KABANATA 72 Napaatras mula sa pagkakalapit si Ashley nang marinig niya ang unang sinambit ng lalaking kanina pa niya hinihintay na magising—para bang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil doon. Sa kabila ng pag-aagaw buhay niya ay ang babae pa rin ang nasa isipan niya. Umawang din ang bibig ng Senyora dahil sa tinuran ng kanyang pamangkin at halos mapapikit siya nang magkaroon na siya ng hinala sa lahat ng nangyayari ngayon. Lalo na at wala pa ang kanayng bunso sa loob ng maliit na espasyo ng kwarto gayong alam niya na kasa-kasama nila si Lucas dito. At dahil sa tawag na sinagot ng anak niya kanina ay mukhang alam na niya kung nasaan ang anak nito. “Ano bang meron sa babaeng iyon at para kayong baliw na baliw sa kanya?” hindi na maiwasan na mainis ni Lucianna kahit na kakagising l

