Proverbs 31: 10 Who can find a virtuous woman? for her price is above rubies. ***** Stephanie's POV Nagmamadali akong bumaba ng hagdan pagkatapos ko maligo. Alas-otso na ng umaga ng nagising ako. Promise, masarap ang tulog ko lalo pa na nandito ako sa Tagaytay. Dumaan ako sa sala at walang tao na aking nakita. Ah, baka tulog pa ang aking mga magulang? O di kaya ah lumabas sila? Kaya? Sabado ngayon at wala naman nabanggit si Mommy kung may lakad kaming pamilya o kaya may activities ng charity. Kahit puno ang isip ko ng baka ay nagpatuloy pa rin ako sa aking paglalakad patungo ng kusina. Pagpasok ko ng kusina ay wala din akong naabutan ngunit tumagos ang mata ko sa may tinted na bintana. Oh, there my parents are in the gazebo that I didn't bother to look in my room upon waking up. Hum

