Psalm 55:22 “Cast your cares on the Lord and he will sustain you; he will never let the righteous fall.” ***** Stephanie Pagdating ng condo unit ay wala kaming imikan ni Carl hanggang sa nilagay namin sa pantry at ref ang mga groceries na pinamili naming dalawa. Sinabi naman niya ang lahat-lahat tungkol sa kanila ni Jessica sa sasakyan pa lang. Sabi ni Carl na minsan lang 'yon na may nangyari sa kanila dala ng kalasingan at hindi pa kami noon. Tumawag sa kanya si Jessica pero hindi na niya sinagot dahil ayaw niya sa kanya. Basta nainis na lang ako bigla kay Carl. Bukod pa pala kay Elissa na ex gf niya ay may Jessica pa. Kainis! Oo, alam kong gwapo siya. Sa tindig pa nga lang niya ay nakakaakit sa mga kapwa ko babae gano'n din ang tigas ng kanyang abs. Kapag nagpakita lang ng motibo

