Via Elianna "Lumabas na ang resulta ng DNA test." Kabado akong napaangat ng tingin mula sa pagkakayuko nang marinig ang sinabi ni Daddy. Isang linggo ang dumaan pagkatapos naming malaman ang kwento ng dalawang nurse at ng doctor na nagpaanak kina Mommy at tita noon na nagkapalit kami ni Bryle noong sanggol pa lang kami, walang atubili kaming nagpa-DNA test. Makatotohanan ang kwento pero kailangan pa rin naming makasigurado. Nandito kaming lahat ngayon sa ancestral mansion namin. Ang pamilyang kinalakihan ko at ang pamilya ni Bryle na... hindi ko alam kung totoo bang pamilya ko sa dugo. Malalaman lang kapag nakita na namin ang resulta. Nandito rin si Bryle. Nagtama ang paningin naming dalawa nang iangat ko ang aking ulo. Walang reaksiyon ang kaniyang mukha pero alam kong kabado rin ito

