Via Elianna
"Ano ba?! 'Wag n'yo nang ipaalala!" reklamo ko sa mga kaibigan ko na kanina pa ako ginugulo habang nag-aayos.
Friday na ngayon at magsisimula na ang acquaintance party two hours from now. Alas sais na ngayon at alas otso ng gabi magsisimula. We're always early sa mga ganitong event since junior high days pa dahil trip naming magka-award ng early bird.
I was wearing a black off shoulder dress above the knee with long-sleeves and black suede boots knee high. Our adviser announced that the must outfit colors should be black and white only for acquintance party.
"Ba't kasi meron kang walking bra na umabot sa kwarto ng kapatid mo?" natatawang pang-aasar pa ni Avy habang nilalagyan ng eyeliner ang kanang pilikmata ko dahil tapos na ang kaliwa. Siya kasi ang nag-m-make-up sa aming dalawa ni Liza dahil magaling siya. Natutunan niya rin ito sa tita niyang model. Pina-braid bun ko ang buhok ko.
Kaninang alas singko pa sila pumunta rito dala-dala ang mga outfit nila. Nakasanayan na talaga naming kada may party sa gabi ay dito kami sabay-sabay na nag-aayos, para na rin namang make-up artist namin si Avy.
"Tangina, Avy, 'wag kang ganiyan!" reklamo ko ulit pero tinawanan lang ako ng gaga.
She was wearing a black spaghetti strap croptop with a black leather jacket na nakapatong. She partnered it with a black leather pants at isang velvet ankle boots. Nagpaganda masiyado dahil mag-d-date raw sila ni Klein! Epal, 'di naman Valentines night. Naka-make-up na rin siya. 'Tsaka siya rin pala ang Outfit of the Night sa section nila.
"Eli, ramdam kong sobrang pigil na niyang matawa no'n kaya nagpaalam agad sila ni Zachary na umuwi para siguro ilabas ang 'di na mapigilang halakhak sa bahay nila!" dagdag pang pang-aasar ni Liza, dahilan para samaan ko siya ng tingin.
"'Wag kang malikot, Elianna," sabi ni Avy.
"Ganito siguro 'yon..." si Liza ulit at pinakawalan ang isang walang katapusang halakhak. Piste!
Ito namang si Liza, todo ayos at pa-sexy talaga. She was wearing a long black spaghetti strap dress with a slit on the right side, partnered with black stilletos. We can wear anything, baka may nag-gown pa ng malaki at bongga ngayon. Hindi naman talaga namin planong mag-all black outfit, baka pareho lang naming bet ang black kaysa white isuot.
"'Wag niyo na nga'ng ipaalala! Letcheng bra naman kasi 'yon, eh!"
"Oh, ikaw na nagsimula ulit sa bra thingy na 'yan, ha!" Tumawa nang malakas si Avy habang nilalagyan na ng pink lipstick ang labi ko ngayon. I requested na light make-up lang dahil 'di bagay sa 'kin ang makapal dahil nga sa soft feature ko.
"Ah, basta wala na 'yon!"
Nang matapos ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Namangha ako dahil katulad noong debut ko parang 'di ko nakilala ang sarili ko. Hindi kasi ako sanay na may make-up.
"Mukhang tao ka ulit, Eli!" pang-aasar ulit ni Liza kaya naman tinapunan ko siya ng suklay na nakita ko sa tabi ng salamin. Nakailag na tumatawa lang siya.
"Ikaw, 'di pa rin c-in-rushback!" depensa ko. Tahimik niya akong sinimangutan.
"Oh, tama na 'yan! Baka ma-loss natin ang chance na maging early bird."
Inakbayan kami ni Avy at nagsimula na kaming maglakad palabas ng kwarto ko. Nang makita kaming tatlo ni Mommy ay agad na namilog ang mga mata niya. Nandito kasi sila ni Dad, kararating lang galing Cebu kung saan nakatira ang mga pinsan ko sa father side dahil may pinag-usapan silang importante tungkol sa business.
"You are all stunning, mga hija!" papuri ni Mommy nang nasa baba na kami.
"I know po, tita!" proud pang sang-ayon ni Liza sabay flip sa nakalugay niyang buhok. Oo nga, maganda siya, mahangin lang.
Pareho lang kaming ngumiti ni Avy dahil pareho kaming naiilang tuwing pinupuri, napansin ko na sa kaniya 'yon noon pa man.
"Oh, well, kahit hindi man kayo nakaayos nang ganiyan maganda pa rin kayo! I'll take photos of you, dali!"
Inilabas agad ni Mommy ang cellphone niya at umamba nang kunan kami ng litrato kaya naman maayos kaming pumorma. As usual, ako na naman ang nasa gitna. Hindi ko nga alam kung bakit ako lagi ang nasa gitna. Naalala ko na naman ang mga sabi-sabi nila na kung sino raw ang nasa gitna sa litrato kapag tatlo kayo ay mamamatay. Ipinagkibit-balikat ko lang 'yon palagi dahil hindi naman ako naniniwala.
"Ikaw naman mag-isa, Anak!" excited na sabi ni Mommy. Agad na umalis sila Liza at Avy sa tabi ko. Ngumiti ako sa camera.
Ilang sandali pa'y nagpaalam na rin kami na aalis na. Paulit-ulit na ring sinasabi ni Avy ang early bird award. Jusko naman, makakain ba 'yan? Palusot niya lang ata 'yon dahil alam kong gusto na niyang makita si Klein.
"Manahimik ka nga, Avyara! Gusto mo lang makalandian nang maaga si Klein mo, eh!" Umirap si Liza.
Tumawa ako sa mukha ni Avy na salubong na salubong na ang kilay ngayon.
"Gusto ko nga'ng early bird tayo!" iritado na kunyaring aniya pero kita naman ang pamumula rito.
"Hindi mo kami maloloko—"
"Naloko ka nga ng walking bra mo!" Humagalpak ng tawa si Avy. Punyeta!
Pinagtatawanan nila ako ni Liza hanggang sa makarating kami sa malaki at malawak na gymnasium na siyang venue ng gaganaping acquaintance party ngayong gabi. Nasa likod ko sila na tumatawa pa rin habang ako'y nangunguna sa paglalakad dahil pinapaalala pa nila ang kahihiyan kong 'yon.
Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to?!
Nakasimangot ako pero nang maisip na makikita ko ulit siya ay napangiti ako. Ano kayang suot niya? Itim din ba katulad ng akin? Nag-i-imagine ako sa utak ko sa magiging ayos niya. Imagine pa lang ma mas lalo siyang g-um-wapo sa ayos niya ay natutulala na ako. Paano pa kaya mamaya?
Hanggang ngayon, para pa rin akong nananaginip ng maganda mula nang magkaaminan kaming dalawa. Wala pa akong kaalam-alam sa mga gesture ng mga lalaki towards sa taong gusto nila kaya inakala kong friendly gestures lang 'yong ginagawa niya kahit nag-assume pa ako.
Hindi ko akalaing hindi pala, because the truth is he likes me. Has he already forgotten his feelings for his ex-girlfriend? That bothered me. Naalala ko pa 'yong nagkausap kami sa simbahan dahil biglang umulan kaya sumilong muna kami, nakita kong mahal niya pa ang ex niya no'n sabi niya... pero anong nangyari ngayon? Baka... he's just trying to like me to forget his past? Napabuntong-hininga nalang ako nang maisip 'yon.
Malakas na musika agad ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa venue. There were aligned long rectangular tables in each section dahil may mga pagkain ding inilagay roon para sa hapunanan. Malaking sound system ang ginamit kaya nanunuot sa aking tenga ang tugtog. May mga disco lights din sa itaas sa gitna ng gymnasium para mamaya sa last part ng program.
Malaki ang gym kaya nahirapan kaming maghanap sa table ng section namin.
"Katabi lang ang table naming STEM sa inyo," Avy uttered. Napatingin ako sa bandang tiningnan niya. Magkatabi nga. Mabuti 'yon para 'di kami malayong dalawa ni Liza sa kaniya.
Medyo maraming estudyante na rin ang naroon, wearing their black and white outfits. Halos lahat nga ng babae ay naka-night gown. Puro reklamo ni Avy ang naririnig namin dahil daw hindi kami early bird.
"Makakain ba 'yang early bird award na 'yan, Avyara?" pairap kong tanong dito. Napatunayan nga'ng award na 'yon lang ang dahilan kung bakit atat siyang pumunta agad dito, hindi si Klein.
"Hay! Oo nga naman, Avy! Tumigil ka na kakareklamo!"
Inalo kunyari namin si Avy at paulit-ulit na sinabi ang salitang cheer up. Para tuloy kaming mga tanga na naglalakad sa gitna ng gymnasium patungo sa tables namin dahil nga inaalo namin si Avy na nakayuko lang, tapos nagkatitinginan pa kami ni Liza at palihim na natatawa na para bang pinagkaisahan namin ang kaibigan.
"Ang pa-plastic niyo! Tumatawa naman kayo riyan, e!"
Nag-apir kaming dalawa ni Liza sa harapan niya dahilan para mas lalong sumimangot si Avy. Kaawa-awang nilalang.
Malapit na kami nang maramdaman kong may pares ng mata ang nakatitig sa akin pero iniwasan ko 'yon. Naging kaswal kami sa isa't-isa matapos ang aminan na para bang walang nangyaring ganoon, pero hanggang ngayo'y naiilang pa rin talaga ako. One week had passed since the confession, hindi ako pinatulog gabi-gabi no'n! Nababaliw na ako.
"Elianna, titigan mo naman pabalik," nang-aasar na bulong ni Avy kaya napaangat ang ulo ko at agad na sinalubong ang titig niya. Oo nga pala, classmate sila ni Avy at katabi lang ng table ng STEM ang table naming HUMSS kaya nasa malapit lang siya.
He looked so dashing with his black tuxedo partnered with his black slacks and black shoes. Ang kaniyang itim na buhok ay tumatama sa makapal niyang kilay. I saw amusement on his eyes and lips as it rose for a smile.
Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik. Isa lang ang masasabi ko, ang gwapo niya.
Kasama niya sina Lloyd at Klein na parehong naka-long-sleeve polo na itim. Nakatitig din ito sa amin, si Klein kay Avy na umiwas ng tingin pagkatapos, si Lloyd naman ay ngingisi-ngisi lang kaming binalingan ni Bryle pero halata namang nagtatagal din ang titig sa katabi ni Avy na si Liza na walang hiyang nakatitig lang kay Lloyd.
To be Continued...