Chapter 1
PAANONG nagagawa niya ang maging kalmado sa sitwasyong ganito? Iyon ang mahiwagang katanungan.
Ikalawang buwan na ni Mariachi sa Pristine's Diner bilang isang waitress, waitress na malapit nang matanggal sa trabaho kung gagawin niyang palaka ang kanyang boss na si Pristine De Aguas Silverio. Tradisyon na yata sa kanilang mga empleyado ang paulanan ng sandamukal na sermon at may bonus pang pagdudahan ng kanilang biyudang amo. Pagdudahan sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa lalaking kinakasama nito ngayon. Nagpalitan ng mga makakahulugang tingin ang mga kasama niya nang tumigil sa pagtatalak ang kanilang amo. Pigil na pigil siyang gamitan ng kapangyarihang itim ang boss niya.
"Another round of applause," mahinang bulong niya sa katabi. Napabungisngis naman ito at umayos ng tayo. Kung tutuusin, hindi naman niya kailangan pang mamasukan sa restaurant na ito at magtiyaga sa sermon ng balyenang amo pero nanghihinayang siya sa malaking sweldo. Sa panahon pa naman ngayon, mahihirapan siyang kumuha ng trabaho ng mabilisan. Titigil siya ng dalawang linggo bago makapasok at hindi niya kaya iyon. Mahirap na baka mapagtuunan pa niya ng pansin ang pag-aaral ng libro ng kanyang abuela, Mahika, gayuma at kulam. Ipinilig niya ang kanyang ulo bago pa kung saan mapapad ang isip niya. Madalas pa naman niya iwasan ang ganitong bagay. Medyo naalangan pa siya kung tatanggapin niya ang kapangyarihang ganoon.
"May party ako sa Villa, pipili ako ng mga kukunin kong tauhan, kilala ninyo ako ayaw ko ng tamad," bumuwelo lang pala sa SONA ang kanilang boss. "Then, three weeks kayong magsisilbi sa Villa for that certain occassion. Magkakaroon ako ng mga bisita galing sa ibang bansa. And my daughter will be announcing her engagement."
Napaismid siya. Siguradong planado na nito ang party na iyon, alam niyang trick lang iyon para mahuli kung sinong haliparot ang lumalandi sa boylet nito.
"March, sweetie," tila bubuyog lang ang dating ng mga pinagsasabi ni Mrs. Pristine Silverio sa kan'yang tainga. Tango, tango, tango. Sigurado naman siya na pakitang tao lang naman nito. Masabi lang na mabuti itong boss sa mga empleyado nito. Ganoon talaga, maganda siya eh. Laging pag-iinitan.
"So are we clear?" tanong nito. Gaya niya tumango lang din ang mga kasamahan niya sa trabaho. "Get back to work."
Lumabas na ito ng kitchen. Nakahinga siya ng maluwag, on the back of her mind. I-coconsider na niya na rin siguro ang pag-aaral kung paano mangulam. And once, na malaman niya kung paano. Planado na kung sinu-sino ang magiging biktima.
"Mga kaibigan, kabayan. Out muna ako ha?" paalam niya sa mga kasamahan. Kanina pa kasi tumatawag ang nobyo niyang si Alvaro. Nakakapagtaka lang kasi mukhang importante.
"Ay Mariachi.." pahabol ni Fifi, ang numero unong chismosa sa kusina. "Ingat ka girl ha? Sabi ng mga friendship sa labas may hombreng kausap si Madam P, eer you know. That guy, he looks so familiar.."
Hinarap niya ito. Ano na naman kayang pakulo iyon?
"Basta. He looks like your boyfie. Hindi ako sure ha? Pero basta ingat ka."
Mariin siyang napapikit. May nabubuong ideya na sa isip niya. Nagbilang siya ng sampu para kalmahin ang sarili niya. Kailangan maging handa siya sa pagkikita nila ni Alvaro. Nase-sense niyang hindi maganda ang patutunguhan ng pagkikitang iyon.
"Pakisabi na lang kay Seffy na umalis ako ha? Salamat Fifi."
Mabilis siyang nag-ayos ng sarili. Maganda siya alam niya iyon. Pero hindi yata sapat ang ganda sa paghaharap nila ni Alvaro. Mabigat ang loob niya.
"Isa na lang ito," aniya. "Kaunti na lang." Pumara siya ng taxi at sumakay. Sa isang Italian restaurant sila magkikita ng nobyo. "Kalma lang, Mariachi."
Ito na ba ang kinakatakutan niyang balita? Napakialamanan ng kaya ng impakta ang karelasyon niya.
"ALVARO.." Hindi mahigilap ni Maria ang mga salitang gusto niyang sabihin sa kanyang nobyo. Tila ba nanigas siya sa kan'yang kinauupuan nang isiwalat nito ang mga isyung hindi naman totoo. At ngayon, nagbabanta - hindi, nagpapahiwatig na ito na gusto na nitong makipaghiwalay sa kanya.
"Mariachi.." Ngumiti si Alvaro saka bumitaw sa pagkakahawak sa kan'yang kamay na nakapatong sa mesa. Parang nailang, naasiwa. "Sweetie.." napalunok. Bakit parang may ibang dating ang "sweetie" na iyon sa kanya. "Mariachi, uhm.. T-there's something I would like to tell you.." anito.
Anak ng kamote! Nakakaramdam siya ng panic sa panimula nito.
"Ano ba iyon Alvaro?" sa wakas nakapagsalita siya. "We're doing fine. Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa mga iyon. I know you Alvaro, you are smart enough. Hindi ka basta nagpapadala sa mga sabi sabi lang," Sa loob niya hindi. Hindi siya mapakali. Nakuha ng kanyang atensyon ang dalawang babaeng pamilyar ang mukha sa kanya. Isang table lang layo ng mga ito sa kanila. Sinikap niyang huwag munang tumingin sa direksyong iyon at bumaling kay Alvaro, na hindi na yata alam ang sasabihin sa kanya.
"Doing fine?" Nagulat ito sa mga sinabi niya. At dissappointed.
"Alvaro, pagod ka ba?" Umiling ang lalaki. "Then what?" Humugot siya ng malalim na hininga. Isa lang ang sigurado niya. Hindi iyon ang inaasahan niya mula sa nobyo. "Alvaro.."
"Fine, I'm not okay. March.." There! He said it! "Do you think na nasisiyahan ako sa mga nalalaman ko? Goodness! You're having an affair with your boss! Hindi pa ba ako sapat para sa iyo? May pagkukulang ba ako?" Mahinang ngunit puno ng galit ang bawat salitang binibitawan ng binata.
Gulat at nabigla siya sa sinabi ng nobyo! Nakagat niya ang ibabang labi. "Alvaro, hindi ako ganyan. You love me, and.."
"Hindi mo ako mahal Maria," mariin nitong sabi. Pahapyaw lang pala ang ibang nasagap nito. "We have to.."
"End everything?" She mouthed. He's getting into her nerves now. "Iyon ang gusto mo? So balewala lang sa iyo ang isang taong pinagsamahan natin ng dahil lang sa walang kuwentang akusasyon na iyan. Itatapon mo lahat tiwala at respeto na ibinigay ko sa iyo ng dahil sa letseng isyu na iyan. Akala ko girlfriend mo ako? Mukhang mas naniniwala ka pa sa mga babaeng ngayon mo lang nakilala. Hindi ka rin iba sa kanila Alvaro, hindi ka iba sa kanila."
Pilit niyang kinakalma ang sarili at huwag sampalin ito sa harap ng maraming tao. Punyemas! Talagang hindi na siya tinitigilan ng impaktang nanggugulo sa kan'ya.
Muli ay tinitigan niya ang binata. Blangko ang ekspresyon nito, wala na talaga. Na-brainwash na ito ng impakta. Masakit man sa kalooban kailangan na rin niyang bumitaw. Aanhin pa ba niya ang taong hindi naman totoo sa kanya? Mainam na siya ang umalis. Tumayo siya.
"Thank you for everything Alvaro. Mag-enjoy ka sana sa buhay mo."
Taas noong naglakad at lumabas siya ng restaurant na iyon. Walang lingon likod. Mapait siyang napangiti, sunud-sunod na kamalasan ang inaabot niya. At hindi na talaga nakakatuwa, dinukot niya ang kanyang cellphone sa dalang bag at tinawagan ang kanyang pinsan.
"Augustina, nangyari na ang inaasahan natin. Nakarating na nga kay Alvaro ang balita." Dinig niyang napamura ang nasa kabilang linya. "Oo, hiniwalayan na niya ako. Totoo lahat ang sinabi ng tarot cards ni Seffy."
Nasa isip na niya ang paghihiganti. Lintik lang ang walang ganti. Tutal naman nagulo na ang nananahimik niyang buhay bakit hindi pa siya maki-join sa gulo? Sabi nga, if you cannot beat them, join them na lang.
"Pauwi na ako, don't worry matino pa rin ako August," pinutol na niya ang tawag. "At maganda."
Great. Just so great, isa pang malas ang hinihintay niya. Ang trabaho niya sa Pristine's Diner. Pero hangal ang naninira sa kanya, gusto nitong nakikita ang bawat kilos niya. Plastic kung plastic ang laban. Kung bakit nagtrabaho pa siya sa lugar na iyon? Napailing na lang siya, mukhang matindi ang galit ng boss niya at maimpluwensiya na nakuha pa nitong manipulahin ang mga pangyayari sa buhay niya. Nakapagaling! Lahat ng papasukan niyang trabaho ay nalalaman nito. Pera at impluwensiya. Napailing na lang siya.
"Sige lang Pristine Silverio, tignan ko lang hanggang saan ang tapang mo."