Third Person's POV "Finally, sa ilang beses na kapalpakan ng aking mga tauhan ay nakuha na rin ang mga ito ang pakay ko. Ang alas ng pinaka-asam-asam kong makakuha ng kahit konti man lang na kayamanan nito at walang iba kundi ang Alonzo." Sabi ni Isagani sa kanyang isipan. Kasalukuyan silang nasa hide out nila sa bandang Norte na nasa gitna ng virgin forest. Masasabing virgin forest ang lugar na ito dahil sa maraming malalaking punong-kahoy, matayog na damo, malinis na mga talon at batis. Higit sa lahat ay si Isagani pa lang ang nakabili sa lugar na ito sapagkat marami siyang kakilala at connections sa mga ganitong klase ng mga lugar na pinagbebenta. Nagpatayo siya dito sa gitna ng gubat ng kanyang mansion at dito sa loob ng kanyang mansion ay may hideout sa basement. May daanan din

