Via Elianna "Elianna, happy birthday! I miss you!" I pouted when Avy hugged me so tight na para bang handa na niya akong durugin. Napatawa na lang ako at niyakap siya pabalik dahil miss na miss ko na rin siya. Kakagising ko lang tapos sobrang sabog pa. "I miss you too, Avy. Thank you!" "Pakita nga ng ngiting pinili ng isang Bryle," parang tangang aniya at tatawa-tawa pa akong tiningnan. Alam na rin kasi niya. What a good start for my birthday. Si Liza nga halos sakalin na talaga ako sa sobrang higpit ng yakap niya sa 'kin dahil sa saya rin. Nginusuan ko lang siya at tsaka binatukan kaya napa-aray siya. "Ewan ko sa 'yo, Avy. Mag-focus ka na lang kay Klein!" Kahapon pa sila nakarating dito kasama parents niya galing Cebu dahil gusto raw nilang mag-celebrate ng pista rito sa eighteen.

