Carl's POV Tumayo ako at binuksan ang pinto ng opisina at tumambad sa harap ko ang isang delivery boy ng sikat na restaurant. "Food delivery sir to Mr. Alonzo," sabi ng lalaki na may ngiti sa labi. Kinuha ko ang inabot niyang tatlong paper bag at akma akong dudukutin ang wallet ko ng pinigilan niya ako. "Sir bayad na po ang lahat ng mga 'yan." "Ay gano'n ba? Sige sir,thank you." "Walang anuman, sir." Tumalikod na siya at naglakad paalis sa gawi ko. Sinarado ko ang pinto at nagtungo ako sa may center table. Nilapag ko ang mga paper bags sa center table at nagulat naman ako dahil may juice na timpla sa pitchel at may mga baso na rin na tatlo. Wow ang ang bilis naman magtimpla ang aking babe. Alam ko kasi na siya ang nagtimpla dahil laging may ganito sa kanyang ref sa kanyang condo

