Continuation... "Via, anak? Ayos ka lang ba riyan?" Nakita kong pumasok si Mama Lazel sa bagong kwarto ko sa mansion nila na... tahanan ko na rin. Dalawang linggo na pala ako rito. Naging talk of the town ang katotohanang naisiwalat sa hospital na nagkapalit kami ni Bryle ng mga magulang. Kilala pareho ang mga apelyido namin dito sa Santa Dalia kaya usap-usapan talaga. Karamihan ay nagulat. Usap-usapan din 'yon sa school, isang linggo rin ang itinagal ng chismis na iyon sa eskwelahan. Alam na rin nila Avy at Liza ang tungkol dito na ikinagulantang din nila dahil hindi raw sila makapaniwala. Nandoon naman sila 'lagi sa tabi ko dahil alam nilang nagdadalamhati pa rin ako dahil doon. 'Yong break up naman namin ni Bryle ay alam na rin ng ibang estudyante sa school pero inaakala nilang tun

