1 Peter 5:7 "Ibigay niyo ang lahat ng iyong pag-aalala sa kanya dahil pinag-iingatan niya kayo." ***** Stephanie Matapos ang aming masayang umagahan ni Carl ay pumasok kami sa trabaho. Buong maghapon na pare-parehong abala sa mga nakalatag na tungkulin sa opisina kasama ang Daddy ko. Sa maghapon na pagtatrabaho ay naging magaan ang lahat kapag nagtutulungan at hindi masyado ramdam ang pagod. Nagpaalam agad si Daddy na umuwi sa Villa pagkatapos ng aming trabaho. Kami ni Carl ay namasyal kami sa Mall. Magkahawak ang aming mga kamay habang naglalakad sa pathway papunta sa mga iba't-ibang stores. May mga ilang bagay akong binili na dadalhin ko sa Germany sa Biyernes. "Babe, are you done?" Tanong ni Carl ng binayaran ang huli kong binili. Ito ay flat shoes na kulay pula at may halong pu

