare-parehong sumakit ang ulo namin sa binasa.
"Wala ba kayong tiwala sa 'kin?" nakanguso kong tanong. Pare-pareho silang naghagalpakan ng tawa.
"Nag-drama ka pa these past few days tapos sasabihin mo sa amin 'yan? Sure ka ba talaga?"
Inirapan ko si Avy. "'Di nga rin ako makapaniwala, eh. Akala ko rejection ang makukuha ko kasi 'yon ang halos natatanggap ng girl classmates natin sa mga crush nila... at akala ko rin friendly gestures lang 'yong ginagawa niya."
"'Yan nga sinabi ko sa'yo, eh. Masiyado kang nag-overthink gaga ka tapos gusto ka rin pala! Oh, 'di ba, tama ako?" mayabang na ani Liza.
Ngumisi lang ako. Nagulat ako nang sabay nila akong niyugyog sa balikat. Si Liza nga ay napatili pa kaya bigla akong napatakip sa magkabilang tenga ko.
"Ayan, napaniwala mo na kami!" natatawang saad pa ni Avy.
"Mga gaga! Tama na nga! Parang mas kinilig pa kayo sa love life ko, ah. Ikaw, Avy, kumusta na kayo ni Klein?" Ngumisi siya. Ang landi!
"Okay naman. Ikaw, Liza? C-in-rushback ka na ba?"
Liza shrugged. "Hindi pa, wala pa akong planong umamin. 'Wag kayong mag-alala, mas magaling pa akong umamin kaysa kay Via! Kay Via kasi, laos na 'yon!"
Kiniliti ko siya sa tagiliran niya dahil sa sinabi niya. Laos daw?! Hirap na hirap nga akong sabihin 'yon 'tsaka 'di rin ako nakapag-ready, 'no! Wala iyon sa plano dahil bigla na lang akong binuhat ni Bryle.
"Tingnan natin. Pero mas malupit pa rin talaga 'yong kay Avy, 'di ba, Liz? Tinago ba naman sa atin nang isang taon! Ang lupit magtago."
Kung noong unang pagkaalam pa lang namin sa relasyon nila Klein ay guilty pang tumatawa si Avy, ngayon naman halos 'di na makahinga sa kakatawa tapos inaasar pa kaming dalawa. Kesyo, bilib daw siya sa sarili niya dahil ang galing niyang magtago.
"E'di ikaw na, Avyara! Koronahan pa kita riyan, eh!" si Liza sabay irap.
Tumawa lang si Avy. "Where's my crown? Kailangang sosyal, ha?"
Nagtawanan lang kami. Halos nakalimutan naming may inaral pala kami. Kapag talaga kami ang magkakasama, wala kaming napag-aaralan dahil puro chika ang pinag-uusapan. Tinatamad na tuloy ako. Nagpatuloy ulit kami sa pag-aaral hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong nag-text. Si Bryle.
Bryle:
Nag-group study kayo ngayon ng mga kaibigan mo?
Nagtipa agad ako ng i-re-reply.
Ako:
Oo. Paano mo nalaman?
Bryle:
I'm with Zachary now. Nasa bahay ako ng pinsan ni Avy malapit sa inyo.
Nanlaki ang mga mata ko. STEM student din kasi si Zachary at baka may pinag-usapan din sila tungkol sa klase nila, I don't want to assume na dahil sa'kin, 'no. Napatawa ako sa sariling naisip. Kanina pa rin nagpapalitan ng tunog ang cellphone namin ni Avy. Ka-text niya rin siguro si Klein.
"Ano ba 'yan! Ang iingay ng mga cellphone n'yo! Nang-iinggit 'ata kayo dahil wala akong ka-text!" reklamo ni Liza.
"Hindi, Liza. Siya nga unang nag-text!" natatawang sagot ko.
"Hay naku, mga Ate! Mga tirador kayo ng sakristan, ah!" Narinig naming sigaw ni Akemi nang bumaba ito galing kwarto niya.
Naningkit ang mga mata ko. "Hoy, saan mo natutunan 'yan?"
"Hehehe, sa akin lang po," aniya sabay peace sign.
'Di ko na siya pinansin at tiningnan na lang ang mga kaibigan kong tumatawa ngayon sa sinabi ni Akemi. Hanep! Halatang inaamin.
Alam na rin kasi ni Akemi na sakristan ang boyfriend ni Avy dahil kinuwento ko sa kaniya one time. Close naman talaga kaming magkakapatid, mga topakin lang minsan. Na-mi-miss ko na nga si Astrid, eh. Tumatawag naman siya minsan, nag-aagawan pa nga kami ni Akemi ng cellphone.
Sabi ni Akemi, kailangang siya raw ang mauuna dahil magkamukha raw sila ni Astrid, ako hindi. Tapos sinabi ko naman ang magic question na 'sino ang ate sa ating dalawa?' Kaya nagpaparaya siya.
"Aminado, ah!"
Tumunog ulit ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.
Bryle:
Pupunta kami.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ako:
Bakit kayo pupunta rito?
Bryle:
Bawal ba? We can just stay here if you won't let us.
Ay, ang suplado, ah.
Ako:
No! Nagtatanong lang, eh. Bakit nga?
Bryle:
I want to see you. Si Zachary rin, he wants to see someone right in your house. Pwede?
Kumabog ang puso ko. He wants to see me? Napangiti ako... Nagtaka rin ako kung sino ang tinutukoy niyang gustong makita ni Zachary rito. Something's fishy.
Ako:
P-Pwede naman.
Wow, nautal pa talaga sa text? Pwede ba 'yon?
Bryle:
Pwede pa lang mautal sa text? I wanna try too haha. I can imagine your face, stuttering while saying those words.
Namula ang pisnge ko sa kahihiyan. Sabi na, e. Mapapansin niya talaga.
"Hoy, kayong dalawa! Aral muna bago landi, mga beshy!" Napatakip ako sa tenga ko, pati na rin si Avy nang marinig ang sigaw ni Liza.
"Pakyu, Liza!"
Ilang sandali pa'y biglang bumukas ang pintuan lulan si Bryle at si Zachary. Ang mga mata ni Bryle ay napunta agad sa akin. Nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa. Zachary with his usual cold eyes, naghahanap ang kaniyang mga mata. Napangisi ako nang magkaroon ng ideya sa isip.
Nagulat sila Avy at Liza nang makita ang presensiya ng dalawa. Nang-aakusang mga mata ang inabot ko kay Liza. Wow, ako agad?
"Uh, uy, Laxus, Zach! Nandito pala kayo," nabiglang saad ni Avy.
"Yeah. May itatanong lang sana kami about sa recitation bukas sa 'yo, Avy." Si Bryle ang sumagot dahil parang bato lang na nakatayo ang katabi niya.
"Upo kayo," paanyaya ko sa kanila sabay muwestra sa isa pang sofa na panglahatan na walang nakaupo. Sa kaniya-kaniyang pang-isahan kasing sofa ang mga kaibigan ko, ako naman ay sa isang mahabang sofa katabi sa sofang iminuwestra ko sa kanila.
Tumango sila at agad na sinunod ang sinabi ko. Si Zachary ay umupo agad doon sa sinabi kong sofa habang si Bryle naman ay umupo sa tabi ko na siyang ikinagulat ko.
"Hoy, doon ka..." pangtataboy ko sa kaniya. Nakita kong nabaling agad ang atensiyon ng mga kaibigan ko. Liza mouthed 'Sana all'. Nakita ko ring napangisi si Zach. Wow, minsan lang 'yon, ah!
Nagtaas ng kilay si Bryle. "May space pa naman, Via."
Hinayaan ko na lang siya dahil baka isipin nilang ipinagdadamot ko ang sofang inuupuan ko. Dahil sa hiya at pagkailang, nagpanggap akong nag-aaral sa librong hawak ko about Philippines Politics and Governance, dahil 'di ko kayang titigan siya pabalik. Titig nang titig kasi siya sa akin.
Sinong baliw sa ating dalawa ngayon, ah?
"Ano pa lang itatanong n'yo, Zach?" tanong ni Avy.
Classmate kami ni Zachary noong grade 9 at grade 10 kaya madalas ding nagsasama-sama sa group project. Halos ang groupings kasi ay by neighbors, malapit lang ang bahay namin nng mga kaibigan ko at ni Zachary kaya ka-group kaming apat, at may iba pa.
Nagsimula na silang magtanong pero ang mga mata ni Bryle ay nasa akin lang. Sinimangutan ko lang siya.
"Stop staring," mahina kong utos dahil kahit nag-uusap sila at sumasabat ako ay palaging nasa akin ang mga mata niya.
"I just can't stop myself. Ang ganda mo," he mouthed. I looked away. Nahagip ko ang mga mapang-asar na tingin ng mga kaibigan ko.
Ganito pala siya magkagusto, ang cute.
"Who's the face of the night in your section for the upcoming acquaintance party, Via?" tanong ni Zachary. He's not looking at me, seryoso lang siyang nagbabasa sa libro ni Avy.
Oo nga pala, malapit na ang acquaintance. End na ng July, na-move sa August ang acquaintance for I don't know the reason basta inanunsiyo 'yon.
"Ako," maikling sagot ko.
"Sino nga 'yong kinuwento niyong s-in-uggest ang sarili niya para maging FOTN tapos d-in-cline ni Miss Balero dahil si Via na ang napili niya?" natatawang tanong ni Avy na para bang kaming tatlo lang ang nandito. Napahagalpak din ng tawa si Liza na para ring may sariling mundo kaming tatlo.
"Gago, na-feel ko secondhand embarrassment no'n!"
Mas lalo akong natawa. "Ang sasama n'yo!"
Napatigil ako nang may sumigaw galing sa taas ng hagdanan.
"Ate Via! Ba't umabot ang bra mo rito sa kwarto ko?!"
Napapikit ako dahil sa hiya. Mas lalong nagtawanan ang mga kaibigan ko. Nakita ko ring pinipigilang matawa ni Bryle— punyeta! Si Zachary naman ay napatingin kay Akemi sa taas at halos 'di na rin mapigilan ang tawa.
Agad akong umalis doon at pinuntahan si Akemi sa taas at hinigit papuntang kwarto niya.
"Akemi! Kailangan pa talagang isigaw?! Nakakahiya!" nanlulumo kong bungad sa kaniya. Natulala rin ito at 'di nakapagsalita dahil na-realize sigurong nandoon ang crush niya ay napahiya rin siya.
Pareho kaming napahiya pero mas lamang ako. Bra ko 'yong binanggit niya, eh!
"Ate, totoo ba 'yon? Nandoon talaga si Zachary? Anong ginagawa niya rito pati si Kuya Bryle?"
Napapikit ako nang marinig ang pangalan niya. Jusko naman kasi.
"M-May tinanong lang about sa recitation nila para bukas..."
"Hala, another kahihiyan na naman..." nakangusong aniya at napasapo pa sa noo.
"Hindi mo naman kasi sinabi, Ate, eh!"
Aba, ako pa ang sinisi?!
"Hindi ka nagtanong, Inday!" sarkastiko kong sagot at inirapan siya.
Pareho na kaming hindi muna bumaba dahil sa kahihiyan.
"Sana pinasok mo na lang agad sa kwarto ko 'yong bra ko, Akemi!"
"Oh, ayan, Ate! Nagtaka na lang ako kung bakit hindi kasya sa akin!" Binigay niya ito sa akin. Dami pang satsat.
Naramdaman ko nalang na nag-vibrate ang phone ko.
Bryle:
Umuwi na kami ni Zachary. Hoping that next time, your undergarment won't move itself to your sister's room again para magkaroon pa tayo ng moment hahaha. See you tomorrow at sa acquaintance party. I am the Guy Face of the night in our section, by the way. God bless :)
Napasapo na lang ako sa aking noo. Kailangan pa talaga 'yon isali?!