Continuation... "Via, halika! Picture kayo ni Aziel!" tawag sa 'kin ni Isabelle habang hinihigit ang nakangiting si Aziel, ang classmate kong ka-partner ko sa face of the night. He's wearing a black tuxedo with a white long-sleeve inside. Gwapo rin naman siya, hindi ko lang type dahil si Bryle talaga ang gusto ko. Nagpapahayag nga ito ng damdamin sa 'kin these past few days but I already informed him that I can only offer friendship because I already like someone else. "You looked so gorgeous, Via," papuri ni Aziel nang makatabi ako sa kaniya para sa picture. Ngumiti ako sa camera na hinawakan ni Isabelle. Nagulat ako nang biglang inilagay ni Aziel ang braso sa aking bewang pero hinayaan ko na lang 'yon dahil magiging KJ ako sa paningin nila, lalo na kay Isabelle. May mga monoblock

