Continuation... Kumalas ako sa yakap at sinimangutan si Avy. "Ito naman, nag-thank you lang, hindi na babalik? Ano ka ba! Babalik ako, uy! Kasama na si Bryle. May celebration birthday namin tapos hindi ako uuwi? Hindi pwede 'yon, ang dami kayang pagkain." Nagtawanan kaming tatlo. "Picture tayong tatlo, dali! Gitna si Via dahil siya 'yong birthday girl! Post ko mamaya tapos mag-i-lsm ako with english spokening dollars!" Tinaas ni Liza ang camera niya at ako nga ang nasa gitna. Nakangiti kaming tatlo sa camera. "Babasahin ko mamaya LSM mo, Liza. 'Wag mo 'kong paasahin," sabi ko at tiningnan ulit sila for the last time. "Oh, sige na, mag-a-alas singko na pala, aalis na ako! Basta alas otso ang party, ha? Umuwi na rin kayo sa inyo dahil 'di n'yo na masisilayan ang ganda ko rito sa kwarto.

