Chapter 2

1226 Words
"UNCLE LEX, what brings you here?" bungad ni Nathan sa kanyang tiyuhin. Nalukot ang mukha ni Alexxus, hindi naman niya talaga tiyuhin ang lalaking ito. Lamang lang ito ng dalawang taon sa kanya at sa kasamaang palad ay napapabalitang karelasyon ng kanyang Auntie Pristine. Which is half true, half lie. Napailing na lang siya. Kasalukuyang nilalamay niya ang ilang business reports nang pumasok ito sa kanyang opisina. "Care for a drink, Uncle?" "Drop that "Uncle" kinikilabutan ako. Hindi rin naman ako magtatagal Nathan," base sa tono ng boses nito, mukhang seryosong usapan ang pakay nito. "Nathan, if you wouldn't mind.." "What about Uncle?" Napangisi siya. "Alex, kung tungkol kay Auntie iyan, my hands are tired," totoo naman iyon. Humugot ng malalim na hininga ang binata. "Can you hire someone?" "Ano na naman ang ginawa ni Auntie?" napahilot siya sa kanyang sentido. "Titignan ko kung ano ang puwede kong gawin." "Keep me in touch Nathan," simpleng sabi nito. Pati yata ang pananalita ni Alexx ay limitado na. Pati pasensya umiikli na rin. "Okay, magkita na lang tayo sa dating lugar." Tumango ito at tahimik na lumabas ng kanyang opisina. Tinawagan niya ang kanyang sekretarya at nagbilin na ikansela ang lahat ng business appointments niya ngayon araw. Hindi puwedeng ipagsawalang bahala ang kalokohang ginagawa ng kanyang tiyahin. Ano na naman kayang gulo iyon? He is Nathan Silverio, the Owner of Silver Spoon Corporation and chains of restaurants at talaga naman nagpapainit ng ulo niya ay ang kanyang pinakamamahal na Auntie Pristine, wala naman siyang magagawa kung hindi ang linisin ang mga kalat at huwag mag-iiwan ng bakas ng gulo na ginawa ng kanyang Auntie. Gamit ang impluwensiya at pera ay nagagawa nilang patahimikin ang kung sino. Babayaran nila ng malaking halaga o papaalisin ng bansa. Ganoon ang kinalakihan niya, simula nang mapunta siya sa poder ng kanyang Auntie, pera lang ang nagpapalakad sa lahat. Money works, money talks and money rules. Isa kang ipis kung wala kang pera. Napatingin siya sa glass wall ng kanyang opisina. Minsan naisip niyang lumayo na at mamuhay na mag-isa, but he can't. Nangako siya sa kanyang ama noon, sa mura niyang edad. Nakapagbitiw siya ng pangakong hindi niya papabayaan ang kanilang kompanya lalo na ang kanyang Auntie Pristine. Which is, mahirap na madali naman kung tutuusin. Magpapatakbo ng isang malaking kompanya habang nagmomonitor ng isang singkwenta'y anyos na biyudang tiyahin. Napabuga siya sa hangin. Ano na ba talagang dapat niyang gawin? Mayamaya pa ay pumasok ang kanyang sekretarya na si Ferry. "Sir Nathan, nakatanggap po ako ng mensahe galing kay Ma'am Doreen," humarap siya dito. Napakunot ang noo niya. "Pauwi na raw po siya dito sa Pilipinas." Ito pa ang isa niyang problema. Ang pinsan niyang si Doreen. Hindi talaga mauubusan ng poproblemahin. "Ferry, mawawala ako ng dalawang linggo. You know what to do. Tawagan mo lang ako kung may problema dito sa opisina." Tumango si Ferry at ngumiti sa kanya. "Sir, huwag ninyong kalimutan ang magdala ng maraming pasensya." Napangiti siya. Simula ng magtrabaho siya dito sa opisina si Ferry na talaga ang sekretarya niya. Masasabi niyang kaibigan na rin ito at mapagkakatiwalaan. "Ferry, may pampaamo ka ba ng isang malditang babae?" Natatawa na naiiling si Ferry sa kanya. "Sir, kung ang papaamuin ninyo lang po ay ang mga babaeng nagkukumahog sa inyo, isang ngiti lang ang katapat ng mga iyon pero ibang usapan na po kapag si Madam Pristine at Miss Doreen ang alam ninyo naman po." "Ferry isa pa." Napakamot siya sa batok. "Usapang kaibigan ito." "Ano ba iyon Nathan?" Nagbago ang tono nito napangisi na talaga si Ferry sa kanya. "May tiwala ako sa abilidad mong magpaamo, ewan ko ba kung bakit hindi tinatablan ang Auntie at pinsan mo." "Iyon nga eh Fer, what did I do in my past life at pinaparusahan ako ng ganito?" Nagkibit-balikat lang si Ferry. "Karma mo siguro, Nathan?" "You think so?" "Ewan ko sa iyo Sir," nagtungo na ito sa mesa nito. "Daanin ninyo na lang sa diplomasya. Kapag hindi pa umubra, paspasan na ninyo. Tapos ang problema." Tumigil ito sandali. "Ipakulam mo na lang para matahimik ka." Tuluyan na siyang natawa. Ipakulam? If that's the case kailangan na niyang kumilos. Uuwi muna siya sa Villa Aguas para makapagrelax muna habang naglilinis ng gulo ng iba. Hay buhay! "Ferry!" "Yes, Sir?" "Ihanap mo nga akong manghuhula para malaman ko kaagad ang problemang aayusin ko sa future," nagbibiro lang siya, pero kung meron nga, bakit hindi? "Sir, 'yung kinakausap lagi ni Miss Doreen na fortune teller. Kontakin ko na ba?" Naiiling na lang siya. NAABUTAN NI MARIACHI si August na naghahanda nang pumasok sa trabaho nito. Pasado alas kuwatro na ng hapon. Ibinagsak niya ang katawan sa sofa. "Oh kamusta ang break-up?" anito at nakangisi pa ang bruha. "Hindi ka ba iiyak? Magwawala? Mag-iinom? Or whatsoever girly break up stuffs?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Mukha ba akong naiiyak?" "Hindi March, mukha kang papatay. Alam mo, kung ako sa iyo at sa inyo ni Seppy, lalagyan ko na ng lason ang pagkain ng mga amo ninyo nang matigok na." "Gagawin mo pa kaming mamamatay hayop." Hinubad niya kanyang sandals. "Bakit ang aga mo ngayon? Six pa ang shift mo ah?" "Kukuha ako ng leave," anito. "Makikigulo ako sa gulo ninyo ni Seppy at pahinga muna ako sa amoy ng restaurant." Sa Silver Plates naman napadpad si Augustine. Habang silang dalawa ni Seppy ay sa Pristine's. "Talaga lang ha?" Napabuntong-hininga siya. "May lalakarin ako mamaya alam mo na, gawaing manananggal." Pareho pa silang napangisi. "Bahala ka, basta huwag kang mag-uuwi ng lalaki dito sa bahay baka magwala na naman si Seppy." Isinukbit nito ang bag. "Alis na ako, i-lock mo ang bahay ha?" "Roger," Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hanggang sa marinig niya ang pagsara ng pinto. Ganoon naman silang tatlo e, sila ni Seppy sa mga tables ang workplace serbidora eh, si August sa kusina. Wala na silang kamag-anak na puwedeng mapuntahan dahil matagal na silang itinaboy ng sarili nilang mga kadugo dahil lang mas pinili nilang makasama ang kanilang Lola - na pinaniniwalaan ng karamihan sa kanilang probinsiya na may lahing mangkukulam, mambabarang at kung anu-ano pa. Nang pumanaw ang kanilang abuela, bumukod na silang tatlo at namuhay ng malayo sa kanilang mga kakilala. Pakiramdam niya mas matatahimik sila kung lilipat sila ng lugar. Pero siyempre hindi mawawala ang mga problema. Bumangon siya at binalingan ang litrato ng kanyang Lola na nakasabit dingding. "La, kung sakaling nandito ka pa? Ano ang pinakamabisang pangontra kung meron man, iyong pangontra sa malas." Napangiti siya. Nababaliw na talaga siya. "La, alam ko naman na noong nagsabog ng kagandahan ang kalangitan ay nasa labas ako ng bahay. La, hindi mo man lang ako binigyan ng payong. Tignan mo ako ngayon La. Sa ganda ko, lagi na lang akong pinuputakte ng isyu, nagbabagang isyu. La, noong kabataan mo ba ganito ka rin ba?" Ganito siya kapag nai-stress siya sa buhay. Kinakausap niya ang kanyang Lola na para bang sasagutin nito ang lahat ng katanungan niya. Silang tatlo nina August at Seppy ay hindi naniniwalang pakawala ng masamang elemento ang kanilang Lola, siguro nga nasa lahi nila ang madalas na ginagawan ng isyu para ikasira nila. Para sa kanila mga inggit lang ang mga iyon at walang magawa sa buhay. Ngingitian na lang at tatawanan. "La, if ever na sumugod uli ang impakta. Gabayan mo kami ha?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD