1 John 1:9 "Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan." ***** Elissa Magkahalong lungkot at saya ang aking nararamdaman ng makita si Carl sa loob ng fine dining restaurant. Hindi ko inaasahan na dito ko siya nakita at ang malungkot ay makita na kasama ang kanyang girlfriend. Bakit ba ako nakaramdam ng kalungkutan gayong batid ko naman na posibleng mangyari ito? Ang bata at maganda ang girlfriend ni Carl kompara sa akin. Sa tingin ko nga ay inosente sa lahat ng bagay. May pagkamahinahon kapag kausap ito. Base sa reaksyon ng mukha niya ay hindi man lang nabigla sa sinabi ni Carl na ex niya ako. Syempre ano pa nga ba? Nagbuntong-hininga ako at pinakawalan sa kawalan. An

