Continuation... "Bryle..." tawag ko. Ewan ko kung bakit kinakabahan ako. Kita ko ang dahan-dahan niyang paglingon. Nagkatitigan kaming dalawa. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot kaya naman, napaiwas ako ng tingin. "S-Sigurado kang ayos ka na? Baka mabinat ka," nag-aalalang aniya at agad na nagpunta sa likuran ko upang itulak ang wheel chair. Aalma na sana ako pero naitulak na niya. Nasa gitna pa kasi ako ng rooftop. "Oo, ayos na ako. Gusto kitang makausap," sagot ko sa tanong niya nang marating na namin ang lugar ng rooftop kung saan siya nakatayo kanina. I saw him nodded. Nakahawak ulit siya sa railings sa may tabi ko. "Okay..." "Alam mo, naisip ko noong nililigawan mo pa ako na ayos lang na sagutin kita agad dahil doon din naman patungo 'yon at mahal naman na kita. Naisip ko rin

