Stephanie's POV Sweet and clingy ang boyfriend ko na si Carl mula ng sinagot ko siya sa restaurant na pinagkainan namin ng nakaraang gabi. Excited siya pagkatapos narinig ang pag-i love you ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako at hinalikan. First time ko talaga ang mga bagay na 'yon pero masarap ang mahalikan ng taong mahal ako at mahal ko rin siya. Hindi ko nga alam na magagawa ko ng maayos. Pagkatapos ng aming halikan ay ramdam ko ang pamamaga ng bibig ko pero nawala din naman ng ilang oras. Pagdating ko ng condo unit ko di ako makapaniwala sa mga nangyari pero totoo ito. Halos hindi ako nakatulog ng gabing 'yon dahil nakikita ko sa aking balintataw ang mukha ni Carl. Parang hindi nawala ang lasa ng labi niya sa labi ko at kahit tapos na ang halikan namin ay parang ninamnam ko pa it

