KABANATA 70 Mabuti na lang din at hindi na pinansin ng kanyang ina ang tawag ng kanyang kaibigan na si Suzzie. Alam niyang mayroong gustong sabihin ang kanyang ina tungkol sa pagtawag ng dalaga sa kalagitnaan ng nangyayari ngayon sa kanilang pamilya. Hindi na rin naman inalintana pa iyon ni Lucianna dahil wala na siyang oras para punain pa ang pagtawag ng dalaga sa kanyang anak. Ang nasa kanyang isipan ngayon ay kung ano ang kalagayan ng kanyang anak maging ang kanyang pamangkin. Ang tanging inaalala niya ngayon ay ang kaligtasan ng dalawang binata at wala na siyang halos pakialam pa sa nangyayari sa kanyang paligid. Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa hospital. Halos hindi pa nakakahinto ang sasakyan ay nagmamadali ng bumaba ang Senyora. Hindi na niya halos hinintay pa ang kan

