Nagising ako sa mabangong aroma ng pagkaing niluluto mula sa labas ng kwarto.
Tumingin ako sa orasang nakasabit sa may pader at nakita kong ala-una na ng hapon.
Wala pa sana akong balak na umahon mula sa kama, pero biglang kumalam ang sikmura ko at nagwala ang lahat ng mga bulate sa loob ng aking tiyan.
Pupungas-pungas ang mga matang lumapit ako sa may pintuan upang lumabas ng kwarto.
Sisilipin ko lang si Wendy sa kaniyang niluluto dahil natitiyak kong babawi ito sa ginawang kalokohan kagabi.
Tila itinulos ako sa pagkakatayo nang mamasdan maigi ang taong nagluluto. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko para masigurong ‘di ako nagkakamali ng taong nakikita.
Hindi si Wendy ang nagluluto kundi si Stephen, na bartender sa bar at siyang nakaniig ko.
“Good morning!” magiliw niyang bati na sinamahan pa ng simpatikong ngiti mula sa kaniyang labi.
“Anong ginagawa mo?!” tanong ko bilang pagtugon sa kaniyang bati.
“Nagluluto,” tugon niya at tila hindi alintana ang pagtataray sa’king tinig.
“Bakit hindi ka pa umuuwi? Huwag mong sabihing dito ka na makikitira? Wala ka ba talagang susi ng bahay mo o sadyang wala ka lang kahihiyan?” akusa ko na may kasamang panlalait.
Nasukol niya ako sa may pader nang humakbang siya palapit sa’kin. Hindi ako makaatras at ‘di rin makakawala mula sa malapad niyang pangangatawan na humarang sa maaari kong maraanan.
Walang babalang lumapat ang labi niya sa’king labi dahilan upang mapasinghap ako sa loob ng kaniyang bibig.
Sinisibasib niya ng halik ang labi ko habang nandidilat naman ang mga mata kong nakatitig sa kaniyang gwapong mukha.
Nilusob ng matinding sensasyon ang buo kong katawan at tila mapupugto ang aking hininga dahil sa kaniyang pangahas na dilang naglaro-laro sa loob ng bibig ko.
Marupok ako at mabilis na nag-init sa kaniyang ginagawa kung kaya naman gumanti rin ako ng halik.
Pumulupot ang mga braso ko sa likod ng kaniyang batok at animo ay alipin ako ng kaniyang ekspertong mga labi na inuutusan akong tumugon sa halik na iginagawad niya sa’kin.
Tumugon ako sa bawat pagsipsip niya sa’king labi at halos nawaglit sa isipan kong tinatarayan ko lamang siya kani-kanina.
Kakaibang kapusukan ang kaniyang ipinamalas na halos pinagsasaluhan naman naming dalawa.
Nananaig sa aking pakiramdam ang kaaya-ayang dulot ng aming halikan at inaalipin ako ng matinding init na lumulukob sa buo kong pagkatao.
Idiniin ko ang sariling katawan kay Stephen, upang maramdaman ang kaniyang maskuladong katawan.
Nakatayo siya sa pagitan ng mga hita ko at sobrang dikit ng ibabang bahagi ng aming mga katawan sa isa't isa.
Kakaibang antisipasyon ang sumisigid sa ‘king katawan lalo na sa bahaging nasa pagitan ng mga hita ko.
Matinding sensasyon ang binubuhay niya sa kaibuturan ng pagkatao ko at ang halik na pinagsasaluhan naming dalawa ay tila hindi nakakasawang pagsaluhan.
“Kagigising mo lang, pero ang taray mo na agad,” usal niya sa loob ng bibig ko.
Sa nagdedeliryo kong pakiramdam ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig na kaniyang winika.
Buong pwersa kong itinulak sa dibdib si Stephen upang tuluyan siyang mapalayo sa’kin.
“What’s wrong?” Nakita ko ang gulat at pagkalito sa kaniyang mukha.
“Umuwi ka na,” malamig kong tugon at saka kumawala palayo sa kaniya.
“Hey!”
Tinabig ko ang kamay niyang kumapit sa ‘king braso saka pilit ko siyang itinulak palayo.
“Umuwi ka na!”
“No!”
Dumapo ang kanang palad ko sa kaniyang pisngi. “Hindi porke may namagitan sa ating dalawa ay may karapatan ka na rin na angkinin ako sa kahit saang lugar mo gusto.”
Naglakad ako papunta sa may pintuan. “Hindi mo ako pag-aari at hindi rin kita kaano-ano kaya umalis ka na!”
Iminuwestra ng kamay ko ang labas upang ipabatid sa kaniyang maaari na siyang umalis.
“Pinagbigyan na kitang makitulog, kaya umalis ka na!” mariin ko pang sabi.
Ilan sandali pa munang pinagmasdan ako ni Stephen bago siya tuluyang kumilos upang maglakad.
“Hindi ito ang huling pagkikita natin,” wika niya nang mapatapat siya sa’kin.
“Huwag kang mag-alala dahil ito na talaga ang huli nating pagkikita!” tugon ko naman.
Naaaliw na pinagmasdan niya ako at saka naiiling na lumabas siya sa may pintuan. Hindi ko pa naisara ang pintuan nang marinig ko ang kaniyang sinabi.
“This is not the last day that we will see each other. Sa susunod nating pagkikita ay makakasama mo na ako sa iisang bubong.”
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. “Huwag mo nang balaking bumalik pa, dahil papalitan ko na ang doorknob at susi ng pintuan ng apartment na ‘to!” mataray kong turan.
Naaaliw niyang pinasadahan ako ng tingin at saka pinaliparan ng halik na animo’y teenager kong manliligaw.
Kung nasa ibang pagkakataon lang kami, marahil kikiligin ako sa kaniyang ginawa. Pero hindi kaya pinandilatan ko siya ng mga mata ko at saka pabalagbag na isinara ang pintuan.
Kung nandirito lang ang may-ari ng apartment ay tiyak na raratratin ako ng mga salita niyon. Idadagdag pa sa’king babayaran ang anumang gamit na posibleng nalaglag sa katabing apartment na tirahan nila mismo.
Mabuti na lang talaga at nasa bakasyon sila!
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang maamoy ang nasusunog kong sinaing.
“Sh*t!”
Nagmamadaling lumapit ako sa kalan at napangiwi na lamang ako nang makitang bukas pa nga pala ang apoy niyon ng iwanan ko.
“Stephen!!!” hiyaw ko at nagngingitngit sa inis.
Nagdadabog kong pinatay ang apoy ng kalan saka inilipat sa plato ang natutong na bahagi ng kanin para ito muna ang una kong kainin. Masarap itong kainin ng mainit-init pa dahil ‘di mahirap nguyain. Kapag malamig na kasi ay masakit na sa gilagid at ngipin kapag nginuya.
Nagtimpla ako ng kape at pagkatapos ay pumosisyon na ako ng upo sa may harap ng mesa. Prenteng itinaas ko ang isang paa saka sumandok ng pagkain sa plato gamit ang aking kanang kamay.
“In fairness, masarap magluto si mokong Stephen!” usal ko habang ngumunguya ng pagkaing isinubo ko.
Masarap at malinamnam ang ulam na niluto niya at hindi iyon maalat dahil sa saktong-sakto lang ang lasa ng adobong baboy.
Bihira akong kumain ng baboy dahil sa matigas kung minsan nguyain lalo pa kung ‘di maluto ng husto.
Kakatwang naiiba ang pagkakalutong ito ni Stephen sa adobo dahil tila ilang oras pinakuluan para lang lumambot ng husto ang karne.
“Apatay na! Baka habang tulog ako ay pinakuluan niya ng husto sa kalan ang karne ng baboy.” Naitampal ko ang palad ko sa aking noo.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maisip na baka ubos na ang gas ng superkalan kung sakaling ganoon nga ang ginawa nito para mapalambot ang karne.
Napapangiwi na lang talaga ako habang nginunguya ang pagkain sa loob ng bibig ko.
Naubusan man ng gas ang superkalan ay hindi ko na pwedeng sayangin ang grasya lalo’t mahirap kumita ng pera.
Isa pa ay nagugutom din naman talaga ako, kaya kakainin ko na lamang itong pagkain kaysa masayang pa!