Stephanie's POV Nagising ako at bumungad sa aking mga mata ang kadiliman. Kukurap-kurap pa ako para alamin kung tama na madilim ang kinaroroonan ko. "Oh my, nabulag na ba ako?" Kasabay ng pagkapa ko sa aking paligid gamit ang kaliwang kamay ko. Nakapa ko ay isang malambot na kama ngunit may nasagi ang kamay ko at alam kong malamig na pader iyon. Kunot ang noo ko habang iniisip kung nasa kama ba ako o ano? Pero sa tantiya ko ay nasa kama ako. Ginapang ko rin ang kanang kamay at nagulat ako dahil nahulog ang kamay ko sa sahig. Confirmed nasa maliit akong kama na nakahiga. Ginalaw ko ang aking mga paa at nasagi ko na naman ay pader. Sakto lang ba sa akin ang kamang ito? Tinaas ko at ginapang ko sa aking itaas ang aking kanang kamay at may nakakapa akong bagay. Dahan-dahan kong kinaka

