Chapter 3

1325 Words
"AUNTIE.." Napahangos ng uwi si Nathan nang tumawag ang pinsan niyang si Darleen. Hindi na naman kasi makausap ng maayos ang kanyang Auntie Pristine at naghi-hysterical. Darleen on the other hand, doesn't know how to handle this kind of situation. Ano pa bang aasahan niya? Laging siya ang tagalinis at umaayos ng gulo ng kanyang tiyahin. Tango at ayon lang lagi si Darleen, may pagkakataon pa ngang pinapabayaan lang nito ang sariling ina sa gusto nitong gawin kahit alam nilang pareho na nakakasakit na ito ng ibang tao. Kaya hindi na siya nagtataka kung hindi man lang nagbabago ang kanyang tiyahin. Nakaramdam na naman siya ng awa para dito. "Good heavens! Nathan.." Agad siya nitong sinalubong ng yakap. "Thank goodness. You're here." Hinila niya ang kanyang tiyahin paupo sa sofa. Batid niyang hindi ito kakalma hangga't hindi nito nasasabi ang lahat sa kaniya. Iiling-iling na umalis si Darleen para hayaan silang mag-usap na dalawa. Humugot siya ng malalim na hininga saka hinarap ang tiyahin. "Auntie, what's wrong?" Ilang saglit pa ay nagbago ang ekspresyon nito. Nanlilisik ang mga mata. Galit na galit. "I saw my employee, she was flirting with Alexus. God! Ang lakas ng loob niyang dumikit kay Lex, she was just my assistant chef!" Nanggagalaiti ito sa sobrang galit. He sighed. He knew this all along. "Auntie, baka nag-uusap lang sila. Nothing else. Look, there's nothing going on with Seppy and Lex." Napailing siya. Lahat na lang yata ng empleyado nito sa Pristine's Diner ay inakusahan nitong nilalandi si Alexus. "I'm sure of that, now.. I want you to calm down." "No!" Sigaw nito. "Kilala ko si Seppy , katulad din siya ng pinsan niya. Akala ba nila na hindi ko alam na inaakit nila si Lex! God knows! Si March at Seppy na iyan mga malalandi!" "Auntie, have you taken your medicine? Why don't you eat something and take a nap. I'm pretty sure you'll be okay." "I'm okay, Nathan. I'm perfectly fine. Ang hindi okay ay iyong dalawang babaeng iyon! I need to do something to get even." A devilish smile appeared on her lips. Iyong ngiting kilala niya. Sa matagal na panahon na kasama niya ito. Ang ngiting iyon ay may ibig sabihin at hindi niya iyon gusto. "No, no Auntie." Tinulungan niya nitong makatayo at inihatid sa silid nito. "You need to rest. Alexus will be here later. Sige, ikaw rin Auntie. Magmumukha kang stressed." "Fine." Anito na may ngiti pa rin sa labi. "Tell him, I will be waiting." After closing the door, he went straight to the kitchen. Naabutan niya roon si Darleen na sinusubukan na magluto. "Hey." Bati niya. Sumandal siya sa kitchen counter. "Bakit ikaw ang gumagawa niya?" He asked. Iritadong binalingan siya nito. "Mom just fired September." Isa-isa nitong ginisa ang mga sangkap habang binabasa ang cook book. "Damn! Hindi man lang hinintay ni Mommy na mailuto ni Seppy ang mga ito bago niya binulyawan at pinalayas! Gulat na lumapit siya dito. Kinuha niya ang siyansing hawak nito at pinatay ang kalan. "Anong sabi mo?" "Hindi ka nakikinig?" Hinubad nito ang suot na apron at ibinato sa kung saan. "She just fired someone who knows everything about cooking!" Samu't-saring masasakit na salita ang pumasok sa isip niya. Minsan na niyang nakita ang kanyang Auntie na nanggagalaiti sa galit lalo na kapag may kinalaman kay Alexus. "You know what my dear cousin, why don't we get rid.." Pinukol siya nito ng nanlilisik na tingin, hindi siya sigurado kung tama ba ang nakita niya. "Yes, we should make them feel like.." "We?" Putol niya sa sasabihin ni Darleen. "You know what's the truth Darleen? Hindi ako sang-ayon sa mga gusto ninyong mangyari. I'm so fuckin' tired with those kind of stuffs." "Ibig sabihin sinusuway mo na si Mommy?" Matalim siya nitong tiningnan. "Wala kang utang na loob Nathan! Baka gusto mong ulitin ko sa iyo ang mga dapat mong gawin!" He heave a deep sigh. Here they go again. "You don't know what you are talking about Darleen. Pagod ka na." He fished out his phone and excused himself. Iniwan niyang nagtatatalak ang kanyang pinsan. Walang magandang magandang mangyayari kung papatulan pa niya si Darleen. Mabilis niyang tinawagan ang taong makakatulong sa ganitong sitwasyon. After three rings, he answered his call. "Nathaniel Silverio, what can I do for you? Gabi na pare." "Pierre, I need you to do something." Nagtungo siya ng terasa. Hindi maaaring marinig ni Darleen ang usapan. "It's about time.." "Sa wakas!" sagot ni Pierre sa kabilang linya. "By the way, kakatatawag lang ni Madame Pristine sa akin. Damn it man! Gusto niya akong magnakaw ng gayuma! Alam mo pare, kung hindi kita kilala iisipin ko na pamilya kayo ng mga may saltik." Napatingin siya sa hardin. Napakunot ang kanyang noo sa nakikita. "What is he doing here?" Usal niya. Kitang-kita niyang kausap ni Seppy si Franco Antonio. Kumunot ang kanyang noo. "Ano?" "Pierre, I think we should have the plan B." Sandaling natahimik ito sa kabilang linya. "Franco is taking Seppy..." Sinundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan ni Franco. "Sounds trouble, my friend. With capital T." "The hell you're talking about?!" Sigaw nito. "Baka masira ang cover ko nito eh. Damn! Ano bang nangyayari diyan?" "Nandito si Darleen, baka may usapan sila ni Franco. You know, I'll see what I can do." Aniya. "Tatawag na lang ako mamaya." Napabuga siya sa hangin. Mukhang kailangan na talaga niyang kumilos. Mas mahirap ayusin ang gusot na ito kung pati si Franco ay masasangkot sa kalokohan ng Auntie Pristine niya. Kung naiba lang ang sitwasyon niya baka sakmalin na niya ang kanyang tiyahin. Bilyon ang mawawala sa kompanya nila kung malalaman ni Franco ang lahat. "God, ano bang problema nila." Iiling-iling na pumasok siya sa kusina at laking gulat niya na naroroon pa rin si Darleen, may kausap sa cellphone nito. Hindi niya maiwasang marinig ang mga sinasabi nito. "No.. It's okay, darling. Gabi na rin naman, you should rest." Hindi niya maiwasang mapangisi. Mana-mana talaga. "Naintindihan ko. Take care, I love you." Tumikhim siya. Halatang ikinagulat 'yon ng dalaga. "Sino 'yon?" Inirapan siya ni Darleen. "None of your business." Isa-isa nitong itinuro sa mga katulong ang mga lilinisin sa kusina. Just like her Aunt Pristine, namana rin ng kanyang pinsan ang pagiging pala-utos. Napailing na lang siya. "Si Franco ba iyon?" Usisa niya. He needed to know everything. That was his duty from the start. Hindi puwedeng masali sa eksena ang mga Antonio. Malaking kawalan ang mga ito sa kompanya nila. "Darleen, are you.. I me--" Hinarap siya ng dalaga. "Kailan ka pa nakialam sa mga affairs ko, Nathan?" Nagkibit-balikat lang siya. "Ano bang pinoproblema mo Darleen? hindi ka naman ganyan sa akin ah." aniya sa nagtatampong tinig. "Nag-iiba ka na." Lumambot ang ekspresyon ng dalaga. Nilapitan siya nito at niyakap. "No, no darling.." sinapo nito ang kanyang mukha. "I'm just tired. Kasi naman, kararating ko lang dito sa atin, may gulo agad na sumalubong sa akin." kumalas ito ng yakap sa kanya at may kinuha na paper bag na nakapatong sa kitchen counter. "Akala mo nakalimutan ko na ano?" Ngingiti-ngiting inabot niya ang paper bag. "My sweet Darleen, talagang bumili ka nga." "Limited edition kaya iyan. Alam ko naman sa mga relo ka lang mahilig." ngitian siya nito. "Please lang Natnat, don't call me that." "Ang alin?" "That my sweet." nalukot ang maganda nitong mukha. "Para kang si Alexus." anito na may kiming ngiti sa labi. Napataas ang kilay niya. Bigla siyang napatingin sa kanyang relong pambisig. "Si Uncle ba?" "Oo, si Alex nga. Bakit?" "W-wala naman." s**t! magkikita nga pala sila nito. "Magpahinga ka na, bukas na lang tayo magkuwentuhan. Huwag mo na muna intindihin ang Auntie," ginawaran niya ito ng halik sa pisngi. "May babalikan pa ako sa opisina. I have to go." "Babae ba?" nanunudyong sabi ni Darleen. "Okay, drive safe." "I will." mabilis niyang tinawagan si Pierre na agad naman nitong sinagot. "Hey man, sa Bistro Salvador tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD