Chapter 20

3407 Words
Amilia's POV. Nagising ako sa pagtunog ng alarm clock ni Dylan. Pinilit kong idilat ang mata ko dahil antok na antok pa talaga ako. Madaling araw na kami nakauwi galing sa pictorial nya. Halos 3 weeks din kasing hindi sya umalis ng bahay dahil talagang inasikaso nya ko hanggang umalis ako kaya nung fully maka recover ako ay naghabol sya dahil malapit ng i launch yung magazine. Ramdam ko yung bigat ng braso nyang nakabalot sakin. Ang aga aga pa pero kinikilig na agad ako. Ganito yan pag umaga, pinipilit ko talagang magising ng maaga just to feel this moment dahil kapag nagising sya, idi deny nya lang na nakakatulog talaga syang nakayakap sakin. Pumikit ako ng maramdaman ko ang pag galaw nya. Ayoko kasi yung mapapahiya sya at baka sumama na naman ang ugali. Hindi naman sya ganun ka sweet pero hindi na sya ganoon ka harsh magsalita. Nakaramdam ako ng marahang yugyog. "Mia, gising" he called me, kaya nagkunya kunyarian akong kagigising ko lang. I even faked my yawn. "Huh? Ano yun?" tanong ko. "May magazine launch kami ngayon, kailangan na natin mag ayos" he said and then he got out of the bed. "Ah okay" sabi ko. Nakarinig ako ng sunod sunod na doorbell kaya kahit inaantok pa ko ay napabangon ako. Halos magkasunod lang kaming lumabas ni Dylan pero nag diretso sya sa kusina, magkakape na siguro. Shocks! Kailangan ko ng makapagluto ng almusal. Muntik ko ng makalimutan na may nagdo doorbell kung hindi pa iyon tumunog ulit. I almost ran to reach the front door at nagmamadaling bumukas yun. "Mia! Napakatagal mo naman magbukas! Wag mo sabihing natutulog ka pa din!" mataray na bungad sakin ni Manager Grace. Hindi ko ba alam pero napakasungit talaga nito sakin at mas lumalala pa sya. Nilagpasan nya pa ko at binangga. Napatingin naman ako sa babaeng naka cross arms sa harapan ko at nakataas ang kilay sakin. Gusto ko din sana syang taasan ng kilay pero pinigilan ko ang sarili ko. "Yes Andrea? Good morning!" bati ko na lang dito. "Alam mo, naiinis talaga ako sa pagmumukha mo, hindi ko din magets bakit dito ka pinapatuloy ni Dylan baka nagsisinungaling ka lang na wala kang matirahan" pagmamaldita nito sakin. "Ano ka ba Andrea, you sound like na girlfriend ka nya" sabi ko na lang dito. "Soon!" sigaw nito sakin at binangga ako, muntik na kong bumagsak kaso nahawakan ako ni Judith, make up artist ni Dylan. "Bakla ka! Ang aga aga pinagmamalditahan ka ni Andrea, ma attitude talaga yun eh" sabi nito sakin. "Hayaan mo na, tara na. Magluluto ako ng breakfast dito na kayo mag agahan" sabi ko. Naging close kami ni Judith dahil halos araw araw kaming magkasama nito dahil nga sunod sunod ang mga lakad ni Dylan. Kalog sya at mabait, madalas sya lang talaga ang nakakabara kay Andrea. Pumasok kami sa kusina, at nakita kong nandoon sila Manager, Dylan, at Andrea. Dylan is drinking his coffee while nagche check ng phone nya. "Hoy Mia! Ano pa bang tinatanga tanga mo dyan, gutom na kami at kailangan nating maagang makaalis" pagpukaw ni Manager sa atensyon ko. "Ay oo, sige po" sabi ko at nagmamadaling binuksan ang ref. "Manager, I already told you to stop doing that to her" Dylan said kaya hindi ko napigilang mapangiti. "Hindi okay lang Dylan, di ka pa din naman nag aalmusal, pasensya na nalate ang gising ko" sabi ko. Nilapag ko na sa kitchen counter yung ham, bacon, hotdog, at itlog. "Wow, ang sweet mo naman Dylan! You know what, I will cook your breakfast, okay?" sabi ni Andrea at ipinulupot pa yung kamay sa braso ni Dylan at ngumiti ng pagkatamis tamis at hinihiling ko na madaming dumating na langgam at pagkakagatin sya hanggang singit! Napakalandi nya! "Uh, yeah, sure" pinigilan ko ang pagtaas ng kilay ko nung sumagot si Dylan. Hindi ba obvious na bet sya nitong outfit stylist nya. Dahan dahan kong binaba ang kutsilyo na ginagamit ko sa paghihiwa ng hotdog na lulutuin ko sana pero bago pa ko makapatay ng haliparot ay bibitawan ko na ito. I looked at them at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Wow, thank you sa pagbo volunteer Andrea, pwede mo ng ipagpatuloy to, aakyat na ko sa taas at ihahanda ang gagamitin nitong si SIR DYLAN, na amo ko. Just continue being sweet ay este cooking, sarapan mo para mabusog sila Manager at Judith ah!" sabi ko at mabilis na tumalikod. Papasok pa lang ako ng kwarto namin ng biglang may humablot sakin ng marahas. "Aray!" sabi ko. Nagulat ako ng itulak ako ni Manager Grace at buti na lang ay hindi ako natumba. "Bakit po nananakit kayo?" "Ang kapal ng mukha mo, ano yung arte na yun?! Nagseselos ka kay Andy and Dylan?! Hoy ipapaalala ko lang sayo ang dahilan kung bakit ka nya pinakasalan!" "Pinakasalan nya ko dahil mahal nya pa ko" I said that while looking her straight to the eyes. "And you believe that?" mapang uyaw na tanong sakin ni Manager Grace, pasalamat ako na nasa taas kami dahil kung hindi nagsilapitan na sila. "I chose to believe that" I firmly said to her, she looked shock dahil hindi ako mahilig sumagot. "I chose to still love him and stay beside him despite of what happened in the past, despite how we hurt each other, despite on what you or will people say, hindi ko po kayo gustong bastusin pero asawa pa rin po ako ni Dylan" "How dare you! Hindi porket pinakasalan ka ng alaga ko ay mahal ka pa din nya, madami ka pang hindi alam Mia! Kaya ganun ka close si Andrea at Dylan it's because magkasama na sila since mag aral si Dylan sa US!" Now it was my time to looked shock, so kaya pala kahit anong arte ni Andrea hindi naaalibadbaran sa kanya si Dylan. "I-I don't care" nauutal kong sabi. "Kung may babaeng mas deserving sa inyo ni Andy, sya yun because she was always there for Dylan!" nag cross arm sya sa harapan ko. "Kaya hindi na nga ako magtataka kung may lihim silang relasyon" "T-tama na!" I almost shouted that pero pinigil ko ang sarili ko. "May aayusin pa po ako and this conversation never happened, maayos na kami ni Dylan at wala akong planong masira iyon ng dahil lang sa mga sinasabi nyo" Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na sya at pumasok sa loob ng kwarto. Parang ang bigat ng loob ko, para akong maiiyak na ewan. If only I can tell right away kay Andrea na asawa ako ni Dylan, ginawa ko na. Manager Grace warned me na hindi dapat malaman ng staffs ni Dylan ang relasyon namin lalo na si Andrea, she could tell that to the press at wala akong balak sirain ang career ng asawa ko ng dahil sa selos. "Mia, ang tahimik mo naman" puna sakin ni Judith. "Ano pa ba? Eh di nag iinarte na naman" Andrea said at nag roll ng eyes. Dukutin ko yung mata nya dyan. "Kulang lang ako sa tulog" sagot ko na lang. Narinig kong nag beep ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at binasa ang text message. It's from Ate Raffy. Mia my loves! Punta ka sa address na isesend ko sayo, sama mo si Dylan ha! Natext ko na din sya. Birthday ko today, may party! I've been calling you guys pero mukhang busy kayo. So pumunta kayo mamaya!" Napangiti ako sa message ni Ate Raffy, mas sweet pa ang tawag sakin ng ate nya. I just replied na ita try ko kung maaga matatapos ang mga gawain namin today.  Laking pasasalamat ko ng sa wakas ay mag alas syete na ng gabi at currently nasa magazine launch na kami kung saan cover si Dylan. Madaming press at madaming fans ang nandito para mapirmahan yung binili nilang magazine. Hindi pa nagsisimula ang launching kaya nandito pa din kami sa back room. "Mia" Dylan called me kaya napatingin ako sa kanya. "Ha?" "Okay ka lang ba?" he asked me, hindi ko pa alam pero kahit hindi ako okay ay tumango ako. Ang bigat kasi ng loob ko dahil sa mga sinabi sakin ni manager, kahit ayokong isipin, pumapasok talaga sa isip ko at isa pa buong araw hindi mawala sa tabi ni Dylan tong si Andrea gets ko naman na sya ang nag aayos ng susuotin nito pero OA na, napaka sweet na nya, masyado syang madikit at kahit ayokong masaktan o makaramdam ng selos nararamdaman ko yun sa tuwing ngingiti si Dylan dito. "Dylan wait!" pagtawag ni malandi ay este si Andrea pala, nakita ko yung parang kunyaring napatid sya kaya mabilis na sinalo sya ni Dylan, bumagsak sya sa chest nito. Na estatwa yata ako dahil kahit gusto kong lumapit ay hindi ko naigalaw ang paa ko para ako na ang magtayo sa babaeng to at bigyan sya ng mag asawang sampal. Nakita kong naglapitan ang ilang mga staffs, pero mabilis na naalalayan patayo ni Dylan si Andrea. "Okay ka lang ba Andy?" tanong nya. Andy?! He's calling her like that too? Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sasabog ako. Wag kang magselos Mia! Pigilan mo ang sarili mong ipapatay yang babaeng haliparot na yan. Mama and Papa need nyo ba ng katulong dyan? Pwede ko ng ipadala tong Andrea na to dyan! Express delivery pa. "Uhm, ouch medyo masakit lang ang paa ko pero okay na ko" nag iinarteng sagot nito. "Why are you running? Is there any problem?" Dylan. "I just wanna fix your tie, magulo kasi" sabi nito at lumapit para ayusin ang damit ng ASAWA ko. Kaya ang lapit-lapit nila. "Ayiee! Ang sweet naman ni Dylan and Andrea, bagay kayo" pangungutya ng ibang staff dito. "Oo nga eh! Kung ako sayo Dylan liligawan ko na yan" "Andrea, hindi pa ba kayo nitong si Dylan, akala ko kayo na kasi napaka sweet nyo lagi" Lagi?! Wtf Inipit pa ni Andrea ang buhok nya sa tenga nya at nag lip bite bago tumingin sa asawa ko. "Ano po ba kayo? Wag nyo naman po kaming madaliin ni Dylan, darating din kami dyan" she even giggled which added more sa mga reason para bigwasan ko sya. Umiling ako, puro kalokohan pa ang sinasabi ko sa isip ko pero sa totoo lang ay parang maiiyak ako habang lumilipas ang segundo na hindi man lang lumalabas yung mga salitang "Guys, that is impossible, I already have someone I love" Or "Andrea, stop Mia is looking" Kahit ibulong nya lang yun kasi ang sakit na. Masakit na talaga. Ayokong magselos pero nakakaselos na talaga! Tumalikod na lang ako dahil baka ibuhol ko yung neck tie ni Dylan kay ANDY Nagsimula na ang magazine launch at nasa gilid lang ako habang si Andrea ay palapit lapit kay Dylan para punasan ang pawis or mag abot ng water na trabaho ko talaga dahil ako ang PA at asawa, pero pinapakielaman nya. Hindi na ko nakatiis kaya tumalikod na ko at nakasalubong ko si manager. "Do you see it? Sinasabi ko na kasi sayo, wag kang maging over confident" she said. "Alam mo ba manager, try mo mag lovelife ang bitter mo" hindi ko alam pero kusang lumabas sa bibig ko iyon. "I hate you" "The feeling is going to be mutual if you continue being like this, mahal ko si Dylan at kahit na ano pang gawin nyo ni Andy, kami ang magdedesisyon kung maghihiwalay kami" "How boastful! Tingnan lang natin yang yabang mo" "Ayoko na pong makipagtalo, I still respect you, aalis na po ako. Pupunta pa po ako sa party ni ate raffy, alam na ni Dylan to" sabi ko at nilagpasan na sya. Di ko na lang pinansin kahit pa tinatawag nya ko. Supposed to be ay sabay kaming pupunta ni Dylan dahil okay lang yun dahil iilan lang naman ang bisita ni ate raffy at usually ay mga wala namang pake kung what is going with Dylan o sa showbiz. Pero dahil pakiramdam ko ay ticking time bomb ako ay umalis na ko. Hindi naman kalayuan ang venue ng party ni ate sa magazine launching kaya mabilis akong nakarating doon. "Mia!" pagtawag agad sakin ni Ate. Mukhang kanina pa din nagsimula ang party nya. "Happy birthday Ate!" bati ko at mabilis syang niyakap. "Akala ko hindi kayo pupunta, I heard may magazine launch si Dylan. Nasaan sya?" ate asked and then looked around. "Hindi nya kailangan matakot na brief ko naman na ang mga tao dito" "Ah, nandun pa po sya busy kay Andy ay mali sa magazine launch, susunod na lang sya" sabi ko. "Ganun ba? Tara, kumain ka na" she asked me, and led me inside the party. "Babe" napalingon ako sa tumawag nun nakita kong palapit si Xavier kaya napangiti ako. "Para namang mawawala ako" sabi ni ate at nag pout pa. They really look good together. Lumapit si Xavier and ipinulupot ang braso kay ate. Sabi ko na talaga di sya bakla! Nagpapanggap lang sya and ang laking tuwa ko dahil nagka ayos sila. "Mia! Good thing you're here kanina pa may humahanap sayo" Xavier said. "Ha? Sino?" "Tita Mia!" napangiti ako ng makita ko ang nakangiting Steven na papalapit sakin. Pag lapit nya ay nag apir agad kami. "Why are you late?" "Sorry, may pinuntahan lang ako with your Tito Dylan" "Where is he? I want to see Tito Dylan!" excited nitong sabi kaya napakamot ako ng ulo. "Ay hehe wala pa, pero susunod yun" "But it's almost bed time for me, that's bad. I missed to bond with him" "Eh ako, hindi mo namiss?" tanong ko. "Well, I'll think about it" "Ah ganun? Ganun?" sabi ko sa kanya habang kinikiliti sya kaya tawa sya ng tawa. "Stop Tita Mia, okay fine! I miss you! Happy?" "Satisfied" sabi ko at pinisil ang pisngi nya. "Ouch!" sabi nya at hinimas ang pisngi nya. "Okay, that's enough Steven, dapat matulog ka na" Xavier said. "But dad!" "No more buts Steven, kakain din si Tita Mia mo" Ate Raffy said. Sumimangot si Steven kaya lumapit ako and pat his head. "Wag ka ng ma sad, I'll visit you more often. Babawi ako sayo" sabi ko dito. Mabilis naman syang ngumiti. "Promise?" "Yep!" "I'll make Amise take a note of that one, kumain ka ng madami Tita Mia, so that Tito Dylan wouldn't change you for another woman" sabi nito. He's already doing it, I almost said that. Hays Mia! Nagseselos ka lang, nagiging judgemental ka na. "Hehe, sige na matulog ka na" sabi ko dito. He kissed me sa cheek bago kargahin ni Xavier. Almost 10:00 PM na at halos lahat ata ng pagkain sa party ni ate ay nakain ko na. Pool party ito, kaya super nag e enjoy ang mga tao. May 3 pool dito, isa is yung main pool kung nasaan ang lahat, may yung parang jacuzzi, at yung personal pool na nasa likod. Walang masyadong tao dito dahil nasa likod to at halos di na abot ang music. Nakalublob ang paa ko sa pool habang hawak ko ang martini. "Mia, nandyan na si Kasper" sabi sakin ni ate, kaya nagmamadali akong tumayo. Mabilis akong pumunta sa main pool dahil dun malapit ang entrance. Lumabas ako at nakita kong nandoon na ang kotse ni Dylan. Atleast sumunod sya, makakapag usap kami. Pumasok ako ulit pero hindi ko sya makita. Nasaan kayo nagsuot yun? Nung nakita ko si ate ay lumapit ako. "Ate si Dylan? Hindi ko sya makita eh" tanong ko. Sumimangot si ate raffy. "Hindi ko alam dyan sa kapatid ko, pero bakit bitbit nya yung Andrea na yun, sorry Mia" Napalunok ako. So buong araw na ngang kadikit nya yung babae pati ba naman dito? Mabilis akong tumalikod at hinanap si Dylan. "Mia!" narinig kong tawag nila ate at Xavier sakin. Hindi ko talaga sila mahanap. Paikot ikot ako at halos isa isahin ko na ang mga bisita nila. Sa sobrang inis ko ay bumalik na lang ako sa pool na kinakaupuan ko. Hindi ko na nilubog ang paa ko at nanatili lang nakatayo doon. Ilang minuto na ko doon ng "Dylan, wait up!" napaharap agad ako ng marinig ko ang pangalan nya at kung sino ang tumawag nun. Si Andrea, tanaw ko silang dalawa dito. Magkaharap silang dalawa. Hawak ni Andrea ang mga braso ni Dylan. Hindi nila ako napansin. "Andy, ano ba?" Nagulat ako ng biglang magdikit ang labi nilang dalawa. Kusa yatang nagbagsakan ang mga luha ko. Wait, okay na kami diba? Ano to? Naglolokohan ba kami? Joke lang ba lahat sa kanya. Hindi ko napansin ang pag atras ko kaya laking gulat ko ng bumagsak ako sa tubig. And did I mention that I don't know how to swim? Masyadong malalim yung pool kaya kahit I tried to jump para makaahon at makahinga ako ay hindi ako umaabot. Kaya ba to nasa likod kasi malalim to. Nauubusan na ko ng hininga, may nakakita ba sakin? May magliligtas ba sakin? Wala siguro masyado silang busy sa isa't isa. When I tried to kill myself, I didn't die. Ito na ba ang end ko? Ending ko na lang, masakit pa din? Nararamdaman ko ang pagkaubos ng hininga ko, nanghihina din ako. Am I dying ng hindi nasasakal ang babaeng yun?! Andrea's POV. "Ate, nasaan si Mia?" nagulat ako ng hanapin ni Dylan sa well known ate nya na si Rafaella yung bwisit na P.A. na yun. "Ay, wait lang, alam ko nasaan sya. Pero why are you with her?" tanong nito. I kinda felt awkward sa tanong nya parang may sound ng pagka iritable. "Ah, she said that her foot hurts, along the way ang bahay nya dito, may driver ka ba na available dyan? Ipapahatid ko na lang sya" Dylan. Di ko napigilan ang sumimangot, kaya nga ako nagpanggap na natapilok at masakit ang paa para masolo sya sa condo ko and now ipapahatid nya lang ako. "Sure, meron. Teka, hahanapin ko lang muna si Mia" Rafaella said at iniwan na kami. "Dito ka muna Andy, sunod lang ako kay ate" sabi nya. Lumakad na sya kaya binilisan ko ang pagsunod sa kanya while faking na masakit ang paa ko. "Dylan wait up!" pagtawag ko sa kanya. Huminto sya kaya hinarap ko sya at hinawakan sa braso.  "Andy, ano ba?" tanong nya. Medyo iritable na din sya for unknown reason. Matagal ko ng mahal si Dylan, nasa college pa lang kami sa US, gusto ko na sya pero hindi naman sya umaamin kung gusto nya ko kaya ako na ang magpo first move. Lumapit ako sa kanya at mabilis syang hinalikan. I heard a splash of water pero hindi ko binitawan ang labi ni Dylan kaya hindi sya nakalingon. Nagulat ako ng marahas nya kong itulak. "What was that Andy?!" sigaw nya sakin. "Dylan, ano pa ba? Kung ayaw mong maunang mag confess sakin, ako na ang mauuna. Mahal kita Dylan" "Don't joke around" seryoso nyang sabi sakin. "Totoo to, mahal kita. Mahal na mahal kita since college pa lang" I tried to touch him pero mabilis syang umiwas. "Dylan, don't you feel the same way too, panahon na para maging masaya tayo together" "No!" I was shocked by what he answered. "What?" "We're better off as friends, no not even friends. Hindi pwede" "Panong hindi pwede?!" napataas na ang boses ko at parang maiiyak na ko. "I need someone else" "Anong someone else, pwede namang ako yun" "Hindi Andy, that someone is the only person that completes me, sya lang" "Mia! OMG! Dylan! Si Mia!" napatingin ako ng sumigaw si Rafaella at mas nagulat ako ng mabilis na nawala sa tabi ko si Dylan. Nakita ko ang pagkaripas nya ng takbo, hinubad nya ang coat nya at mabilis na tumalon sa pool. Ilang sandali pa ay umahon sya bitbit ang nakapikit na si Mia. "Mia" tawag ni Rafaella, inalaayan nilang maiahon ito. Hindi ko alam pero nawi weirduhan ako sa inaakto ng ate ni Dylan. P.A. lang si Mia pero bakit parang close na close sila. "Mia, wake up!" tinapik tapik ni Dylan si Mia. Nakaramdam ako ng sakit ng makita ko yung takot at sobrang pag aalala sa mukha nya. I've never seen this side of Dylan. He's always cold. Ngumingiti sya sakin pero ramdam kong hindi genuine iyon. And ang makita tong reaksyon na to is something new. Nagsimula na syang i pump ang chest ni Mia, at binibigyan nya ng mouth to mouth resuscitation na hindi nakapagpakali sakin. Bakit ganun? Gusto kong palayuin si Dylan. Bakit nagdidikit ang labi nilang dalawa? "Mia, wake up. Please baby, don't do this" Dylan said in between while he's trying to save that witch. Did she just call her baby. Maya maya pa ay nagsimulang umubo at magluwa ng tubig si Mia na sana hindi nya ginawa. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong masaya ako na dumilat sya dahil nung magising si Mia. Nakita ko yung sobrang relief sa mukha ni Dylan. Mabilis nyang inangat ito at niyakap. "Don't ever do that! I thought I really lost you" sabi pa ni Dylan. Binalot nya yung coat nya kay Mia, na hindi pa nagsasalita ngayon. Niyakap ulit to ni Dylan, I even saw the small kiss that he planted on her head. All my life, I was dying to have that and now, ginagawa nya sa ibang babae yun. Hindi nya nagawa sakin yun at hindi nya magagawa kahit kelan man sa akin dahil I am not the woman that he said he needed in his life. Hindi ako, kundi si Mia. Sya yung babaeng mahal nya talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD