Song of Solomon 3:4 "I have found the one whom my soul loves." ***** Stephanie's POV Pag-uwi ni Carl ay kinausap ako ng aking mga magulang hinggil sa aming relasyon ni Carl. Habang nagsasalita si Mommy at Daddy ay in-o-o-obserbahan ko sila maging ang kanilang ekspresyon. Sa kanilang body gesture ay sobrang gusto nila si Carl para sa akin.Ako rin naman ay mahal na mahal ko siya. Nagsimula lang sa aking pagka crush at ngayon ay boyfriend ko na. Humagikgik ako. Si Daddy ay binalik ang mga mata sa TV matapos ang aming pag-uusap tungkol kay Carl. Si Daddy naman kasi wala ng iba pang komento. Masyado yatang spoiled ang boyfriend ko sa kanya kaya wala ng ibang sasabihin pa. Umupo ako ng tuwid ng narinig ko ang pagtikhim ni Mommy. Nasa mahabang couch sila sa aming sala at nakaupo ako sa sin

