KABANATA 71 Napatingin si Lucianna nang bumukas ang pintuan at niluwal nito ang kanyang asawa. Agad na kumunot ang kanyang noo nang makita niya na may benda ang kanyang kaliwang balikat kaya naman dali-dali niya itong nilapitan dahil sa pag-aalala. “What happened?” pagtatanong ni Lucianna. Noong umalis ito sa bahay ay wala naman siyang kahit na anong sugat pagkatapos ay uuwi ito na may sugat ang kanyang kaliwang kamay? Halos hindi na siya mapalagay sa kanyang anak at sa kanyang pamangkin pagkatapos ang asawa na akala niya ay nasa maayos ang kalagayan ay mukhang muntik din na mapahamak. “Daplis lang,” sagot ng Senyor sa kanyang asawa. Kita na niya sa mukha ng kanyang asawa na stress na ito dahil sa dalawang nakahandusay sa kama ngayon kaya ayaw na niyang dagdagin pa ang alalahanin ng k

