Ephesians 4: 26-27 “In your anger, do not sin”: Do not let the sun go down while you are still angry, and do not give the devil a foothold.” ***** Stephanie Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa tabi ng kama habang pinagmamasdan ang nakatulog na si Carl. Hindi niya namalayan ang marahan na pag-upo ko sa gilid ng kama dahil sa kanyang kalasingan. Sa pagmamasid ko sa kanya ay nawala ang pagkainis ko at dahan-dahang lumambot ang puso ko. Naiisip ko ang mga kilos ko o tantrums ko kanina dahil lang sa nakaraan niya sa babaeng 'yon. Lumunok ako at nagbuga ng hangin sa kawalan kasabay ng paghupa ng mabigat na pakiramdam ko kanina. Naging normal ang pakiramdam ko dahil nakita ko si Carl dito sa loob ng kwarto ng unit ko. Buong akala ko na kaya niya akong iwan ng magdamag dahil lan

